Elisse Joson, sinagot kung ano ang hashtag ng buhay niya at kung niligawan ba talaga siya ni Hashtag Jameson Blake

Ano nga ba ang hashtag ng buhay ni Elisse Joson? Niligawan nga ba siya talaga ni Hashtag Jameson Blake? Alamin ang mga sagot by scrolling down below!

PHOTOS: Adam Laurena (L) and @hashtag_jameson on Instagram (R)

Ano nga ba ang hashtag ng buhay ni Elisse Joson? Niligawan nga ba siya talaga ni Hashtag Jameson Blake? Alamin ang mga sagot by scrolling down below!

Noong Martes, October 22, ginanap ang press conference para sa bagong film offering ng iWant na You Have Arrived na pinagbibidahan nina Elisse Joson, Barbie Imperial, at Arielle Roces.

Sa presscon, biglang natanong ng isang miyembro ng press si Elisse kung ano ang hashtag ng buhay niya, kung saan sinagot niya ay #blessed.

“I’m happy that I’m not focusing on a love life right now,” paliwanag ni Elisse. “Kasi ang focus is nasa trabaho ko kaya nagpapasalamat ako kasi binibigyan ako ng sunod-sunod na trabaho so ’yong isip ko, ’yong oras ko wala doon sa pain sa nangyari, wala sa mga heartbreak, wala sa mga kailangan ma-inlove, kailangan ng kasama. Wala akong naiisip na ganoon kasi feeling ko I’m okay on my own right now.”

“’Yong binibigay po sa akin na mga trabaho ngayon, parang sinasabi siguro ni God na doon ka muna mag-focus, sa kaibubuti mo, ng craft mo, ng sarili mo, and with the help of your friends and family,” dagdag ng aktres.

Dagdag na sundot-tanong pa ng isang reporter kung hindi niya ba pinapansin ’yong ibang “hashtag”?

Wala naman ngayon,” sabi ni Elisse.

’Pag dating naman sa ambush interview na ginanap sa tatlong babaeng bida pagkatapos ng presscon, hindi maiwasang itanong kina Elisse kung may “nag-arrive” na lalake sa puso nila. Sunod-sunod silang nagsabi na wala pang dumadating sa buhay nila na makakapagpatibok ng kanilang puso.

Ngunit, giniit ng mga reporters na baka na-ghosting si Elisse ng isang lalake na pinangalan nilang si Jameson Blake ng boy group na Hashtags sa It’s Showtime.

Hindi naman na-ghosting kasi we talked about it,” paliwanag ni Elisse. “We’re friends, we see each other, and we’re part of The Mall, The Merrier so nagkatrabaho kami.”

Ang proyektong sinabi ni Elisse ay ang pelikula na pinagbibidahan ni Vice Ganda at Anne Curtis na isang official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Sabi naman ni Elisse na walang relationship na nabuo sa kanila ni Jameson at sinabing naging close lang sila sa isa’t isa at sa ngayon, magkaibigan lang muna ang turingan nila sa isa’t isa.

Ngunit, may chance ba ang young actor kay Elisse?

Siguro, ’pag okay ang timing,” sagot niya.

Tanong pa ng isang miyembro ng press kung bakit naghinto ang kanilang ’pag hang-out sa labas ni Hashtag Jameson.

Siguro, nagkaroon din ng time na busy din kami. Hindi rin kami nagkakaroon ng schedule na masyadong nagkikita,” kwento ni Elisse.

Kwento pa ng aktres na hindi naman daw dinirecho ni Jameson ang intensyon na manligaw sa kanya at ang gusto niya muna sa ngayon ay unti-unting kilalanin ang young actor bilang isang tao.

Sabi naman ng isang reporter na dahil daw nagpaalam si Jameson kay McCoy De Leon na dating kasintahan ni Elisse, heto daw ay senyales na nanliligaw na daw ang aktor sa kanya.

Ang kwento po talaga sa akin ni Jameson, hindi po siya nagpaalam pero nagsabi lang siya na parang--siguro hindi ko na alam ’yong exact words. Nagpasintabi [siya], pero hindi para magpaligaw.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.