Empoy Marquez, Benjie Paras, Kylie Verzosa, at Andrew Muhlach, pare-parehong na-multo na

Ang Ghost Adventures Season 2, na konsepto pala ni Benjie Paras, ay mapapanood na sa TV5 starting October 31 at 6pm. Benjie plays a ghost whisperer (Par Jack) o ’yong nakaka-pag-communicate sa mga kaluluwa and he helps them cross over to the after-life; habang si Empoy naman (as grim reaper Kasper) ang taga-kontra sa magandang misyon niya. Kylie Verzosa (Luna) is Benjie’s love interest na magiging “social influencer” ni Benjie sa itatayo niyang “Day Scare Center” business. Bukod kina Empoy at Kylie, co-stars din ni Benjie dito sina Pio Balbuena, Billy Villeta, Madz Red, at Andrew Muhlach.

Photos: Sari Sari Channel

Ang Ghost Adventures Season 2, na konsepto pala ni Benjie Paras, ay mapapanood na sa TV5 starting October 31 at 6pm. Benjie plays a ghost whisperer (Par Jack) o ’yong nakaka-pag-communicate sa mga kaluluwa and he helps them cross over to the after-life; habang si Empoy naman (as grim reaper Kasper) ang taga-kontra sa magandang misyon niya. Kylie Verzosa (Luna) is Benjie’s love interest na magiging “social influencer” ni Benjie sa itatayo niyang “Day Scare Center” business. Bukod kina Empoy at Kylie, co-stars din ni Benjie dito sina Pio Balbuena, Billy Villeta, Madz Red, at Andrew Muhlach.

Dahil malapit na ang Halloween at tungkol sa mga multo ang TV show na Ghost Adventures kaya naman sa nakaraang virtual press conference ng said horror-comedy show last October 20 ay natanong ang mga cast members na sina Empoy Marquez, Benjie Paras, Kylie Verzosa, at Andrew Muhlach kung meron na silang naranasang pagpaparamdam o pagpapakita ng mga multo.

Si Kylie daw ay wala pang direct experience pero nakakaramdam daw siya at ayaw niya ng feeling na yon.

Pag may mga ganoong pakiramdam daw siya ay kinakausap niya ang sarili niya na piliting iwaksi ang pakiramdam. Sensitive daw kasi siyang tao kaya feeling niya ay susceptible siyang pakitaan. 

“Nakakaramdam ako kasi parang feeling ko super sensitive ko. Pero ayoko ’yon,” tanggi ni Kylie. “Sinasabi ko sa sarili ko, ‘Sana hanggang doon lang. Sana hanggang sa nakakaramdam lang ako.’ Kasi ayoko talagang makakita kasi sobrang matakutin ako. Kahit ’yong trailer ng mga movie natatakot na ako. So, ayoko talaga makakita.”

At nagpapasalamat nga daw siya na so far ay wala pa naman siyang direct ghost encounter.

“Pero ang dami kong naririnig sa bahay... may restaurant kami doon, ang dami daw ghost stories... mga bata [na multo]. Pero wala akong [nakikita]. At ayaw ko ding maka-experience ng ghost. Ayoko.” 

Si Andrew naman ay hindi raw mapaniwalain sa multo at hindi rin daw siya takot sa mga ito. Pero noong minsang mag-ghost hunting sila ng mga pinsan niya, feeling niya ay napakitaan siya.

“Ako po, hindi naman po kasi ako takot sa multo,” panimula ni Andrew. “Meron po akong naranasaan dati mga five years ago po ito. Meron kasing bahay ’yong pinsan ko sa Tali [Batangas]. Parang nagkayayaan lang maghanap ng multo. 

“Pero ako kasi hindi naman ako takot sa mga ganyan. One time noon, parang naglalakad kami sa kalsada...’yong parang nasa dulo na kami ng kalsada, parang pipili ka kung kakanan ka o kakaliwa ka. Parang merong dumadaan papuntang gubat na naka-puting damit.”

Nilayasan daw siya ng tapang that time at siya pa ang biglang nagsisigaw.

“Ako ’yong parang matapang, ganyan. Pero nu’ng nakita ko ’yong dumadaan na ’yon, ako pa ’yong Number one na nagsisigaw na ganyan. Ako pa ’yong unang tumakbo, ganyan. 

“Tapos, after that s’yempre tsismisan... may nakita kaming ganito, may nakita kaming ganyan...’yong cousin ko nagdala pa ng sasakyan para hanapin pero wala naman [kaming nakita]. Actually ’yon palang ’yong na-experience ko about sa mga multo. Wala pa akong na-experience na nakakita ng ganito-ganyan.”

