Dimples Romana, kakuntsaba ni Neil Arce sa pagpo-propose kay Angel Locsin

PHOTOS: Anna Pingol & @therealangellocscin on IG

PHOTOS: Anna Pingol & @therealangellocscin on IG

Isang dekada na ang friendship nina Dimples Romana at Angel Locsin na nagsimula nang magkasama sila sa pinagbidahang teleserye ni Angel na Lobo noong 2008.

 

They simply hit of off. At ngayon nga ay matibay na matibay na ang kanilang pagiging BFF (best friends forever).

 

Pero hindi sinosolo ni Dimples ang credit ng pagiging BFF kay Angel. In fact, ang talagang BFF daw ni Angel ay ang dating off-cam showbiz worker na si Lani Ilyo, na nag-migrate na sa California, USA. Ayon kay Dimples, binilin ni Lani si Angel sa kanya.

 

“I don’t know if some of you know but, she used to be with Angel here pero nag-migrate na si Lani sa America,” kwento ni Dimples. “So, bago sila umalis, binilin sa akin si Gel, naging bestfriend ko si Gel. Because sabi [Lani] niya, ‘Mare, kung meron akong gustong maging bestfriend ni Gel dito sa industryang ’to, ikaw ’yon’. So, may pagbibilin na naganap.”

 

Dimples clearly took it to heart. And for a decade now, isa na sila ni Angel sa itinuturing na may solid friendship sa loob ng showbiz.

 

Naging saksi si Dimples sa mga napag-daanan ni Angel sa pag-ibig. Both the good and bad. Kaya naging maligaya at panatag siya for her friend nang makita niya kung paano ito alagaan ni Neil Arce, and movie producer/businessman boyfriend ni Angel of one year.

 

“Nakakatuwa talaga si Neil,” kwento ni Dimples. “Sa totoo lang. Kasi alam mo, si Neil, sobrang alaga niya kay Gel, super-super alaga niya.

 

“And si Gel naman, natutuwa ako kasi…Alam mo si Gel, hindi sanay na inaalagaan kasi brusko e, diba? ’Yon bang may sariling ano siya talaga, she’s a woman of her own. She can handle herself. And it’s just nice to have somebody like Neil na inaalagaan siya. And siya naman she let’s him be. Nagpapa-alaga naman siya.”

 

Nang tawagan daw siya ni Neil para sabihing magpo-propose na ito, tumulo daw ang luha niya sa tuwa.

 

“He called me, a couple of weeks before the ano [proposal] and sabi niya, ‘Dimps, magpo-propose ako.’ Day! Umiyak ako! Parang ako ’yong po-propose-an!” natatawang pagdedetalye ni Dimples.

 

“Kasi as you know, marami naman akong nakilala at nakasama na naging parte ng buhay ni Gel… so I’m just happy na this time, it’s for good and he’s ano, parang he’s there for her and ‘yon ’yong pinaka-gusto ko. Nakita n’yo naman how Neil is with Gel din.”

 

Hindi na raw maalala ni Dimples kung kailan tumawag sa kanya si Neil dahil wala na raw siyang concept ng time dala ng ka-bisihan niya. She’s doing Kadenang Ginto kasabay pa ng shooting horror movie niyang Block Z for Star Cinema.

 

Pero kahit ano’ng bisi daw niya ay isiningit niya ang hiniling na tulong ni Neil sa kanya—at ito ay ang makuha ang sukat ng ring finger ni Angel.

 

Pumunta raw siya sa bahay ni Angel nang palihim at inisahan ang assistant ni Angel.

 

Heto ang k’wento niya:

“Ay siningit ko, Dyusko! Pinuntahan ko… kasi sabi ni Neil na huwag kong sabihin sa assistant [ni Angel]. Kasi s’yempre baka nga naman, mai-ispluk sa bahay.

 

“So ngayon, sabi ko, ‘Ay, ’Te magbaba ka nga diyan ng rings’…pinuntahan ko sa bahay, di na ako umakyat e. ‘Bigyan mo ako rings kasi magpagawa ako ng bestfriend terno rings namin [ni Angel].’ What a lame excuse ’no but she believed me. But because it’s me.

 

“I guess, parang naisip nila p’wede naman talaga. Inisip ko kasi ’yong parang ring na may ‘best friends forever…’ Diba may gano’n ’yong pang-high school? Sabi ko, ‘Bigay mo nga sa akin yan.’

 

“Alam mo, drinowingan ko… sa resibo pa nga ginano’n ko ta’s pinadala ko kay Neil.

 

‘Neil, huwag mong iwawala ’yong papel na yan’. Sabi ko drinawing ko yan from the inside, kasi baka magkamali ng size. ‘Okay Dimps, ako na bahala.’ Ganito ganyan.”

 

Nang makuha na raw ni Neil ang singsing, nagsimula na raw itong ma-tensyon, ayon kay Dimples.

 

Dimples goes on:

“No’ng parating na ’yong singsing, sabi ko, ‘Neil ano?’ Alam mo, everyday ever since that day, Neil would call me kasi I think I was the only one who knew.

 

“So, alam mo, tatawag siya sa akin, ang cute ni Neil, ‘Hello Dimps, hinihika na nga ako, e. Hindi ako makahinga, hindi ako makatulog, gusto ko na nga mag-propose bukas, e.’

 

“‘Ha? Hindi, hindi,’ sabi ko. ‘Huwag, find a perfect timing.’

 

So, all will be revealed once sila na ’yong magk’wento pero ang ganda lang na naging part ako no’n kasi alam n’yo naman na ang bestfriend talaga ni Gel is Lani.”

 

Wala raw siya doon noon mismong araw na nag-propose si Neil kay Angel, which was last June 29. Pero ramdam namin na maraming alam na detalye si Dimples. Pero balato na muna daw niya sa couple ang wag masyadong mag-kwento.

 

“Nako, baka may mai-ispluk ako dito. Hindi, hindi ko masasabi talaga, alam mo kung bakit? Kaka-message lang sa akin no’ng dalawa [Angel and Neil] kanina and I’m sure they will not mind pero alam n’yo naman, Dyusko. Ayoko kasi, mas nakaka-excite ’yong sa kanila manggaling, sa totoo lang. Out of respect, ’no? Pero, wala ako do’n. Sabihin ko na sa inyo, hindi ako kasali, ha? Hayaan natin sa pamilya ’yon.”

 

Malamang ay matron of honor daw ang magiging papel niya sa wedding ng dalawa pero kung anuman daw ang i-designate ng mag-asawa-to-be ay game siya.

 

“Dalawa kami ni Lani. Pero sabi ko sa kanya, ‘Gel, huwag na ako, si Lani nalang.’ Kasi si Lani talaga ang bestfriend niya,” say pa ni Dimples.


At bagama’t aminadong nagulat din siya sa bilis ng mga pangyayari, sana raw ay agad na ring magpakasal ang dalawa.

 

Nagulat ako no’ng tumawag si Neil kasi iniisip ko they were taking their time. I thought because she’s still doing her show… so okay sa akin. Kahit ano naman. Kahit ano.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dimples' hubby Boyet joins #OhDani bandwagon!

Richard Yap, naudlot ang pagpapahinga

Battle of the Memes: Strutting Daniela vs. Lounging Romina

Beauty Gonzalez, “kabaliwan issue” ang tawag sa muntik paglipat sa GMA-7

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.