Empoy Marquez, gusto maka-usap si Mang Dolphy sakaling magkaroon ng third eye

At dahil usapang third eye, natanong ng pikapika ang tatlo sa male cast members ng horror-comedy show—Benjie Paras, Empoy Marquez, and Andrew Muhlach—na kung sakaling may magbibigay ba sa kanila ng gift of extra-sensory power gaya ng third eye ay tatanggapin ba nila?

Photos: Courtesy of Sari Sari

At dahil usapang third eye, natanong ng pikapika ang tatlo sa male cast members ng horror-comedy show—Benjie Paras, Empoy Marquez, and Andrew Muhlach—na kung sakaling may magbibigay ba sa kanila ng gift of extra-sensory power gaya ng third eye ay tatanggapin ba nila?

Ghost whisperer ang role ng basketball icon-turned-comic na si Benjie Paras sa Ghost Adventures na may Season 2 na at mapapanood sa TV-5 starting October 31 (Halloween) at 6pm.

May third eye si Benjie (as Par Jack) kaya nakakakita at nakakapag-communicate siya sa mga ligalig na kaluluwa at tinutulungan silang maka-cross over to the after-life through his Day Scare Center business.

At dahil usapang third eye, natanong ng pikapika ang tatlo sa male cast members ng horror-comedy show—Benjie Paras, Empoy Marquez, and Andrew Muhlach—na kung sakaling may magbibigay ba sa kanila ng gift of extra-sensory power gaya ng third eye ay tatanggapin ba nila?

“Parang mahirap, e,” pag-a-analisa ng lead actor na si Benjie. “Eto nga may pinapanood akong series ngayon, ganoon din ang ginagawa niya [ng character]... ’yong Hotel del Luna...iba naman ang k’wento no’n about ghosts na mga tinutulungan din nila...”

(Hotel del Luna is a 2018 Korean fantasy series that centers on a hotel that caters only to ghosts.)

At one point, aminado si Benjie na sana ay may third eye siya at ito ay noong pumanaw ang kanyang Australia-based mom kamakailan na nataon pa sa taping nila ng Ghost Adventures.

“My mom passed away during our taping...sinabi ko nga, sakto naman, sana magka-totoo na nakakakita ako so at least I can talk to my mom...kasi she’s from Australia so wala kaming choice, hindi namin p’wedeng puntahan...So, sa akin tatanggapin ko just so I can talk to her.”

Hindi direkta ang sagot ni Empoy—who is playing as the Grim Reaper Kasper in the show at epal sa mga misyon ni Par Jack—pero mukang “no” ang tono niya.

Para sa taong mag-a-accept po noon, pag-iisipan munang mabuti kasi pag ka nagkaroon ka ng gano’n, mahirap nang tanggalin ’yon ,e,” paliwanag ni Empoy. “Marami po akong nakakausap na may third eye din. Nahihirapan sila kasi pag ka nakita nila,...kunyari may hawak silang ganyan [na ibang tao], nakikita din no’ng tao na ’yon [na hawak nila ang mga kaluluwa]... Medyo mahirap din po, medyo risky din.”

Si Andrew naman, who is playing as one of the two sidekicks ni Empoy (the other being Madz Red), ay matinding “ayaw” ang sagot.

“Ayoko po, ayoko pong magkaro’n ng third eye...parang ang hirap,” matigas na tanggi niya. “Pero kung bibigyan ako ng chance magkaroon ng third eye... parang si Kuya Benj, ako naman gusto kong makita ’yong tatay ko. Pero ayoko talaga [magka-third eye].”

(Andrew is the half-brother of Aga Muhlach. Their dad, Alvaro “Cheng” Muhlach, passed on in May 2018.)

Sakali namang may makakausap silang famous ghosts, si Elvis Presley ang pinili ni Benjie, habang si Michael Jackson naman ang gusto ni Andrew.

Pag dating kay Empoy, and idol niyang si Mang Dolphy ang sinabi niya dahil hindi raw siya nagkaroon ng chance na maka-trabaho ito kahit saglit. At para sa komedyanteng gaya niya, iba talaga ang pakiramdam na maka-trabaho mo ang taong tiningala mo.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Donita Nose at Ogie Diaz, dinipensahan si Tekla matapos itong ipa-Tulfo ng live-in partner; ebidensyang video, “planted” umano sabi naman ng manager ni Tekla

Legal counsel of Liza Soberano releases statement regarding ‘red-tagging’ issue of the actress

Military official warns Liza Soberano against working with Gabriela Youth

Pika's Pick: Julia Barretto honors her sister Dani on her birthday; says she “can’t ask for a better sister.”

Pika's Pick: Eula Valdes tries candle making; makes one as tribute to the teleserye The General’s Daughter and calls it “THE GENERAL’S CANDLE.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.