Ella Cruz, natakot masapian ng masamang espiritu during the filming of Biyernes Santo

Ispiritista ang role ni Ella sa Biyernes Santo kaya gifted—[or cursed]—siyang maka-ramdam ng mga spirits. Marami umano siyang eksena that involved rituals na guided naman umano ng totoong ispiritista. Ganu’n pa man, takot na takot daw siya tuwing may eksenan siyang mage-an-act ng pagkausap sa mga spirits. Aniya, baka raw may magambala sila at magkatotoo ang eksena. Di daw niya pinangarap na ma-exorcized.

Photos: Vivamax

Ispiritista ang role ni Ella sa Biyernes Santo kaya gifted—[or cursed]—siyang maka-ramdam ng mga spirits. Marami umano siyang eksena that involved rituals na guided naman umano ng totoong ispiritista. Ganu’n pa man, takot na takot daw siya tuwing may eksenan siyang mage-an-act ng pagkausap sa mga spirits. Aniya, baka raw may magambala sila at magkatotoo ang eksena. Di daw niya pinangarap na ma-exorcized.

Dalawang horror projects ang natapos ni Ella Cruz ngayong pandemic—ang “Hinagpis” episode ng Kagat ng Dilim sa TV5 (directed by Richard Somes) at ang magso-showing palang sa streaming platform na Vivamax, ang Biyernes Santos, na directed naman by Pedring Lopez.

Personally, hindi raw fan ng horror films si Ella bilang matatakutin siya. Kaya hindi rin daw niya maintindihan kung bakit lagi siyang binibigyan ng horror projects ng mother studio niyang Viva Films.

Pero no’ng mabasa daw niya ang script ng Biyernes Santos, gustong-gusto niya itong gawin kahit na pagbabasa palang ng script ay kinikilabutan na siya.

“When it comes to horror films, I never watch a horror film,” pagtatapat ni Ella sa Zoom conference ng Biyernes Santos ngayong hapon. “Hindi ko po talaga kaya. Pero hindi ko alam bakit ang daming binibigay na horror films sa akin ng Viva. Ta’s nu’ng binigay po sa akin ’yong script na ito, natatakot po ako habang binabasa ko s’ya. 

“Parang dumating sa point na na-question ko ’yong sarili ko kung kaya ko s’yang gawin kasi nga natatakot ako habang binabasa ko s’ya. Pero sabi ko, ‘Hindi kailangan kayanin ko ito.’ Kasi sobrang ganda nu’ng script, sobrang maganda ’yong story, ’yong movie and directed by Pedring Lopez—naka trabaho ko na si Direk Pedring sa Darkroom (2017) na horror din. And sabi ko, I really love Direk’s craft, ’yong mga films ni Direk and thankful po ako kasi ako po ’yong pinili nila.”

Ispiritista ang role ni Ella sa Biyernes Santo kaya gifted—[or cursed]—siyang maka-ramdam ng mga spirits. Marami umano siyang eksena that involved rituals na guided naman umano ng totoong ispiritista. Ganu’n pa man, takot na takot daw siya tuwing may eksena siyang mage-an-act ng pagkausap sa mga spirits. Aniya, baka raw may magambala sila at magkatotoo ang eksena. Di daw niya pinangarap na ma-exorcized. 

“Meron kaming consultant po na healer din since ’yon ’yong role ko,” patuloy na k’wento ni Ella. “Kinailangan ko po siyang kausapin. Kasi I do all the rituals [in the film] then nu’ng sinasabi niya po ’yon doon ako naiyak kasi s’yempre doing all the rituals is like waking up or shaking the spirits around. Kahit na naniniwala ka or hindi. So, doon ako natakot na sabi ko kailangan ko ng guide kasi baka mamaya diba? Usually what happens when you’re doing horror films, kunwari may na-e-exorcist biglang sila din natutuloy... Natatakot ako na ganu’n mangyari sa akin.”

To protect herself, nagsuot daw siya ng St. Benedict medallion na pinaniniwalaan mabisa sa pagwa-ward off ng mga masasamang ispiritu.

“So, good thing kinausap ko po ’yong [ispiritista na] kakilala nila Direk. Nagtanong ako, sabi ko, ‘Pa’no mas mapo-protektahan? Sabi niya, prayers lang talaga. So I have a St. Benedict na pendant na I’m wearing. Makikita ninyo po sa mismong movie suot ko talaga siya. Hindi na pinatanggal sa akin ni Direk. 

So, ’yon talaga ’yong protection ko.

“And dumating din sa point na bawat eksena talaga na gagawa ng ritual, nagpe-pray talaga ako. Naalala ko nu’ng last time na pinag-prayer ako ni Direk sa morning, umiyak talaga ako sa sobrang takot ko na baka kung ano ang mangyari sa akin.”

Bagama’t feeling protected, hindi pa rin daw maiwasan ni Ella na makaramdam ng takot every now and then lalo pa’t ang bahay na pinagsu-shoot-an nila ay siya na ding venue ng lock-in shoot. Meaning, iyon na rin ang nagsilbing “hotel” nila para maiwasan naman ang makahalubilo pa sa ibang tao. 

“Kasi sa bahay kami naka- lock in mismo. So, parang sabi ko, ‘Kaya ko ba ito? Dito kami nagsu-shoot, dito ’yong horror [scenes] ta’s dito din kami matutulog? Pero ’yon nagtiwala na lang din po ako, nagdasal po ako and good thing talaga walang mga ka-tatakutang naganap. Na-survive ko naman po siya.”

Hindi lang daw siya sigurado kung kaya niyang panoorin ang buong finished product bilang duwakang nga daw siya.

Pero nu’ng napanood ko po ’yong trailer, kahit ilang beses ko ng napanood ’yong trailer, nagugulat at natatakot pa rin po ako doon sa eksena nu’ng Mama Mary na istatuwa at saka’ yong baby na duguan. Kasi ’yon na ’yong point na, ‘Okey, natapos kong i-shoot ’yong film.’ Pero after the film, hindi ko alam kung kaya kong panoorin ’yong mismong film with all the effects plus ’yong mga eksena na hindi ko po alam [dahil hindi ako kasali]. So, ’yon, hindi kop o alam kung kaya ko po siyang panoorin,” natatawang pagtatapos ng matatakuting bida.

Katuwang ni Ella sa pananakot sa Biyernes Santo sina Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Andrea del Rosario, at ang very promising yong actress na si Via Ortega.

It starts streaming on Vivamax on March 26. 

Available ang Vivamax online sa web.vivamax.net, o i-download ang app sa Google Play Store. Makaka-avail din ng Vivamax vouchers through Shopee and Lazada.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

EXCLUSIVE! This is Showbiz (#15) Ella Cruz, nagkwento ng mga struggles ni Julian Trono para “mapa-oo” ang parents niya

Allan K, hindi pa rin nababawi ang na-hack na Instagram account

Sarah Geronimo, both intimidated and inspired tuwing katrabaho ang G-Force

Dahil may kanya-kanyang love life, Ruru Madrid at Shaira Diaz, naniniwalang “matured” na ang audience para tanggapin na iba ang kapareha nila onscreen

Yasser Marta on Kyline Alcantara: “Tinotoo kong mahalin siya.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.