Naiintindihan daw ni Edu Manzano kung bakit up to this point ay hindi pa lumalagay sa tahimik ang panganay niyang si Luis Manzano. Kaya naman on his part, hindi pa rin niya ito pine-pressure na bigyan siya nito ng apo.
“Unang una kasi naranasan ko kung gaano ka-hirap magpalaki ng bata,” esplika ni Edu sa mga showbiz reporters na kumuyog sa kanya sa advanced birthday party ni Senator Jinggoy Estrada sa San Juan kamakailan.
“I really feel that they should be financially and emotionally prepared…because noong panahon ni Luis hindi ko siya talaga pinayagan mag-entertainment industry until after he graduates. ’Yon lang talaga ang sinabi ko, basta pag dating sa edukasyon ako dapat pakinggan.”
Humirit si Abante Tonite columnist na si Allan Diones na “ang tanda na si Luis,” kaya p’wede na. At sinundan pa ito ni Bulgar columnist Vinia Vibar ng “hindi pa ba siya financially ready?” gayong may taxi business na ito at may perfume business pa itong bubuksan at steady rin naman ang hosting jobs nito, ay malakas na tawa ang sinagot ni Edu.
“Hindi naman, sobra ka naman, hahaha!” hagalpak ni Edu patungkol sa edad ni Luis na ngayon ay 37 years old na.
Pero bwelta ni Edu patungkol sa financial readiness, hindi lang naman daw si Luis ang dapat i-consider. Baka raw marami pa ring ibang plano ang girlfriend nito na si Jessy Mendiola para sa pamilya nito bago ito maging handa to settle down.
“You also have to look at the other…’yong mga connections,” dagdag paliwanag ni Edu. “Jessy is also a very strong woman, I’m sure kahit papano she also wants to be financially independent at the same time be assured na mayos naman ’yong pamilya niya.”
Ang importante daw ay masaya ang anak niya at kasundo si Jessy ng mga kapatid ni Luis.
“Nakikita ko naman kung gaano ka-saya ’yong anak ko, e. You know nakikita ko sila kasi nagdi-dinner kami…i-imbitahan ko sa dinner tapos whenever they’re with us si Enzo, si Addie, nandiyan si Jessy, nandiyan si Luis. Lahat sila nagkakasunduan. So, for a parent maganda tignan, masarap ang pakiramdam.”
Hindi raw mahalaga sa kanya kung kailan magpapakasal, kung kailan magpo-propose o kung kailan siya bibigyan ng apo ni Luis. Ang mahalaga raw sa kanya ngayon ay ang makitang nagpapahinga ang workaholic niyang anak. Mas concern daw siya sa kalusugan nito lalo pa’t kamakailan ay tinamaan ito ng matinding trangkaso. Napag-daanan na raw niya kasi ang ganoong estado na kayod nang kayod and he advises against it.
“Mas gusto ko sanang ano, e, magpahinga siya,” say ni Edu. “Stop and smell the coffee. Kasi halos araw-araw siyang nagta-trabaho…magpahinga, mag-sip sila, bumiyahe nang konti…give it some serious thought pero…ginawa namin ’yon dati no’ng panahon ni Vilma [Santos]. At that time, kaliwa’t kanan ang trabaho. Akala ko noon ’yon ang sikreto ng isang magandang pamilya, e. Kayod ka nang kayod. Kailangan lagi financially secured. Little did I know that’s not the solutions sa lahat ng problema.
“I tell him sometimes to relax. Kasi you know, mas nage-enjoy ako ngayon sa mga anak ko, e. Pag kasama ko sila? Nagsasalita na talaga,…hindi na daddy kundi para ng isang sa mga kapatid ko. Mas nami-miss ko ’yon, e.”
Naiintindihan din daw niya na nagpo-fokus muna ngayon si Luis sa mga opportunity coming his way as a TV host.
“Kasi aminin natin, opportunity only knocks once. So, nando’n siya sa stretch na tuloy-tuloy…tapos ng isang show laging may bago, may kasunod… pero siguro in his time.”
YOU MAY ALSO LIKE: