Direk Joel Lamangan, Gina Alajar, at Jaclyn Jose, biktima ng hacking at identity thieves; warn friends to be vigilant

Photos: Instagram

Photos: Instagram

Umaariba ang mga hackers at scammers ngayon sa social media at kabilang sa mga tina-target nila ay mga taga-showbiz!

Identity thieves ang karamihan sa mga unseen salarin.

Kailan lamang ay nag-post ng babala ang actress/director na si Gina Alajar sa kanyang Facebook account dahil may poser siya na gumagamit ng pekeng Facebook account using her name and photo.

Ikalawang beses na niya itong nabiktima.

Kaya naman matindi ang warning niya sa kanyang mga Facebook friends sa kanyang Tuding Alajar Facebook account.

Aniya: “Mga friends, on the loose na naman ang aking ghost now with the same profile photo as mine… PLEASE PLEASE PLEASE DO NOT ACCEPT FRIEND REQUEST AND DO NOT SEND MONEY… be observant, kasi ang name na gamit ay TURING ALAJAR…. Maraming salamat po…”

Ngayong linggo naman ay magkasunod na na-hack ang Facebook account ni Direk Joel Lamangan at telepono at FB account ng veteran actress na si Jaclyn Jose.

Pareho ang modus operandi ng mga bumiktima sa dalawa, nagpapadala ng mensahe sa kanilang mga kaibigan at kakilala at nangungutang ng malaking halaga!

Sa pamamagitan ng kanyang mga kaibigan ay ipinakalat ni Direk Joel na hindi totoong nangungutang siya.

Isa ang aktres na s Mae Paner sa nagpakalat sa panawagan ni Direk Joel, gayundin ang manunulat na si Gerry Olea.

“My phone has been hacked… pls ignore if some one is asking for money d po ako yun,” ang panawagan naman ni Jaclyn sa kanyang social media account.

May isang kaibigan niya kasi ang nagtaka na bigla siyang umuutang ng bente mil.

As of presstime ay "hacked" pa rin ang umano ang status ng Facebook ni Miss Jaclyn bagama't nakapag-post pa rin siya doon ng warning. Aniya, humingi na siya ng tulong ng NBI at malapit na umanong matukoy ito.

Addressing both her hackers and her followers, Jaclyn posted on FB kagabi, November 24:

"To all my hacker....na ka hacked pa din ako nag pahinga lang magaling tong mga tao nato...i wiĺ not message..post any ...nagpalit nako pass word nakuha pa.....to every one ...wala napo ako social media...hanapin ko muna hacker pina NBI ko na at saka na lang ako babàlik...bastos at wala galang itong gumagawa...i will not post ...nor text any one lalo na kung money involved...ignore ....hahanapin ko ..malapit na meron na ako lead...antayin na lng nia."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.