Doc Willie Ong, deadma daw sa “mix and match” issue nila ng Isko-Sarah tandem; "Wala akong galit sa puso ko kasi hindi makakatulong...”

Ke me ka-tandem o wala, siya naman daw ang may hawak ng proverbial ball kaya’t nasa kanya ang desisyon and he decides na tuloy ang laban. Pero nagpapasalamat siya sa mga patuloy na naniniwala at nagtatanggol sa kanya. “Maraming-maraming salamat sa lahat ng statement of support from all the vloggers and others...medyo mahal n'yo pala ako, thank you so much.”

Photos: @iskodomagoso / @indaysaraduterte

Ke me ka-tandem o wala, siya naman daw ang may hawak ng proverbial ball kaya’t nasa kanya ang desisyon and he decides na tuloy ang laban. Pero nagpapasalamat siya sa mga patuloy na naniniwala at nagtatanggol sa kanya. “Maraming-maraming salamat sa lahat ng statement of support from all the vloggers and others...medyo mahal n'yo pala ako, thank you so much.”

Akala namin ay prank lang 'yung nakita naming nakakabit na tarpaulin na nakalagay ang Isko-Sara tandem sa sasakyan ng Presidential aspirant na si Mayor Isko Moreno sa isang campaign sortie nito sa Maguindanao. Hindi rin napagkikita sa campaign trail nila doon ang ka-tandem ni Mayor Isko sa pagka-bise president na si Doc Willie Ong.

Hanggang sa nabasa namin ang Tweet ni Rappler reporter na si Pia Ranada.

"LOOK: Posters promoting Isko-Sara tandem (ISSA) seen in Isko Moreno's event in Maguindanao.”

Ang daming nag-react sa balitang ito dahil tila harapan na daw ang ginawang pangba-balewala ni Mayor Isko kay Doc Willie.

Pero ayon naman sa campaign manager ni Mayor Isko na si Lito Banayo, hindi lihim ang bagay na ito  kay Doc Willie dahil sa kanya daw mismo galing ang payo na wag na itong sumama dahil masyado na umamong partisan for Sarah Duterte ang mga taga-BARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao. Malinaw naman umano sa usapan nila na sa kampanya sa ibang bahagi ng Minadano ay makakasama pa rin si Doc Willie maliban lang sa BARMM area.

Pero marami pa ring taga-suporta ng doctor-turned-politician ang nasaktan para kay Doc Willie.

But it turned out, deadma naman pala si Doc Willie sa “mix and match” issue. Hindi umano siya nasaktan sa pangyayari dahil ang pokus niya manalo on his own volition dahil nga sa kagustuhan niya raw makatulong. Wala umano siyang binibitiwang bagong salita na nasaktan siya. Kung mayroon man ay luma na raw iyon kaya’t hindi niya umano batid kung bakit ngayon lamang gingamit ng ilang reporter.

Basta’t on his own, tuloy ang laban niya.

Ito, more or less, ang laman ng kanyang official statement na idinaan niya sa pagpe-Facebook Live noong February 21.

Bungad niya: “Magandang araw po, doctor Willie Ong 'to.  Magbibigay lang tayo ng short statement sa lumalabas na bali-balita tungkol sa mix and match...tungkol sa ibang presidente [at] vice president.

"Meron akong mga nakita na allegedly statement ko na na-hurt ako. Actually, 'yung statement ko na 'yun nasabi ko I think one month before kay Kat Domingo ng ABS [TV Patrol reporter], ngayon lang nila nilalabas. 

"Hindi ko alam bakit ngayon lang nilalabas pero may nasabi akong ganu'n, pero may statement naman ako ngayon kung gusto ninyong malaman.

"Para sa akin kasi focus lang ako para sa kailangan kong gawin, eh. Salamat kay Mayor Isko pinili niya ako…nakatakbo tayo bilang vice president pero ngayon nasa akin na ’yung bola, eh.

"So, tuluy-tuloy tayo hanggang May 9, walang atrasan 'to.  Salamat sa mga followers ko, salamat sa mga statement of support…wala namang magbabago tuluy-tuloy tayo.”

Kinuha na rin niya ang pagkakataong iyon sa FB Live na kumbinsihin ang mga manonood niya kung bakit siya ang kapapat-dapat na maging bise-presidente.

"I'm on the ball ako, eh.  Kailangan kong manalo kasi kailangan kong maibigay 'yung tulong sa mahihirap, sa gamutan, sa pagkain.

"Sabi nga ni Brother Mike Velarde ng El Shaddai, eh, piliin 'yung tunay na nagmamahal  sa 'yo.  Alam n'yo naman kung sino ang nagmamahal sa inyo, hindi ko kailangang magtapang-tapang pa.

"O mas gusto ninyong matapang pa? Ano pa ba ang mas matapang sa ginagawa ko ? Twenty-seven years nang tumutulong ng libre, nagsa-sakripisyo na nga para sa inyo?

"Wala akong galit sa puso ko kasi hindi makakatulong...sa pulitika away-away, eh. Pag pinasok mo 'yung galit sa puso mo, doon na masisira 'yung kamada. Maiiba na 'yung focus mo.

"Ang focus natin 'yung mahihirap, 'yung nagugutom, walang kamalay-malay sa mga isyu... tulungan n'yo na lang po ako.

"Baka puwede sa May 9,  sa mga followers ko suportahan n'yo ako kung pupuwede lang kasi marami talaga akong gagawin hindi lang sa kalusugan pati sa iba't ibang isyu.”

Bago magtapos ay pinasalamatan niya ang mga taga-suporta niya.

"So, maraming-maraming salamat sa lahat ng statement of support from all the vloggers and others...medyo mahal n'yo pala ako, thank you so much.

"Basta ako lagi honest sa inyo hindi po ako magsisinungaling lahat po ito gagawin natin para sa bayan. Thank you, God bless po."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.