Dingdong Dantes at Marian Rivera, sina Paul Salas at Jillian Ward ang respective choices na gaganap sa kanila sakaling gawing pelikula ang love story nila

P’wede rin daw si Cassy Legaspi, ani Marian Rivera, na gumanap bilang siya.

PHOTOS: @dongdantes on Instagram; INSET: @paulandre.salas

P’wede rin daw si Cassy Legaspi, ani Marian Rivera, na gumanap bilang siya.

Nakipag-bonding virtually ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa kanilang mga fans worldwide kahapon, August 25, kung saan ay naging open sila sa  Q&A. 

Isa sa natanong sa kanila ay kung paano nila nare-retain ang kilig nila sa isa’t isa ngayong araw-araw silang magkasama dahil wala silang tinatanggap na lock-in taping commitments.

S’yempre kailangan mo mag-isip. Kailangan mo maging creative,” sagot ni Dingdong. “Kailangang makapag-isip ka ng iba’t ibang klaseng paraan para maaliw n’yo ’yong isa’t isa.

Halimbawa, hindi ka makalabas, hindi ka makapag-date, magse-set up ka na lang ng kunwaring date d’yan sa labas n’yo, sa garahe o kahit saang sulok man ng bahay.

Hindi naman daw kailangang bongga ang paandar ayon sa aktor. 

“It does not have to be spectacular or magarbo,” pagpapatuloy n’ya. “Basta simple lang na alam mong pinag-effort-an ba kahit ginupit-gupit mo lang na kartolina o kung anuman ’yan. 

“So, make it exciting everyday. I think it’s really the thought that counts and the effort ba behind these things, no? And ’yon ’yong na-appreciate ko. 

Na-appreciate ko kapag gumagawa s’ya ng ganyan. Kahit mga luto na hindi naman n’ya dati niluluto. Biglang susurpresahin n’ya ako na, ‘Ooops, saan galing ’yan? In-order mo ba ’to o niluto mo? So may mga ganu’n.

Hirit naman ni Marian, ang pinakamahalaga daw sa lahat ay ang pagkakaroon ng communication ng mag-asawa. 

Siguro ang bonus d’yan… Fine, mag-e-effort ka. Pero ang pinaka-importante d’yan e kung paano kayo magkaroon ng communication sa isa’t isa, kung gaano kayo ka-transparent sa isa’t isa,” pahayag ng Kapuso Primetime Queen. 

Kasi sobrang mahalang mahalaga talaga ’yong nararamdaman ng bawat isa na dapat nirerespeto mo ’yon. Ke wala s’ya sa mood, ke nasa mood s’ya, ke in love s’ya, kailangan bilang asawa iintindihin mo yan sa abot ng makakaya mo at bawal kang mag-give up.”

Dagdag pa ni Dong para sa mga gaya nilang naka-work from home, kailangan daw na may cut-off sa trabaho para magkaroon pa rin ng oras para pamilya.

Natanong din ang DongYan kung sino ba ang naiisip nilang Kapuso stars na gaganap na Marian and Dingdong kung sakaling gawing movie o TV show ang love story nila. 

Kami na mismo ang gaganap nu’n para mas makatotohanan, ’di ba?” natatawang sagot ni Marian. 

Tanong naman sa kanya ni Dong, “So, saan natin uumpisahan ang k’wento?

Nakangiting sagot ng aktres sa kanyang mister, “Umpisahan natin ang k’wento nu’ng nakita mo ako sa SOP. Nu’ng mga panahong nagdalawang-tingin ka [sa akin]. Ganu’n.

Pero kung hindi tayo, sino sa tingin mo?… Sa lalaki, p’wede si Paul Salas,” sey ni Dingdong. 

Mas bata ba? Dapat, no? Mahirap sa babae. Sino ba sa babae? P’wedeng dalawa sa akin,” sagot naman ni Marian. “Jillian Ward and si Cassy [Legaspi].”

Singit naman ng komedyanang si Ai-Ai delas Alas na present din as host sa virtual tsikahan, “Tapos pag matandang Marian na, kunwari tatanda na, ako na ’yon.

Sakay naman ni Marian kay Ai-Ai, “’Yon na nga sasabihin ko kaya tinanong ko kung mas bata ba kasi talagang ikaw ang nasa isip ko. Hindi na sila malilito [na ikaw] si Marian.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dingdong Dantes at Marian Rivera, walang balak gumawa ng ECQ baby; “Doon na muna kami magpo-focus sa dalawa (Zia at Sixto).”

Marian Rivera celebrates “World Day of Human Milk Donation” by donating her excess breast milk anew

Find out why Eugene Domingo calls Marian Rivera “the most gracious" and "the sweetest.”

Pika's Pick: Marian Rivera to make theater debut in Tanghalang Ateneo play Oedipus Rex

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.