Empoy Marquez, friendzone muna kay Analyn Barro habang nag-iipon pa siya nang pampatayo ng bahay

"Dedma muna tayo sa mga nanliligaw. Career muna ang priority ko. Kailangan focus lang sa work para makapag-ipon tayo. I want to have a house of my own someday. Parang treat ko na iyon sa parents ko. Para lang maipakita ko sa kanila na tama itong career na napili ko at na-achieve ko 'yung goal ko noong pasukin ko ang showbiz," sey ni Analyn Barro na nagsimula bilang isa sa mga contestants ng StarStruck Season 6 noong 2015.

Photos: @analynbarro, @empoy on Instagram

"Dedma muna tayo sa mga nanliligaw. Career muna ang priority ko. Kailangan focus lang sa work para makapag-ipon tayo. I want to have a house of my own someday. Parang treat ko na iyon sa parents ko. Para lang maipakita ko sa kanila na tama itong career na napili ko at na-achieve ko 'yung goal ko noong pasukin ko ang showbiz," sey ni Analyn Barro na nagsimula bilang isa sa mga contestants ng StarStruck Season 6 noong 2015.

Wala pa raw lovelife ang Kapuso actress na si Analyn Barro dahil mas gusto raw niyang mag-concentrate sa kanyang career. Goal kasi ni Analyn na makapag-ipon para makapagpatayo ng sarili niyang bahay.

"Dedma muna tayo sa mga nanliligaw. Career muna ang priority ko. Kailangan focus lang sa work para makapag-ipon tayo. I want to have a house of my own someday. Parang treat ko na iyon sa parents ko. Para lang maipakita ko sa kanila na tama itong career na napili ko at na-achieve ko 'yung goal ko noong pasukin ko ang showbiz," sey ni Analyn na nagsimula bilang isa sa mga contestants ng StarStruck Season 6 noong 2015.

Though hindi pinalad si Analyn na manalo, nabigyan naman siya ng sunud-sunod na TV shows sa GMA tulad ng Once Again, Oh My Mama!, Tsuperhero, My Love From The Star, Bubble Gang, Sherlock Jr., Asawa Ko Karibal Ko, Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, First Yaya, First Lady, Nakarehas Na Puso, The Write One. Ngayon ay kontrabida siya kay Jo Berry sa teleseryeng Lilet Matias: Attorney-At-Law.

"Ako po rito si Atty. Aera Simmons. Ako yung isa sa mga kaaway ni Jo pagdating sa courtroom. So, lagi kaming magkaaway, lagi kaming nagkatalo sa kasi nasa opposing counsel ako. Bukod sa korte, pati sa labas ng korte ay nagka-clash kami ni Lilet. Pagseselosan ko ang pagiging close ni Lilet sa boyfriend ko na si Boni Linao, played by Jason Abalos. So marami akong confrontation with Jo dahil sa work at sa lalaki!" sabay tawa ni Analyn.

Simula raw noong mag-try na magkontrabida si Analyn sa mga teleserye na First Yaya at First Lady, unti-unting naging kumportable na siya sa gano'ng character. Ngayon daw ay sinubukan niyang ibahin ang style ng pagiging kontrabida niya sa Lilet Matias.

"May pressure po talaga na ibahin ko 'yung attack ko sa character ni Aera. Kasi si Gem Rose po from First Yaya and First Lady, jologs siya na palengkera ang dating. Dito naman as Aera, kailangan straight English ako magalit. Kailangang full of sarcasm kasi abogado ako dito. Kaya 'yun po yung inaral ko talaga.

"Actually, pinanood ko po 'yung original na Gossip Girl. Naging peg ko kay Aera ay 'yung character ni Leighton Meester na si Blair Waldorf. Very Blair ang mga outfits ko dito. Once na sinuot ko na 'yung coat at nasa courtroom na ako, I feel like parang naka-on na 'yung character ko. Nagiging mean girl na ako. Hindi na ako si Analyn. Tsaka dapat 'yung boses mo din, maiba. The way I speak in English, dapat correct pronunciation."

Hindi rin daw madali na tarayan ni Analyn si Jo sa kanilang mga eksena. Marami raw kasing lines na hindi niya masabi agad dahil baka maka-offend kay Jo kahit na sabihin na akting lang lahat.

"Mayroon talaga akong mga lines na talaga yung sobrang lala. Below-the-belt. After kunan 'yung scene namin ni Jo, kinukumusta ko siya kung okey ba siya? Kung hindi ko ba siya na-offend sa mga linya ko? Ang maganda kay Jo, she is very professional. Hindi po niya pinepersonal kasi alam niyang umaarte lang kami.

"And she is always ready. Kapag nag-take na kami, nandiyan na 'yung emotion na kailangan dun sa scene. Binibigay niya talaga ng todo na nakakatulong din sa akin. Kasi, mas okay na affected kami para maganda lumabas 'yung scene. Kaya marami akong natututunan kay Jo sa mga eksena namin dito sa teleserye."

Tinanong namin kay Analyn kung tinuloy ba ni Empoy Marquez ang pagligaw sa kanya? Inamin kasi noon ni Empoy na crush nito si Analyn at nagpaparamdam daw siya rito.

"Empoy is a caring friend. Noong naggi-guest siya sa Bubble Gang at kapag may skit kami, maalaga siyang tao talaga. Pero like what I said, hindi lovelife ang concern ko sa ngayon. Career muna talaga. Alam naman 'yan ni Empoy. Pero 'yung friendship namin, it's always there.

"Ngayon kasi pareho kaming busy ni Empoy. Meron siyang taping for Black Rider at meron akong Lilet Matias. Actually, inimbitahan niya ako sa premiere night ng isang movie niya, hindi lang ako nakapunta dahil sa taping ko rito. Pero sinabi ko naman na kung wala lang akong taping that day, pupunta talaga ako to support him. Sa next movie na lang niya ulit, my friend!"

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.