Dingdong, kinalampag ang kampo ni Coco!

Dingdong, kinalampag ang kampo ni Coco!

Nagsalita kahapon, August 13, si Dingdong Dantesvia his Facebook account Jose Sixto Gonzalez Dantes IIItungkol sa diumano'y walang pahintulot na paggamit ng ABS-CBN primetime show na FPJ's Ang Probinsyano ng dalawa sa kanyang personal family photos.

Sa kanyang mensahe sa kanyang Facebook account, sinabi ng aktor na mismong ang fans niya at ng kanyang asawang si Marian Rivera, ang mga DongYanatics, ang nagpadala sa kanya ng screenshots at videos mula sa Kapamilya show kung saan makikitang inedit o pina-photoshop at ginamit ang mga larawan ng Dantes family.

Ayon kay Dingdong, "In two episodes of Ang Probinsyano, our wedding photo and a photo taken during Zia's baptism were edited and featured without the consent of our photographer and our family."

Inere ang mga pinatutuungang episode noong November 9, 2017 and August 8, 2018 respectively.

Sa November 9 episode ginamit umano ang baptism photo ni Zia (unica hija nina Dingdong at Marian), kung saan pinalitan ang mukha ni Dingdong at Marian ng mukha nina Joko Diaz at Mickey Ferriols.

Sa August 8 episode naman umano ginamit ang wedding photo ni Dingdong at Marian, kung saan pinalitan ang mukha ng mag-asawa ng mukha nina Alice Dixson at Edu Manzano.

Dahil sa insidenteng ito, nagdesisyon ng aktor na magpadala ng letter sa production team of Ang Probinsyano noong August 11. Paliwanag ng aktor tungkol sa akto niya: "This was done, in good faith, to express my dismay and deep concern."

Sa kanyang letter, hindi nagpatumpik-tumpik ang aktor na sinabing mayroong "inescapable consequence" sa paglabag ng legal and moral rights ng kanyang pamilya.

"And as you may very well be aware of, established industry practice is against such act as it amounts to disrespect.

"Worst of all, as a father and husband, I cannot help but feel offended and deeply hurt by such actions, which happened not just once, but twice. Basic rules of courtesy in this case dictate that you first secure permission from the photographer and my Family.”

Makikita ang kumpletong post ni Dingdong dito.

 

Humingi ang PikaPika ng statement mula sa mga taga-FPJ's Ang Probinsyano, ngunit wala pa silang sagot as of presstime. Mananatiling bukas ang PikaPika para sa panig nila.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.