Ejay Falcon, natameme sa tanong na “kung sila pa, hindi kaya siya ang naging tatay ng anak ni Ellen Adarna.”

Minsang na-link romantically si Ejay Falcon kay Ellen Adarna. Tila nagkamabutihan sila sa set ng Pasion de Amor ng ABS-CBN. In fact, lumabas-labas na sila noong mid-2015 at si Ellen pa nga ang naging date ni Ejay sa Star Magic Ball noong September that same year. Yon nga lang, naging issue noon na iniwan ni Ellen sa said ball si Ejay at ipinagpalit sa company ni Paulo Avelino.

Photos: Melo Balingit & @ellenadarnalife

Minsang na-link romantically si Ejay Falcon kay Ellen Adarna. Tila nagkamabutihan sila sa set ng Pasion de Amor ng ABS-CBN. In fact, lumabas-labas na sila noong mid-2015 at si Ellen pa nga ang naging date ni Ejay sa Star Magic Ball noong September that same year. Yon nga lang, naging issue noon na iniwan ni Ellen sa said ball si Ejay at ipinagpalit sa company ni Paulo Avelino.

Mainit pa ang issue nina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto noong makaharap ng press ang taga-Star Magic din na si Ejay Falcon, sa launch ng mga young endorsers ng BeautéDerm, isa sa mga fastest growing beauty brands sa bansa ngayon. 

Kaya hindi maiwasang matanong ito ng mga related questions tungkol sa mga pananakit ng damdamin ng babae, pang-iiwan sa ere, and such.

“S’yempre may mga hindi pagkaka-unawaan…hindi pagkaka-intindihan…pero sinaktan?” natatawang balik-tanong ng mestisong Mindoronian.

Hindi din maiwasang maungkat ang tungkol sa naunsyaming nakaraan nila ni Ellen Adarna na naka-base na ngayon sa Cebu after mapabalitang nanganak ito sa naging bunga nila ng boyfriend na si John Lloyd Cruz, who is also in hiatus.

Sinaktan ba niya si Ellen? O ikaw ang sinaktan niya? Direkta ang tanong ng mga press kay Ejay.

“Masaya na ’yong mga tao,” pa-iwas na sagot na niya na direktang tumutukoy kina Ellen at John Looyd. “Bigay na natin sa kanila ’yon. Masaya na sila.”

Aware daw siya sa mga bali-balita tungkol sa dalawa dahil sa social media. But other than that, wala naman daw siyang masyadong alam. 

“Masaya na sila,” ulit ni Ejay. “Kung sa’n sila masaya, do’n ka rin masaya.”

Pero kung sakali, bukas naman daw siyang maging kaibigan pa rin si Ellen.

“Hindi ko pa alam…p’wede naman. Pero di pa kami nagkikita, e. Saka hindi lang naman ako ’yong artista na hindi pa niya nakikita o nakakasama after no’ng nangyari…ewan ko, di ko alam…wala din namang ibang nakikitang kasama silang ibang artista… Baka gusto lang nila ng private na buhay.”

Sa mga hindi na maka-alala, minsang na-link romantically si Ejay kay Ellen. Tila nagkamabutihan sila sa set ng Pasion de Amor ng ABS-CBN. In fact, lumabas-labas na sila noong mid-2015 at siya pa nga ang naging date nito sa Star Magic Ball noong September that same year. Yon nga lang, naging issue noon na iniwan siya nito sa said ball at ipinagpalit sa company ni Paulo Avelino.

A few months after, hindi direktang inamin ni Ellen kung binasted niya si Ejay. Pero ang pinakawala niyang mga salita noon ay na-realize niya diumano na hindi pa siya ready na magmahal ulit.

At dahil nasa mode ng pagre-recall ang impromptu tsikahan, natanong din si Ejay na kung sakaling naging sila o sila pa ni Ellen, ay baka siya ang naging tatay ng panganay nito.

Natahimik sandali si Ejay at tinimbang ang tanong.  “Hindi natin masabi ang buhay…bigla nalang…Hindi natin alam,” say ni Ejay habang napakibit-balikat. “E, hindi, e.  Hindi nangyari, e.”

Pero amindao si Ejay na minsan, parang gusto na rin niyang magka-anak ng lalaki. Gusto raw niya kasing makalaro pa ito pag edad singkuwenta na siya.

“Sa akin, gusto ko rin naman na pag dating ko ng mga 50 na ako, e, nakakalaro ko pa ng basketball mga anak ko…gaya ni Vhong [Navarro], nagba-basketball kami pero mga anak niya, nakakalaro niya. Sina Jordan Hererra, nakaka-basketball mga anak niya.”

Ready naman daw siya kung sakaling ibibigay sa kanila ng girlfriend niya na si Jana Roxas. Pero realistically, mas focus niya ngayon ang trabaho lalo pa’t bidahin role ang next project niya, ang action series na Sandugo sa ABS-CBN.

“Pero sabi ko nga ngayon, kung ibibigay, ibibigay. Pero nasa punto ako ng buhay ko na sobrang nagko-concentret ako dito sa Sandugo. Lahat naman ng projects ko sobrang challenging at sobrang thankful ako…at sobrang malalaking projects binibigay sa akin. Pero itong Sandugp, talagang madugo,” pagtatapos ni Ejay.

Sandugo, which will be helmed by Dreamscape Entertainment, will also star Aljur Abrenica and Elisse Joson.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ejay Falcon, umaasang mapalabas dito ang Korean project n'ya

WATCH: Ejay Falcon, umaming nakapang-“ghosting” na rin!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.