Dyessa Garcia, handang handa nang mabansagang “VivaMax Queen”

Handa na si Dyessa Garcia kung sakaling sa kanya ipasa ang korona bilang VivaMax Queen na dati ng nabigay kay AJ Raval at ngayo'y kay Angeli Khang.

PHOTO: Adam Laurena

Handa na si Dyessa Garcia kung sakaling sa kanya ipasa ang korona bilang VivaMax Queen na dati ng nabigay kay AJ Raval at ngayo'y kay Angeli Khang.

Handa na daw si Dyessa Garcia just in case siya na ang susunod na mabansagang “VivaMax Queen” pagkatapos ng current reigning na si Angeli Khang.

Napag-usapan ang topic na ito sa press conference ng Init, isang upcoming VivaMax sexy film kung saan bibida si Dyessa.

Binigyang-diin ni Dyessa ang kanyang work ethics on set sa kanyang mga VivaMax projects bilang isang dahilan para sa kanya ipasa ang korona.

Iba po talaga ’yong pagsusumikap ko pagdating sa trabaho, eh. Ayokong magreklamo, talagang gusto ko maayos ang trabaho ko kasi [kung] ibibigay mo na lang ’yong best mo, galingan mo na talaga. Iniisip ko na isang paguran na lang ’to, dapat best mo na ’yong gagawin mo,” sabi ng aktres.

Inemphasize din ni Dyessa ang paraan kung paano niya pinoportray ang mga karakter na binibigay sa kanya, na kailangan isabuhay niya sa totoong buhay kung ano mang movie role ang na-assign sa kanya.

Kaya po masasabi ko na ready na po ako,” confident na sinabi ni Dyessa.

Matatandaan na si AJ Raval ang unang binansagang “VivaMax Queen” noong 2021. Pagsapit naman ng 2023, si Angeli Khang naman ang binigyan ng titulo na ito sa teaser ng pelikula niyang Bela Luna.

Kasama si Dyessa sa 11 na baguhang sexy stars na pinakilala sa 11 million subscribers milestone grand media conference ng VivaMax noong Mayo. Sa naturang platform, nakilala si Dyessa sa 2023 films na Tuhog at Araro bago makakuha nang major roles sa Dilig at Kabit.

Sa July 30, mapapakita muli ni Dyessa ang kanyang acting prowess sa Init. The movie follows a young girl from the barrio who moves into a boarding house in the city with other college students. Sa ilalim ng kanyang tahimik at mahiyain na personality ay isang babae pala who is hungry for sex.

Directed by Piem Acero, the film stars Dyessa, Candy Veloso, Aico Veloso, Rash Flores, Rome Guinto, Ghion Mendoza, and Renz Tantoco.

YOU MAY ALSO LIKE:

Vivamax presents 11 new alluring faces as it celebrates its 11M subsribers milestone

Vivamax sold 60-plus titles at the Busan International Film Festival's Asian Content Film Market

The Butcher | Are Angeli Khang and Azi Acosta the Nora and Vilma of Vivamax?

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.