Emotional Vhong Navarro, makes an It’s Showtime comeback

“Alam n’yo, share ko lang din konti. Pag pasok ko dito sa ABS [CBN] sinabi ko, ‘Ayoko umiyak.’ Ayoko umiyak kasi ito ’yong pangalawang bahay ko, e. Dito, kung anuman ang pinagdadaanan mo sa buhay, tanggap ka rito. Dahil ito ang mga kapatid ko. Ito ang pamilya ko. At kasama doon ang Madlang Pipol. Extension kayo ng pamilya namin.” - Vhong Navarro sa pagbabalik niya sa It's Showtime.

PHOTOS: ABS-CBN via @_chachachatty on Instagram; @itsShowtimeNa on Twitter

“Alam n’yo, share ko lang din konti. Pag pasok ko dito sa ABS [CBN] sinabi ko, ‘Ayoko umiyak.’ Ayoko umiyak kasi ito ’yong pangalawang bahay ko, e. Dito, kung anuman ang pinagdadaanan mo sa buhay, tanggap ka rito. Dahil ito ang mga kapatid ko. Ito ang pamilya ko. At kasama doon ang Madlang Pipol. Extension kayo ng pamilya namin.” - Vhong Navarro sa pagbabalik niya sa It's Showtime.

Gaya ng announcement ni Vice Ganda sa noontime program nilang It’s Showtime last January 14, natupad ngayong araw, January 16 ang pagbabalik sa TV show ng co-host nilang si Vhong Navarro.

Ito ang unang beses na muling nasilayan ng mga manonood ang TV host-comedian sa It’s Showtime matapos s’yang ma-detain sa National Bureau of Investigation (NBI) way back September 2022.

Ito ay dahil muling nabuhay ang kasong rape na isinampa laban sa kanya ng dating modelong si Deniece Cornejo hinggil sa insidenteng naganap umano sa condo nito noong January 2014.

Hindi napigilang maluha ni Vhong sa kanyang pagbabalik-telebisyon makalipas ang halos apat na buwan. 

Dito ay inalayan s’ya ng kantang “I’ll Be There For You” ng The Moffatts ng kanyang mga kasamahan sa show. 

Kuwento ni Vhong, sinubukan umano n’yang pigilan ang sarili na maiyak pero wala daw s’yang nagawa dahil kusang tumutulo ang kanyang mga luha. 

Alam n’yo, share ko lang din konti. Pag pasok ko dito sa ABS [CBN] sinabi ko, ‘Ayoko umiyak.’ Ayoko umiyak kasi ito ’yong pangalawang bahay ko, e. Dito, kung anuman ang pinagdadaanan mo sa buhay, tanggap ka rito. Dahil ito ang mga kapatid ko. Ito ang pamilya ko. At kasama doon ang Madlang Pipol. Extension kayo ng pamilya namin,” panimulang pagbabahagi ng Kapamilya comedian. 

Kaya lang, pag dating ko dito sa backstage…wala, e. Bumabagsak talaga s’ya [luha], e. Sabi ko, i-lock ko muna, i-pin code ko muna, kalimutan ko ’yong password para wag s’yang pumatak pero pumatak pa rin po s’ya.

He also expressed gratitude sa lahat ng kanyang supporters na hindi s’ya iniwan sa laban hanggang sa makabalik s’ya sa telebisyon. 

Ang sarap ng pagtanggap n’yo sa akin. Hindi ko alam kung paano kayo pasasalamatan…sa mga taong nagdasal, naniwala, at hindi ako iniwan,” pahayag n’ya.

Pag-amin pa n’ya, iniwasan daw n’yang manood ng It’s Showtime noong mga panahong naka-detain s’ya. Lalo lang daw kasi n’yang mami-miss ang kanyang mga kasama sa show. 

Hindi kasi ako nanood ng Showtime mula nu’ng nasa loob ako kasi ayokong makadagdag… Nami-miss ko kasi kayo, e. Ayoko. Nalulungkot ako lalo kaya iniiwasan kong manood. Kaya sabi ko, manonood na lang ako pag nakalabas ako,” he said. 

At nang payagan nga s’yang makapagpiyansa ng korte noong December 5, nalaman daw s’yang may mga proseso pang kailangang pagdaanan kaya’ hindi s’ya agad nakabalik sa kinabibilangan niyang noontime show. 

Kaya lang, pag labas ko, hindi ko pala kayang bumalik agad [sa show] kasi may mga prosesong kailangang gawin,” lahad ni Vhong.

Pero mabait ang Panginoon, e. Hindi N’ya ako pinabayaan kaya nandito ako uli. Kaya maraming salamat sa ABS-CBN dahil meron pa rin akong trabaho. Nandito pa rin ang pamilya ko.

Nag-detalye pa ang aktor sa mga na-obserbahan n’ya habang nasa loob ng NBI detention center and eventually ay sa loob ng Taguig City Jail ng ilang buwan. 

Pag nandu’n ka pala sa loob, ang hirap. Nakita ko ’yong mga kasama ko doon, mga inmates ko sa NBI, sa Taguig…naawa ako du’n sa mga walang dumadalaw sa kanila. ’Yong iba iniwan na ng pamilya. At ’yong iba parang katulad ko. Wala namang ginawa pero nandu’n,” paglalahad ni Vhong.

At kung may natutunan man daw s’ya sa nangyari, ito ang patuloy na pananalig sa D’yos at pagsandal sa pamilya’t mga kaibigan. 

Iti-test ka talaga ni God kung ano ’yong faith mo sa kanya. Kaya ang sabi ko kay Kuya Ogie [Alcasid], ang hope at faith dapat magkasama ’yan. Hindi pupuwedeng isa lang d’yan ang mataas. Dapat parehas ’yan, pantay ’yan,” he shared. 

Kumapit ako sa Panginoon. Kumapit ako sa asawa ko, sa mga anak ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, at sa mga taong nagdadasal at naniniwala sa akin. Kaya patuloy akong lumaban para malampasan ang mga problemang pinagdadaanan ko,” pagtatapos n’ya. 

Matatandaang na-detain si Vhong last September 2022 sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo. Una na itong nabasura ng korte noong 2014 pero iniakyat ito ni Cornejo sa Court of Appeals kaya’t muling nabuhay ang kaso last 2022.

Matapos ang mga isinagawang pagdinig sa inihaing petisyon ng kanyang kampo ay pinayagan ng korte si Navarro na makapagpiyansa at pansamantalang makalaya last December. Dahil dito ay nakasama n’ya ang kanyang pamilya sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. 

At ngayong araw nga, tuluyan nang nakabalik sa It’s Showtime si Vhong after almost four months.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mula sa NBI Detention Facility, Vhong Navarro, ililipat na sa Taguig City Jail

Kampo ni Vhong Navarro, kumpiyansang kakatigan sila ng korte para makapag-piyansa ang aktor

Dahil may petition for review sa Supreme Court, Vhong Navarro, tumangging maghain ng plea sa hinaharap na rape case

Dahil non-bailable ang nabuhay na 2014 rape case na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro, mananatili sa NBI custody ang dancer-actor

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.