Direk Cathy Molina, nagkamali kay Alden

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Parang batang napahagulgol si Alden Richards habang nagbibigay nang closing remarks si Direk Cathy Garcia-Molina kagabi sa pagtatapos ng grand press conference ng Hello, Love, Goodbye na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

First time kasing nagka-trabaho sina Alden at Direk Cathy, habang suki star naman ni Direk si Kathryn Bernardo (with perennial loveteam partner Daniel Padilla). Alam naman ng lahat na ang maituturing na isang historic project ang said romance-drama—na kinuhanan sa Hong Kong dahil tungkol ito sa mga OFWs (overseas Filipino workers )doon—dahil nga hiniram ng Star Cinema (ang film outfit ng ABS-CBN) si Alden Richards na homegrown contract star naman ng GMA-7.

Una muna ay nagpasalamat si Direk Cathy kay Kathryn sa pag-unawa nito sa mga “pagpapahirap” niya sa kanya during the shooting na muntik na nilang ika-FO (friendship over). Pero in-assure niya si Kath na it was worth it. Si Kathryn na raw ang humusga pag napanood nito ang sariling performance later on.

Nang bumaling na si Direk kay Alden, ni-recall ni Direk ang mga panahong sinasabi palang sa kanyang si Alden ang balak kuhaning leading man for Kathryn. Nasa isip daw niya na may katabaan ito (dahil chubby a few months ago si Alden) pero “mukhang magaling umarte.”

Nang nagta-trabaho na raw sila, napatunayan niyang nagkamali siya…hindi daw pala marunong umarte si Alden kundi “magaling siyang umarte.”

Dito na bumigay si Alden na napayuko muna sa may tuhod ni Kathryn habang niyayapos siya nito sa likod at pagkatapos ay tumayo ito at nagpunta sa kinaroroonan ni Direk Cathy para yakapin ito. 

Touched na touched si Alden dahil pangarap lang niya noon na ma-handle ni Direk Cathy dahil fan siya ng mga rom-com masterpieces nito. At dahil nga magka-ribal ang mga kumpanyang pinagta-trabahuhan nila. Hindi na siya umasang magkakatotoo ito. Ang now that it happened at pinuri pa siya, wala nang pagsidlan ng kasiyahan ang Pambansang Bae.

Here’s Direk Cathy’s full remarks:

“Kathryn, thank you very much for trusting me kahit alam kong pinahirapan kita. Alam kong naging mahirap para sa’yo but I’d like to see you on July 30 pagkatapos ng [screening] pelikula. Tingnan mo kung galit ka pa rin sa akin…

At s’yempre maraming-marami salamat kay Alden. Ako po ay marami ng nakatrabaho sa dalawangpu’t pitong taon ko sa show business. This is my 25th film. And I have work with so many actors na mababait at magagaling Alden… si Alden is one of them… No’ng  sinabi nilang Alden sabi ko, ‘taba lang.’ Hahaha! Pero sabi ko, mukhang marunong umarte itong batang ito. Nagkamali ako. Hindi siya marunong—magaling siya. Thank you very much. At napakabait na tao.” 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Kathryn Bernardo’s success outside of showbiz

Alden Richards ticks off one more item on his bucket list

WATCH: Julia’s audition for Darna, hindi nga ba sineryoso ng Star Cinema?

Direk Cathy: The Hows of Us is "something more real"

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.