Donnalyn Bartolome, ipinasilip ang bahay bago ito ibenta at iwanan

PHOTOS: @donnalynbartolome on Instagram, Donnalyn Bartolome on YouTube

PHOTOS: @donnalynbartolome on Instagram, Donnalyn Bartolome on YouTube

Kwelang ipinasilip ng singer-actress na si Donnalyn Bartolome ang bahay na ngayon ay ibinibenta na pala nila ng kanyang pamilya.

Sa latest vlog entry ng Pinay YouTube sensation uploaded last September 2 na may title na "A HOUSE TOUR THAT WILL MAKE YOU LAUGH AND CRY," ipinakita ni Donnalyn sa una at huling pagkakataon sa kanyang mga fans ang kanilang bahay na tinirhan nila for three years bago pa ito mapunta sa iba.

Nasa abroad na kasi ang family ng dalaga habang mag-isa s'yang naiwan dito sa Pilipinas.

"This house, we lived here for about three years," paliwanag ni Donnalyn sa vlog. "But since everyone except me moved out of the country... for work of course..." 

Aminado mang hindi s'ya fan ng mga house tour ganaps, gusto daw ibahagi ng "Kakaibabe" singer ang kanilang naging tahanan kung saan marami ring memories ang nabuo.

"I've never been a fan of house tour because I'm a little bit of a private person," sey pa ng dalaga. 

"We're actually selling this house now. I'm not gonna be doing walk-through like I said in my other vlogs... But I'm gonna be showing you the features of the house, the rooms, [and] what I like about it."

Tsika pa n'ya: "Actually, this house is so nice that it's already been rented."

Katunayan, darating nga daw ang mga mangungupahan sa kanila on the following day after niyang makapag-shoot ng  kanyang house tour vlog. Kaya naman makikitang bawas na ang mga kagamitan sa loob at tila nakahanap na din ng lilipatan si Donnalyn.

But it’s still up for grabs daw, pero habang wala ay ipaparenta muna nila.

Sa vitual tour, unang ibinida ni Donnalyn ang malawak nilang garage that can accommodate two sports utility vehicles.

Ibinahagi din ng Viva contract artist why there's a big letter M sa main door nila.

"The front door has M design which stands for our real last name [Mulawin]."

Maganda ang interiors ng bahay nina Donnalyn at air-conditioned din kaya naman may mga nagtatanong kung bakit nila ito ibebenta. 

"I like being in the south, not north," paliwanag ng singer-vlogger. "So ,this house, [nasa] north area s'ya."

Maliban sa malawak na dining area, dalawa rin ang kitchen ng bahay, na ayon sa dalaga ay ang "clean kitchen" na nasa loob at katabi ng dining area, at ang "dirty kitchen" sa bandang labas.

May isang bedroom sa first floor while the other four, including the master bedroom, ay nasa second floor. 

Bongga din ang mga rooms dahil lahat ay may sliding cabinets at ilan din sa mga ito ay may sariling bathroom.

Pero ibang level ang master bedroom s'yempre na may lounge area na, may walk-in closet pa. And there's more...may bathtub din ito at spacious na shower area. 

Sa ngayon ay under renovation naman daw ang kanilang swimming pool.

PANOORIN ang kabuuan ng virtual house tour ni Donnalyn Bartolome na ngayon ay meron ng more than 1M views dito:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Anne Curtis is Donnalyn Bartolome’s music video BFF

Donnalyn Bartolome launches new music video featuring movie stars, viral sensations, and social media influencers

Donnalyn Bartolome releases music video of her own birthday song; but gets “in trouble” for it

Pika's Pick: Donnalyn Bartolome counts milestones as she reaches 3M Instagram followers; while her HBD vlog entry on YouTube now has 15M views

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.