Eddie Garcia, role lang daw ng kinse anyos ang di niya pwedeng tanggapin (a retrospective article)

Photos: screengrab @viva_films on IG

Photos: screengrab @viva_films on IG

Sa bilang ni Tito Eddie Garcia ay nasa 600 films ang nagawa niya sa buong career niya sa industriya ng pelikula.

Kuwento niya, “May isang taon na naka-22 films ako. Paramihan kami ni George Estregan. Talo ako! Siya, 27; ako, 22!”

Nu’ng late ‘80s daw ‘yon nu’ng panahon na gumagawa pa ang Philippine movie industry ng mahigit 200 films a year.

Nang makausap namin ang batikang aktor sa pocket presscon ng Cinemalaya entry niya last year na ML ay tinanong namin siya kung saan galing ang kanyang energy na sa edad niyang ‘yon ay napakasipag niya pa rin at hindi siya sumusuko sa pagtatrabaho.

Ang kaswal niyang sagot, “It’s a job. Ang pag-aartista, pagbutihin mo kahit gaano kaliit ang role because it will be the best recommendation for the next project.”

Sa estado niyang ‘yon ay wala raw limit sa pagtanggap ng proyekto si Tito Eddie. Aniya, “Basta may alok, sinusunggaban. Trabaho lang ‘yan, eh!”

Hindi raw siya naging pihikan sa pagpili ng role at ang katwiran niya, “Alam mo, it’s just a role. So, whatever is given to me, ginagawa ko.”

Pero kung bibigyan daw siya ng papel na 15-anyos ang karakter niya ay tatanggihan daw niya ito dahil hindi kapani-paniwala.

Sa dami ng pelikulang nagawa niya ay hindi masabi sa amin ni Tito Eddie kung alin doon ang pinakapaborito niya.

Sa tanong namin kung alin na lang doon ang pinakaayaw niya, ang sagot niya, “Ay, hindi. Basta ginawa ko, hindi ko puwedeng ayawan. Bakit ko tinanggap, ‘di ba?”

Isa raw siyang sundalo sa Philippine Scouts ng US Army bago siya naging artista.

Ang sabi sa amin ni Tito Eddie, kung hindi siya pumasok sa showbiz ay malamang isa na siyang retired na sundalo ngayon. O kaya ay patay na siya.

Isa sa maituturing na legendary actors ng pelikulang Pilipino, si Mr. Eddie Garcia ang may hawak ng record ng pinakamaraming napanalunang awards sa kanyang fruitful and very active 70-year career sa entertainment industry.

That time nang mainterbyu namin siya ay tinanong namin siya kung nabilang ba niya kung gaano karaming awards na ang napanalunan niya.

“Konti lang naman, mga 36!” ang very Manoy Eddie na sagot niya, sabay ngiti.

Kabilang daw doon ang pagiging FAMAS Hall of Famer niya sa tatlong kategorya: Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director na tanging siya lamang ang nakagawa sa kasaysayan ng pelikula sa ‘Pinas.

Pagdating sa pagwawagi ng awards, ang dayalog sa amin ni Tito Eddie ay, “Alam mo, kapag nanalo ka, it’s just a bonus for a job well done. ‘Yun lang.

“Kapag nagkataon na maganda ang performance mo, maganda ang role at nanalo ka, it’s a bonus.”

Nu’ng 2018 ay siya ang nagwaging Best Actor sa Cinemalaya filmfest para sa pelikulang ML where he played a delusional former military officer nu’ng panahon ng Marial Law ni Marcos.

Siya rin ang nag-Best Actor sa 2018 QCinema filmfest para sa pelikulang Hintayan ng Langit katambal si Ms. Gina Pareño.

Sa FAMAS awards this year, kahit matagal na siyang Hall of Famer ay siya pa rin ang pinarangalang Best Actor para pa rin sa ML (ka-tie niya si Victor Neri para sa pelikulang A Short History of a Few Bad Things).

At nito lang nakaraang Martes, tinanghal siyang Pinakamahusay na Pangunahing Aktor sa 2019 Gawad Urian para ulit sa ML.

Ilang oras makalipas ang awarding ceremony sa UP Cine Adarna ay dinala ang Urian trophy ni Tito Eddie sa ospital.

May lumabas na touching photo na nakadampi ang mga daliri niya sa napanalunan niyang tropeo mula sa mga Manunuri.

Paalam sa isang dakilang alagad na sining...

Paalam at maraming salamat, Ginoong Eddie Garcia…

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Major showbiz institutions, nagpa-abot ng pakikiramay sa mga naulila ni Eddie Garcia

Eddie Garcia’s remains were cremated last night

The Butcher | Eddie Garcia: A winner till the end

Rock icon Pepe Smith dies at 71

Paalam, Manoy: a summary

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.