Empress, na-burn out sa showbiz

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Hindi akalain ng pikapika.ph na malalim pala ang paghuhugutan ni Empress Schuck sa tanong namin kung may pangyayari ba sa buhay niya na ginawa pa rin niya ang isang bagay kahit ayaw na niya. Isang laru-larong tanong na inilapit lang namin sa title ng ipapalabas niyang pelikula na Kahit Ayaw Mo Na (na showing na on December 5).

 

Ayon sa Filipino-German actress, showbiz daw ang isang bagay na napipilitan nalang siyang gawin sa mahabang panahon.

 

Kahit pa po no’ng bago ako mag-buntis, ayoko na,” pagtatapat ng 25-year-old mom na napabalita lang na buntis noong April 2015.

 

Hindi na po ako happy,” patuloy ni Empress. “Kasi seven years old palang ako nagta-trabaho na ako bilang artista… Parang wala pala doon ’yong happiness ko. Wala siya do’n.”

 

Na-enjoy pa rin naman daw niya ang childhood niya kahit nagta-trabaho siya pero na-realize lang niyang hindi na siya masaya.

 

“Parang all these time susunod lang ako sa parents ko or kahit ano’ng sabihin ng kung sino’ng around me na mas nakakatanda sa akin,” dagdag paliwanag ni Empress na aminado ring breadwinner ng pamilya.

 

 “S’yempre po ang turo sa akin sumunod. Susunod lang po ako. But then, na-realize ko na there is such a thing pala na as myself…’yong sarili kong… ’yong may hinahanap din pala siya, which is happiness. But where do I find that? I don’t know where do I find that.

 

“So, pag nagwo-work ako noon, ’yong ano ba ito? Ba’t ako nandito? Diba? Kailangan kung nasaan ka, happy ka…kung ano’ng ginagawa mo happy ka. Pero hindi, e. Kasi ’yong iba kasi nandoon sila kasi komportable sila doon, or malaki ’yong kinikita nila dito. Pero sa akin, importante ang happiness. Kasi simula noong magdalaga ako parang hindi ko naman siya nakuha talaga nang buong-buo.”

 

Natagpuan daw niya ang happiness na hinahanap niya sa boyfriend niyang si Vino Guingona, apo ng dating vice president ng bansa na si Teofisto Guiongona, Jr., at mas nadagdagan pa raw nang isilang niya ang anak na si Athalia noong September 2015. 

 

“Lalo na ngayon na nagka-baby ako,” nakangiting sabi ng blooming nagyong si Empress. “Ito pala ’yong happiness. Gusto ko ’yong family ko, gusto ko si Athalia, gusto ko si Vino—kaming tatlo lang.

 

“Dito ako naging happy. Hindi ko alam. Parang may blessing talaga ni God na biglaan tapos ayon sinabi ko na rin sa manager ko, kay Tita [Becky Aguila] na dito talaga ako masaya.”

 

Kung tutuusin matagal ngang namahinga si Empress sa pag-arte. Huling project niya ang Kailan Ba Tama Ang Mali sa GMA-7 at nag-comeback lamang siya sa pelikulang Goyo, Ang Batang Heneral, kung saan gumanap siya bilang selosa at umaasa pa ring ex-girlfriend ni Goyo (played by Paulo Avelino) na si Felicidad Aguinaldo. Ipinalabas ang pinag-usapang pelikula noon lamang September 2018 at may kahinaan ito sa takilya. After Goyo ay tinanggap din niya ang teleseryeng Asintado ng ABS-CBN naman na katatapos lang umere.

 

Gusto na raw sana niyang tuluyan na ang pamamahinga after niyang manganak noong 2015, pero pinaki-usapan siya nang husto ng manager niyang subukan lang muna niyang gawin nga ang Goyo.

 

“Actually, hindi ko talaga tatanggapin ’yong Goyo,” pagbabalik-tanaw ni Empress. “Kasi I wanted to quit na talaga. Nagpaalam na ako kay Tita but then bilang manager ko siya since bata pa ako, since I started…sabi niya, i-try mo lang. After this, tignan mo kung magiging okey.

 

“Sabi ko, why not kasi kahit papaano work pa rin siya, e. Kahit hindi ka man happy, kailangan pa rin natin ng work.”

 

Nagtuloy-tuloy daw ang mga offers after ng Goyo, gaya nga ng Kahit Ayaw Mo Na, at tinatanggap pa rin naman daw niya. Ang kaibahan lang daw ay hindi na showbiz ang priority niya kundi pamilya talaga.

 

“Dumating kasi sa time na mas pipiliin ko ’yong happiness ko. Pipiliin ko talaga no matter what happen. Mas gusto ko ’yong happiness ko kasi never kong nakuha dati. Ngayon ko lang siya nakukuha so ba’t hindi ko siya pagtutuunan ng pansin? Baka hindi na ito bumalik, e.”

 

May iba pa rin daw siyang pinagkaka-abalahan ngayon at ito ay ang pagiging show producer with a twist through her Sultana Productions.

 

“It’s called po SMIT Philippines,” tuloy-k’wento ni Empress. “SMIT stands for Social Media Influencer Tour. So, parang lahat ng YouTuber magko-concert po sila sa Visayas at Mindanao…so sa February meron silang concert sa Cebu at sa Davao.”

 

Lahat daw ng sikat na YouTubers from Luzon—gaya ni Cong TV—ay dadalhin nila sa Visayas at Mindanao at gagawan niya ng parang fanfest. Kahit siya mismo ay walang YouTube channel, idea daw niyang lahat ito.

 

Sayang naman ’yong mga fans nila do’n na hindi sila mami-meet? Ako, fan ako, e. Pinapanood ko sila at I saw talaga the potential. Kasi kapag kaming artista nag-mall show kami, nag-promote ng movie…Visayas, Mindanao, Luzon diba iniikot namin lahat? At kapag sa nag-mall show kami sa probinsya, mas iba ’yong pag-welcome sa amin kesa pag-welcome sa amin dito sa Manila. So sabi ko kung sikat ang mga influencers na ito dito, di mas sikat sila sa probinsya. Kaya ko do’n naisip na do’n muna mag- start.”

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.