Direk Jason Paul Laxamana, nalamang meron siyang autism spectrum disorder

Ngayong nalaman na ni Direk Jason Paul Laxaman na may autism spectrum disorder siya, mapagtutuunan na daw n’ya ng pansin ang mga bagay na beneficial sa kanya at maiiwasan naman ang mga sitwasyong makakapagpa-trigger sa kanyang kondisyon.

PHOTO: @jaslax on Facebook

Ngayong nalaman na ni Direk Jason Paul Laxaman na may autism spectrum disorder siya, mapagtutuunan na daw n’ya ng pansin ang mga bagay na beneficial sa kanya at maiiwasan naman ang mga sitwasyong makakapagpa-trigger sa kanyang kondisyon.

Lakas-loob na inamin ni Direk Jason Paul Laxamana na meron s’yang autism spectrum disorder.

Sa kanyang identical Facebook and Instagram posts kahapon, August 6, ipinalam ng award-winning director sa kanyang friends and followers na na-diagnose s’ya na may Asperger's Syndrome.

“Yesterday, I got diagnosis that I am on the autism spectrum. I have Asperger's Syndrome,” pag-amin ni Direk Jason Paul.

(Ayon sa healthdirect.gov.au, ang Asperger's Syndrome ay ang “high-functioning form of autism spectrum disorder” na kung saan nakikitaan ng “good cognitive and language skills” ang mga taong meron nito. Pero, “they still experience difficulties with communication and social interaction, and show repetitive behaviors.”)

Naiyak daw ang direktor nang mapag-alaman n’yang meron s’yang ganitong uri ng kondisyon dahil mas nakilala niya ang kanyang sarili.

“I cried after my session with the psychiatrist, not because I am sad, but because I am relieved to finally know how I'm built as a human being, and relieved to finally understand my experiences in life for the past decades, especially those times I suffered mentally and felt like an odd entity in society,” lahad ng 35-year-old Kapampangan film director.

This time, mapagtutuunan na daw n’ya ng pansin ang mga bagay na beneficial sa kanya at maiiwasan naman ang mga sitwasyong makakapagpa-trigger sa kanyang kondisyon.

“Now I can finally take care of my special needs, assert and demand them as much as possible, and avoid situations that do not serve my best interest. #ASD #autism #aspergers,” pagtatapos ni Direk Jason. 

Nakahanap naman ng karamay ang direktor mula sa kanyang mga followers and celebrity friends sa pangunguna ng actress, director and writer na si Bela Padilla.

Matatandaang bumida si Bela sa mga pelikula ni Direk Jason na The Day After Valentine’s (2018) at 100 Tula Para Kay Stella (2017). 

“[Three folded hands emojis] this Stella is very proud of you!” saad ng actress sa comment section. 

SCREENSHOT: @jplaxamana on Instagram

“Sending my love and so proud of all your accomplishments direk,” sey naman ni Kylie Verzosa na bumida sa recent movie ni Direk Jason na Baby Boy, Baby Girl

SCREENSHOT: @jplaxamana on Instagram

“You’re still the same amazing person either way,” pahayag naman ng Kapuso star na si Luis Hontiveros.

SCREENSHOT: @jplaxamana on Instagram

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto, ginulat si Direk Jason Paul Laxamana sa ipinakitang tapang sa Expensive Candy

Direk Jason Paul Laxamana, isinugod sa ospital matapos mahilo at manghina

Director-screenwriter Jason Paul Laxamana recounts scary COVID-19 experience

'100 Tula Para Kay Stella' director Jason Paul Laxamana's first comic venture is now available nationwide

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.