Ang maka-trabaho ulit si Direk Pedring Lopez ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit matatakutin in real life ay tumanggap ulit ni Ella Cruz ng isang horror project, ang Biyernes Santo.
Nagkatrabaho na kasi sila noong araw sa Darkroom (2017) at mas bumilib pa siya dito nang mapanood niya ang Maria na inagbidahan ng co-Viva Artist niyang si Cristine Reyes.
Pero ani Ella sa virtual conference kamakailan ng Biyernes Santo, mas nakadagdag sa takot niya this time ay ’yong fact na ang mismong eerie na bahay na pinag-shooting-an nila ang nagsilbi na ring lock-in house nila. Meaning, doon na din sila naka-pirmi the while duration ng lock in para maiwasang may makahalubilo pang ibang tao sa labas.
Sa first night daw na matutulog na sila ng personal assistant niya assigned room nila ay may pinatanggal siyang isang bagay na nagpapa-goosebump sa kanya.
“Meron kasing rocking chair sa room ko,” natatawang recall ni Ella. “Alam n’yo na, ’yong mga rocking chairs parang iba ’yong vibes nila sa buhay... so, sabi ko, kailangan tanggalin nila.
“So, pinatanggal ko po ’yong rocking chair na ’yon. Mabuti naman po na kahit na kaming dalawa lang no’ng PA ko doon sa room namin, medyo okey naman po. Wala naman po akong na-experience na nakakatakot.”
However, kapag lumalabas daw siya ng kuarto at pumapasok daw siya sa mismong set ni Direk Pedring ay kinikilabutan pa rin daw siya.
“Ang pinaka-ano lang po... kasi ’yong mismong naging vibes nu’ng bahay kasama nu’ng mga malalaking saints—mga Jesus Christ, mga Mama Mary...mga istatuwa po. Ang lalaki! Sobra.
“Tapos s’yempre po pagka-Biyernes Santo tinatakpan po ’yon tas may mga props na paintings na unusual na nilagay si Direk na minsan kailangan ko pong titigan [for a scene]. Parang feeling ko minsan nagmo-morph ’yong itsura nila. Parang ganu’n.
“Kasi sobrang unusual po nu’ng mga paintings na ginawa ni Direk na tipong dalawa ’yong face sa isang ulo... ’yong mga ganu’n. Parang ’yon na ’yong pinaka na medyo natakot ako.”
Young ispiritista ang role ni Ella sa Biyernes Santo at isa rin sa worry niya noon ay baka umano magkatotoo ang ibang eksena nila sa pelikula dahil baka may magambala silang ng spirits every time na may kukunan silang re-creation ng mga real-life ganap ng mga tunay na ispiritista. Nakakalma lang siya dahil may consultant naman silang totoong ispiritista kaya’t guided ang bawat galaw nila sa shooting.
Bukod pa doon ay nagsuot daw siya ng St. Benedict medallion na pinaniniwalaang can ward of evil spirits. Natapos naman daw nila ang shooting na walang “horrific” incident save for isang tsismis among the production staff na umano ay may nagpa-piano sa sala ng bahay na pugot umano ang ulo.
“Pero thank God to my prayers po at saka sa ano’ng tawag dito...mga kapit-kapit ko sa katawan ko, na-protektahan naman ako sa ibang mga bagay pa. Ayoko po kasing may maramdaman so dini-deadma ko na lang. Matutulog na lang ako, magti-Tiktok na lang ako. Hahaha!”
Bukod kay Ella, kasama sa pelikula sina Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Andrea del Rosario, at ang baguhang si Via Ortega.
Narito ang gist ng pelikula:
Ang Biyernes Santo ay tungkol kay Roy Asuncion (Gardo Versoza), isang dating senador na dinala ang kanyang traumatized na anak na si Aurora (Via Ortega) sa isang rest house sa probinsya para sa Semana Santa at ito ay isang taon pagkalipas ng karumal-dumal na pagkamatay ng kanyang asawa dahil sa isang supernatural attack. Hiningi niya ang tulong ng kanyang malayong kamag-anak na si Grace (Ella Cruz), na isa ding ispiritista upang protektahan si Aurora mula sa masasamang espiritu na umaaligid sa kanilang pamilya tuwing Semana Santa.
Sa pagsisimula ng Semana Santa ay nagkulong na sina Roy, Aurora at Grace sa rest house na sadyang inihanda para protektahan sila sa masasamang ispiritu. Mas tumindi ang atake ng masasamang ispiritu pagdating ng Biyernes Santo – ang araw ng pagkamatay ni Hesus. Gagawin ni Roy at Grace ang lahat upang ma-protektahan si Aurora. Ngunit madidiskubre ni Grace ang tinatagong sikreto ni Roy, at huli na ang lahat para makalabas siya ng rest house at makatakas mula sa masasamang espiritu.
Mai-stream na sa Vivamax ang Biyernes Santo starting tomorrow, March 26.
Vivamax is available online at web.vivamax.net or download the app on Google Play Store at Apple App Store. You can also get Vivamax vouchers on Shopee and Lazada.
YOU MAY ALSO LIKE:
Ella Cruz, natakot masapian ng masamang espiritu during the filming of Biyernes Santo
Doris Bigornia’s family calls for donations as broadcaster will undergo another operation
Sharon Cuneta, heartbroken now that Fanny Serrano is on life support