Ella Cruz, always willing gumawa ng horror movies basta walang manika involved

Photos: Vivamax

Photos: Vivamax

Bukas, April 2, ay literal na Biyernes Santo, ang naging inspirasyon ni Direk Pedring Lopez para gawin ang horror movie na Biyernes Santo na tungkol sa pakikipagtunggali ng isang ispiritista—played by Ella Cruz—sa isang jinn (o djinn) na taunang bumubulabog sa pamilya ng kanyang tiyuhin (Gardo Versoza) tuwing Semana Santa.

Ang mga jinns ay mga fallen angels o demons na pinaniniwalaang naglipana tuwing Mahal na Araw at lumalakas umano ang powers partikular kapag Biyernes Santo kung kailan patay umano ang Diyos.

Second horror collab na ito ni Ella with Direk Pedring. Nauna na silang nagkatrabaho sa Darkroom noong 2017; at pangalawang horror project naman ni Ella ngayong pandemic time. Ang una ay ang “Hinagpis” ni Direk Richard Somes na isang episode sa Kagat ng Dilim horror anthology ng TV5 at Viva.

Ani Ella, matatakutin siya in real life pero kahit takot, she doesn’t  mind accepting horror projects. Basta lang daw at guided ng mga spirit experts ang kanilang pagsu-shoot.

But when asked kung may limitations siya pag dating sa mga horror projects, ’yon ay kung may involved daw na manika sa k’wento.

“Ayoko po ng mga mani-manika...” may pa-aktong kilabot na tsika niya. “Anything po wag lang may manika...ayaw ng parang mga Chucky doll saka Annabelle.”

Ang Chucky doll ay nagbida sa successful horror franchise na Child’s Play (1988); habang ang Annabelle doll ang nagbida sa The Conjuring (2013) na nasundan din ng ilang sequels.

Dagdag ni Ella: “Okay na po ako sa mga Funko Pop dolls ko, hanggang doon lang po ako.”

Aniya, nagko-collect daw siya ng mga Funko versions nga mga K-Pop idols niya gaya ng Blackpink.

May ilang doll props sa Biyernes Santo pero hindi naman siya ang directly involved sa scene kundi ang baguhang si Via Ortega. 

Ang Biyernes Santo ay available na for streaming sa Vivamax. 

And Vivamax is available online at web.vivamax.net or download the app on Google Play Store at Apple App Store. You can also get Vivamax vouchers on Shopee and Lazada.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ella Cruz, pina-tsugi ang rocking chair sa lock-in room niya sa set ng Biyernes Santo

Ella Cruz, natakot masapian ng masamang espiritu during the filming of Biyernes Santo

Sharon Cuneta showers Angel Locsin with praises after her donation to animal rescue group

Saloobin ni Kris Bernal sa panibagong lockdown: “Nakakapagod na. Paulit-ulit.”

Janine Gutierrez, JC Santos, Yesh Burce, at Victor Anastacio, aminadong na-frustrate sa lockdown

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.