Si Benjie naman ay sensitive din pala sa mga ganyan. Hindi lang siya aware na multo na pala ang nakikita niya. Ang in-example niya ay ang first ghost experience niya sa Baguio, during a taping break para sa isang TV show.

“’Yong first na nakita ko, when we were doing this comedy show in Baguio,” share ni Benjie, “If you remember Hyatt Hotel in Baguio? Sa may bahay [malapit] doon. Tapos ang ingay namin, nagkukulitan... tapos doon sa may parang veranda, ’yong babae naka-tingin sa akin naka-pamewang... parang galit.

“So, niloloko ko pa nga, e. Sabi ko, ‘Hoy, sali ka sa amin.’ Sabi ko, ‘Talon ka, sasaluhin kita.’ Ginanu’n ko pa, e. Tapos mamayang konti, lumapit sa akin ’yong parang caretaker nu’ng kabilang bahay kung nasaan kami... bumibili siya sa tindahan, sabi sa akin, ‘Kuya, sino po ’yong kinakausap ninyo?’ Sabi ko, ‘’Yong babae doon sa balcony, galit yata.’ Sabi sa akin, ‘Wala na pong nakatira d’yan. Matagal nang abandoned.’ 

“So, ’yong pagbalik ng tingin ko, kulay itim na ’yong bahay, wala ng ilaw! As in na-ano lang ako, hindi ako maka-galaw. 

“And then, ’yong PA [production assistant] namin na may third eye, lumapit sa akin, tinabihan lang ako. Sabi sa akin, ‘Naka-paldang puti kuya tapos ano mahaba ’yong buhok, naka-pamewang?’ Sabi sa akin. Sabi ko, ‘Nasaan s’ya?’ ‘Naka-tingin pa rin sa’yo.’ Mula noon tahimik na ’ko the whole time na nagte-taping kami. Hindi na ako maingay. ’Yon ’yong nangyari sa akin.”

Mas direkta at may pagka-one-on-one naman ang experience ni Empoy. Baguhang crew daw siya sa isang convenience store sa Bulacan at ang tunay na pangalan niyang Julius pa ang gamit niya.

Unlike Benjie na hindi aware na multo ang nakikita, siya daw ay sure dahil “blurred” umano ang appearance nito.

“Duty ako ng graveyard...alas diyes ’yong nag-time in ako, tapos alas-dos, nakita ko s’ya doon sa likod ng Slurpee [machine]. Kasi may nagpakuha sa akin ng ano, beer. 

“Noong pag angat ko ng tatlong case na beer, pangatlo naka-upo s’ya doon sa may ano sa case ng beer... doon sa another case ang inuupan n’ya. Tapos nu’ng nakita ko s’ya naka-apron s’ya na black— same lang ng suot ko. Tapos ’yong mukha n’ya parang...alam mo ’yong nanigarilyo ka pag binuga mo ’yong usok? Ganu’n ’yong mukha n’ya— blurred na ganu’n. 

“Ta’s nung nakita ko s’ya nagtatakbo ako sa manager ko. Tapos sabi ko, ‘Sir Dave, Sir Dave, may multo, may multo, may multo po!’ Ta’s biglang hinawakan ’yong bibig ko. Sabi n’ya, ‘Julius, balik ka muna doon baka sabihin nila nasisira ’yong ulo mo.’ Parang ganu’n.”

Mas na-reinforce pa ang takot niya nang i-confirm ng kanilang manager later on na multo nga ang nakita niya. Consistent daw pala kasi itong nagpapakita.

Pagpapatuloy ni Empoy: “Tapos nu’ng morning, nu’ng pagkatapos na ng duty namin, kainan na kami sinabi sa akin nu’ng pinaka-manager ko, sabi niya, ‘Pasensya ka na, Julius, kasi hindi namin sinabi sa’yo kagabi habang naka-duty ka... ’yong nakita mo si Vladimir ’yon... magiging manager na dapat dito kaya lang binangungot s’ya d’yan sa likod ng office.’ 

“Sinabi sa aking ganu’n. ’Yon ’yong time na hindi ko na kinuha ’yong s’weldo ko, hindi ko na sinoli ’yong uniform ko, hindi na ako nagpakita sa kanila.”

Karaniwan na ang ghost stories sa mga taga-showbiz na karaniwang nangyayari sa mga location shooting. In fact, pag horror movies or TV shows nga ang mga sinu-shoot ay karaniwang nagpapa-dasal pa o nagpapa-bendisyon ng venue ang production bosses.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Rica Peralejo shares hard realization about motherhood as son Philip moves up to Grade 1

Angel Locsin responds to military official who red-tagged sister Ella Colmenares

Gardo Versoza, baka daw engineer kung hindi naging si Machete

Tirso Cruz III and wife Lynn commemorate late son TJ's 39th birthday

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.