Dimples, personal na nag-apply maging Department of Tourism ambassador sa DOT Secretary.

PHOTOS: Anna Pingol & @dimplesromana & #OhDani IG page

PHOTOS: Anna Pingol & @dimplesromana & #OhDani IG page

Sa mga nakaraang interviews ni Dimples Romana tungkol sa maingay na paglilitawan ng mga memes niyang #OhDani kung saan pino-photohop ng mga Netizens ang picture niya as Daniela Mondragon na cropped from a scene sa Kadenang Ginto  at nilalagay sa iba’t ibang sitwasyon or lokasyon sa Pilipinas at abroad, pabirong nanawagan si Dimples kay Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat na gawin na siyang official ambassador ng DOT.

Sa tsika ni Dimples sa mga members of the press noong Kadenang Ginto Thanksgiving press conference last July 5, muli niya itong idiniin dahil na rin sa patuloy pa ring pagdagsa ng mga memes.

Ang tagal na daw nito kasi one week na halos,” pahayag ni Dimples tungkol sa pagba-viral ng #OhDani memes

“ E, usually pala ang mga trends one day lang, two days lang ito isang linggo at umabot na all over the world and all over the Philippines! I just love na meron isang bagay na napagkakatuwaan gawin ng mga tao na alam mo ang galing ha, kasi napo-promote nila ’yong local tourism, napapakita ’yong lugar dito sa Pilipinas ang layo ng narating… Sabi ko nga, hindi kaya pudpud na ’yong ano ko stiletto ko?

Pati Middle East, Japan, meron pa akong nakitang Canada, Dubai, so ang saya… nasa disyerto ako, nasa puno ng buko… at saka natutuwa ako hindi lang ’yong parang mga memes na parang ini-edit natutuwa ako do’n sa nagbibihis sila ala-Daniela… ’yong may tela na pula tapos alam mo… ang galing galing galing nila!”

Dagdag ni Dimples: “Alam mo, sa totoo lang, Ms. Berna gusto ko na pong maging ano ambassador ng turismo ng Pilipinas kasi kung sa’n-sa’n na ako nagpunta…so, DOT [Department of Tourism]!”

Kahapon, July 8, nagkita na pala si Dimples at si DOT Sec. Berna Puyat. Ayon sa post ni Dimples mismo sa IG, sinadya niya ang opisina nito dahil malapit ito sa area na kinaroroonan. Nag-impromptu courtesy call, kumbaga.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

Tuwang-tuwa naman si Secretary Berna Puyat sa naging surpresang pagbisita ni “Daniela” sa opisina niya. Ini-repost pa ni Sec. Berna ang video post ni ABS-CBN showbiz news correspondent na si Mario Dumaual—na nakapag-coverage sa surprise visit—sa personal niyang IG account.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Berna Romulo Puyat🇵🇭🇵🇭🇵🇭 (@bernsrp) on

Nauna pa rito, nagpasalamat na si Sec. Berna kay Dimples sa Instagram nang makarating sa kanya ang balitang nagbo-volunteer si Dimples na tumulong sa pagpo-promote ng mga magagandang lugar sa bansa using her celebrity status—and of course, the equally famous “Daniela” persona.

Ayon sa thank-you post ni Sec. Berna, “In a recent interview, both Ms. @dimplesromana and Ms. @beauty_gonzalez mentioned the Department of Tourism because of their memes that are now trending 😊 We will be more than happy to welcome Dimples and Beauty to be part of the fun! Thank you for being our volunteer tourism ambassadors and congratulations on going viral! #DaniGurl #OhDani .”

Meanwhile, sa patuloy nang naging panayam namin kay Dimples, inamin niyang medyo nalulula siya sa nagiging kasikatan niya ngayon dahil kay “Daniela Mondragon.” May katagalan na rin naman sa showbiz si Dimples pero ngayon lang siya nakaranas nang ganitong atensyon mula sa publiko. Nalulula daw siya to the point na kung minsan ay para daw ayaw na niyang mag-malling.

Oo kasi katulad kahapon ’yong pag labas mo… pag labas ko ng sinehan ano akala ko premiere night. . . hahaha. . . may picture-taking!” natatawang kwento ni Dimples.  “Hindi ako sanay e, kasi s’yempre parang ano lang, minsan kunwari ma-mall ako… ito namang mall na ‘to lagi ko naman pinupuntahan…Siguro for some reason din…ang feeling ko nga ang captions nila spotted nandito si Daniela, naka-uwi na siya ’yong mga ganyan.”

Hindi naman daw niya kasi naranasan ang ganoon dati at hindi naman din daw niya ito inasam. Okay na raw siya noon sa fact na hindi siya nawawalan ng trabaho.

But that doesn’t mean naman daw na hindi niya ito naa-appreciate. Tuwang-tuwa din naman ang magaling na aktres na umabot sa ganitiong level ang page-entertain niya sa publiko. Naninibago lang daw talaga siya sa atensyon.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Battle of the Memes: Strutting Daniela vs. Lounging Romina

Watch: Daniela Mondragon, may banta sa mapapangasawa ni Angel Locsin…

Dimples Romana, kakuntsaba ni Neil Arce sa pagpo-propose kay Angel Locsin

Dimples' hubby Boyet joins #OhDani bandwagon!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.