Elle Villanueva, ipinakilalang “bakla” si Derrick Monasterio sa mommy niya noon para payagan siyang lumabas kasama ang aktor

Naghinala raw noon ang mommy ni Elle Villanueva kung gay ba talaga si Derrick Monasterio gaya ng pagpapakilala n’ya rito dahil todo ang effort ng aktor sa pagsundo-sundo sa kanya. “Ngayon alam na po n’ya. Alam na po n’ya. Nagulat na lang po s’ya. ‘Ay, sinusundo si Elle sa Baguio [tapos] bakla? Paano nangyari ’yon?’” natatawang pagbabahagi ni Elle sa naging pagtataka ng mommy n’ya kay Derrick noon.

PHOTOS: @derrickmonasterio on Instagram

Naghinala raw noon ang mommy ni Elle Villanueva kung gay ba talaga si Derrick Monasterio gaya ng pagpapakilala n’ya rito dahil todo ang effort ng aktor sa pagsundo-sundo sa kanya. “Ngayon alam na po n’ya. Alam na po n’ya. Nagulat na lang po s’ya. ‘Ay, sinusundo si Elle sa Baguio [tapos] bakla? Paano nangyari ’yon?’” natatawang pagbabahagi ni Elle sa naging pagtataka ng mommy n’ya kay Derrick noon.

Minsan na palang sinakyan ng Kapuso actress na si Elle Villanueva ang rumor na bakla raw ang Makiling leading man niyang si Derrick Monasterio for her own advantage.

Ipinakilala raw kasi niya noon ang Kapuso hunk sa mommy n’ya na isang gay para umano payagan s’yang lumabas kasama ito.

Iyan ang nakakatawang ikinuwento n’ya sa Fast Talk With Boy Abunda nang sumalang silang magkasintahan sa show bilang celebrity guests kahapon, January 3.

Napunta kasi ang pagtatanong ng TV host na si Boy Abunda kung may may katotohanan ba ang tsikang gay raw s’ya.

Itinanggi naman iyon ng aktor.

Dahil doon ay nausisa sila ng King of Talk kung nakaapekto ba ang espikulasyong iyon sa kanilang dalawa.

Sa puntong ito na napa-kuwento si Elle.

Aniya, noon pa man daw, nang magkatambal sila sa afternoon drama series na Return to Paradise, ay naririnig na n’ya ang bulong-bulungan tungkol kay Derrick.

Alam mo, Tito Boy, ang funny nga. Naririnig ko na po ’yan, e. Nu’ng first project pa lang namin iniisip ko, ‘Gay ba talaga s’ya? Kasi ’yon ’yong sinasabi ng lahat,’” lahad ng aktres.

“And then I realized lumaki lang s’ya sa industry na ang kasama puro gays. So parang nasanay lang s’ya sa pananalita n’ya, sa actions n’ya na ganu’n,” depensa pa n’ya sa nobyo.

Kasunod nito ay ang pagsisinungaling n’ya raw noon sa kanyang mommy about Derrick’s gender para payagan s’yang lumabas kasama ito.

“And then, there comes a time na parang… Only child po kasi ako so strict ang mommy ko. So, para payagan ako na kasama si Derrick, sinabi ko kay mommy, ‘Mommy, bakla s’ya. You don’t have to worry,’” natatawang pagre-recall pa ni Elle.

Nahawa na rin ang aktor at natawa dahil sa ikinuwento ng kanyang girlfriend.

“Sorry, Mommy, if you’re watching,” pahabol pa ng aktres.

Pero bawi n’ya, nalaman naman daw ng mommy n’ya ang totoo, eventually.

Ngayon alam na po n’ya. Alam na po n’ya. Nagulat na lang po s’ya. ‘Ay, sinusundo si Elle sa Baguio [tapos] bakla? Paano nangyari ’yon?’” nagtatakang tanong daw ng mommy n’ya noon.

For Derrick naman, hindi raw n’ya alam kung paano ipe-presenta ang sarili n’ya noong humarap s’ya sa nanay ng aktres.

Kaya hindi ko alam ’yong i-a-act ko nu’ng na-meet ko ’yong mom n’ya. ‘Paano ba ito? Medyo malambot? Medyo nakaganyan?’ Haha!” natatawang pagbabalik-tanaw ng aktor.

Sa kabuuan, hindi naman daw affected si Elle sa tsikang gay si Derrick dahil diniretso na n’ya ito umpisa pa lang.

“I’m very straightforward with him,” she said.

Binalikan naman ni Tito Boy si Derrick at tinanong kung na-bother daw ba s’ya sa patuloy na usap-usapan na s’ya ay isang gay.

Mas naba-bother ako sa fact na bakit nila ginagamit na pang-asar ang pagiging bakla, e, wala namang masama du’n,” sagot n’ya sa TV host.

Siguro, kailangan, mas maging open minded na ang mga tao ngayon, Tito Boy, na hindi okey na gagamitin mong pang-asar ang pagiging bakla, pagiging mataba, pagiging panget kasi there’s no such things, e. Illusion lang ’yan ng tao,” pagtatapos n’ya.

Hindi naman napigilang humanga at magbigay respeto ni Tito Boy kay Derrick dahil sa progresibong pahayag ng aktor.

Anyway, bibida ang magkasintahang Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa upcoming revenge-drama series na Makiling simula January 8 sa GMA Afternoon Prime.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kahit hindi pa siya sinasagot ni Elle Villanueva, Derrick Monasterio, sigurado na raw na si Elle ang pakakasalan niya

Derrick Monasterio, inalalayan ang fan na nagka-cancer hanggang sa gumaling ito

Derrick Monasterio at Elle Villanueva, nagpapalitan na ng “I love you” pero wala daw label?

Derrick Monasterio, bilib sa pagiging palaban ng baguhang si Elle Villanueva

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.