Kung may bet daw na pagpasyalan ng kanyang kabiyak si actor-TV host Dingdong Dantes outside the country, gusto raw niyang mapuntahan at ma-experience nila ang African savanna at Iceland.
Sinabi iyan ni Dong sa solo virtual media conference niya last July 10 for the 5th anniversary celebration ng informative show niyang Amazing Earth.
Natanong kasi ng entertainment press ang possibly busiest Kapuso star kung anu-anong mga lugar na na-feature nila sa weekly show niya ang gusto nilang puntahan ng misis niyang si Marian if ever magkaroon sila ng chance.
Ayon kay Dong, dalawa sa mga na-feature nilang lugar ang kabilang sa dream destinations nila, ang Africa at Iceland.
"Sa Africa. Talagang gusto kong puntahan yan kasama n'ya. Doon din sa Iceland, 'yong mga ganu'n ba. 'Yon ang mga gusto naming marating together," lahad ng tinaguriang Kapuso Primetime King.
Binibiro nga raw niya minsan si Marian na mauuna muna raw siyang papasyal sa mga lugar na gusto nilang mabisita.
"Sabi ko sa kanya, mauna na muna ako sa'yo pero dito na muna ako sa TV kahit kunwari nandu'n ako," pagbabahagi niya.
"Hindi naman namin pinapalabas na nandu'n ako pero at least by telling these stories parang in a way nakakakuha na ako ng advanced info about these places. But yeah, dream destinations namin 'yong dalawang iyon," he added.
Pero s'yempre, hindi pa rin naman daw mawawala sa puso ng DongYan couple ang mga magaganda ring tourist spots nito sa bansa, partikular na ang Palawan.
"S'yempre, aside from the beautiful places that we already have here in the Philippines, Palawan is always one of our top favorites. Malapit sa puso talaga namin ang Palawan," aniya.
Matatandaang sa Palawan kinunan ang ilang eksena sa teleserye Dyesebel na pinagtambalan nila noong kapwa pa sila binata't dalaga.
Anyway, maliban sa weekly show na Amazing Earth ay napapanood din ang aktor sa primetime series na Royal Blood. Maliban pa dito, naghahanda na rin siya sa paparating na singing competition na The Voice Generations kung saan siya rin ang magsisilbing host.
Dahil sa kabi-kabilang ganap ni Dong ay natanong siya ng press people kung paano niya pinagkakasya ang oras siya sa trabaho at sa pagiging family man.
"So, far okey pa naman. So far kayang kaya pa naman. Itong lahat-lahat na ginagawa ko sobrang gusto ko. I love my job. Siguro nagkataon lang na nagkasabay-sabay," sagot niya.
Thankful lang daw siya na may mga taong tumutulong sa kanya para magawa ang lahat ng kailangan niyang gawin.
"Pag dating naman sa execution [ng projects], I'm fortunate to have very good managers and people I work with na naaayos nila na maging humanly possible na magawa ko lahat without having to sacrifice anything in terms of quality," saad niya.
"Basta ang pinakamahalaga sa lahat hindi ako mawalan ng oras sa aking pamilya," pagtatapos ni Dingdong.
Samantala, big change ang magaganap sa Amazing Earth ng aktor sa kanilang 5th anniversary dahil mula Sunday afternoon ay mapapanood na ito every Friday night starting July 14 sa GMA Network.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber