Donita Rose, binigyan nang masayang despedida party nina Vina, Ruffa, Sunshine, Karla, at Jackie bago siya mag-migrate sa US

PHOTOS: @dashofdonita & @vina_morales on Instagram

PHOTOS: @dashofdonita & @vina_morales on Instagram

Reunited ang mga That's Entertainment babies na sina Vina Morales, Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, at Jackie Forster para sa despedida party nila para sa kaibigang si Donita Rose. 

Tuloy na daw kasi ang pagma-migrate ni Donita sa San Francisco, California, USA at sa August 19 na ang alis n'ya kung hindi mae-extend ang kaka-impose lang uli na Modified Enhanced Community Quarantine [MECQ] na effective hanggang August 18.  

Kaya naman nitong Friday, July 28, noong wala pang announcement ng MECQ ay muling nagsama-sama ang mga 90's beauties—na pare-parehong mommies na ngayon—sa bahay ni Vina Morales para nga sa despedida party for Donita.

At ngayong araw, August 4, may pasilip si Vina sa naganap na swimming party and karaoke night nila sa kanyang Instagram post habang ang video naman ay uploaded na din sa kanyang YouTube channel.

Nilinaw din ni Vina na lahat sila ay sumailim sa COVID-19 tests at sinigurong lahat sila ay negatibo sa virus bago sila nagkita-kita para sa nasabing all-girls party.

"Our despedida party for our dear @dashofdonita before MECQ and all of us were tested and thanked God were all Negative," panimulang pahayag ni Vina sa kanyang Instagram post. 

And she went on: "Most of the videos and photos were posted in our own social media so i decided to edit a special video for our Dee that took me hours to edit but worth it. @iloveruffag @karlaestrada1121 @sunshinecruz718 @jackie_forster and i have been planning for this day but di lagi natutuloy, video is too long so will be posting in IG stories and my YT to see the whole video. 

"We love you Dee @dashofdonita #90sMomshies #friendsforever," pagtatapos ni Vina.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales) on

Bago nito,  nag-dinner naman sina Ruffa at Donita na pa-despedida din ng actress-turned-beauty queen sa Filipino-American actress. 

"Farewell dinner (Round 1) for my BFF, Donita Rose, who will wisely start a new life in America," pagbabahagi ni Ruffa sa kanyang IG post dated July 19. 

"We will miss you girllll! No depressing goodbyes though...just see you again super soon!" sey pa ng Love Thy Woman actress para sa kaibigan. 

Nag-joke din s'ya na baka sa US na matagapuan ni Donita ang kanyang ka-tadhana. 

"Who knows? Your Prince Charming might be there waitingfor you..." pagbibiro ni Ruffa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

PANOORIN ang edited video ng despedida party ng That's Entertainment babies para sa kumare nilang si Donita Rose dito:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.