Dingdong Dantes, may binitiwang pangako sa mga anak na sina Zia at Sixto

PHOTOS: @dongdantes on Instagram

PHOTOS: @dongdantes on Instagram

Talagang time flies so fast para sa aktor na si Dingdong Dantes na nagbigay ng kanyang fatherly messages sa mga anak na sina Zia at Sixto. 

Sa kanyang Instagram post last April 13, tila na-realize ng Kapuso Primetime King na parang kailan lang ay baby pa ang panganay nila ni Marian Rivera na si Zia. Pero in November last year ay nag-celebrate na ito ng kanyang fifth birthday. Ngayong taon naman, may bago na namang childhood milestone si Zia dahil sumasakay na ito sa bisikleta. 

“Hey Z, not too fast please— on the bike and, oh well, in growing up,” pakiusap ni Dingdong sa panganay sa kanyang IG post that came with a photo of his unica hija. 

Kahapon naman, April 14, naging feeling nostalgic ang celebrity dad sa photo nila ng bunsong si Sixto na magse-celebrate naman ng kanyang second birthday sa darating na April 16.

“I was going through old photos, when I came across this picture that I had taken around the same time last year (bago kita tuluyang kinalbo),” sey ni Dingdong sa kanyang Instagram kalakip ang photo nilang dalawa na kinunan noong kasagsagan ng COVID-19 lockdown. 

“I couldn’t believe how time flies so fast that in a couple of days, you’ll be turning two,” lahad pa n’ya kay Sixto. 

Dagdag pa ng aktor, “So many things had happened, so many realizations, and so many challenges such as this pandemic that we have to fight as a nation.”

Nagbitiw din s’ya ng pangako sa dalawang anak nila ni Marian. 

“It may not be an ideal world to live in, but we, your parents, will do our best to inculcate in you and your Ate Z the renewed (and strengthen) version of values and principles of humanity,” pagtatapos ni Dingdong. 

Matatandaan na nagbigay ng heartwarming birthday message si Dingdong para kay Sixto noong first birthday nito last year. Sinabi n’ya sa kanyang naging IG post noon that Sixto gave him hope during these troubling times.

Sa Facebook live naman ng Regal Entertainment Inc. last May 2020, ibinahagi nina Dingdong at Marian na wala pa silang plano na magka-third baby at mas gusto daw nilang mag-focus muna sa dalawa nilang anak.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Marian Rivera, mas busy pa ngayong pandemic; kaya sa hiling ni Zia ng isa pang kapatid...”D’yos ko!”

Pika's Pick: Dingdong Dantes wins Asian Star Prize at Seoul International Drama Awards;  dedicates his new accolade to all COVID-19 frontliners

Pika's Pick: Dingdong Dantes honors mom Angeline, wife Marian, and his Creator as he ponders his life at 40

Dingdong Dantes to launch his own delivery app; unemployed showbiz workers to be its riders

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.