Eddie Garcia, na-revive na matapos mabalitang na-coma

PHOTOS: @yukiesarto on IG, Glaysa Apoya on Twitter

PHOTOS: @yukiesarto on IG, Glaysa Apoya on Twitter

Prized actor Eddie Garcia, fondly called Manoy by his fans, reportedly collapsed habang nagte-taping ng isang eksena para sa Rosang Agimat, ngayong araw, June 8, sa Tondo, Manila. 

Ang Rosang Agimat ang comeback project nito sa GMA-7 matapos ang matagal na pagganap niya sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN. 

Dahil sa pangyayari ay agad itong isinugod sa Mary Johnston Hospital Tondo. Kasabay nito ay ang pagkalat ng balitang diumano ay nasa coma na ang premyadong aktor.

Ayon sa tweet ng isang Netizen na naka-kuha ng mga larawan sa insidente, inakala raw niyang parte ng eksenang tine-taping ang pagkakagulo.
 

Pero mga bandang alas-tres ngayong hapon, kumalat naman ang magandang balita na na-revive na ang kung tawagin sa industriya ay Tito Eddie. 

Habang sinusulat ang balitang ito ay nailipat na raw ang aktor sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City. 

Humihiling ang mga taga-showbiz industry ng patuloy na panalangin para sa tuluyang paggaling ng isa sa pillars of Philippine movie and TV industry.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dingdong, hindi bibitaw sa pangarap na makasama pa rin sa isang project si Eddie Garcia

Yassi, di kinaya ang nag-viral na accident photo ni veteran actor Eddie Garcia

Kumalat na video ng pagkadapa ni Eddie Garcia, rerebyuhin ng GMA-7

Official Statement of Eddie Garcia’s family confirms the great actor suffered from “severe heart attack.”