Matapos ang ilang buwang pananahimik tungkol sa hiwalayan nila ng estranged husband n’yang si Tom Rodriguez ay nagsalita na finally si Carla Abellana.
The Kapuso actress broke her silence sa naging podcast interview sa kanya ni GMA reporter Nelson Canlas na in-upload sa Spotify nitong November 14.
Doon ay nagpaunlak si Carla na sagutin ang isang phone-in question na binasa ni Nelson tungkol sa pinaka-rason ng breakup nila ni Tom.
Matatandaang ikinasal ang dalawa noong October 2021 pero January 2022 ay umugong ang bali-balitang hiwalay na sila matapos mapansin ng netizens na hindi na nila pina-follow ang Instagram account ng isa’t isa.
Ayon sa aktres, hindi umano s’ya makakapag-detalye pero sinabi n’yang marami raw dahilan kaya nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng Kapuso actor.
“Hindi ko masasabi ’yan kasi hindi po s’ya isang bagay lang. I cannot answer that question kasi madami,” sagot ni Carla.
“Madami pong dahilan na hindi po mababaw, hindi ganu’n kadali, hindi iisang bagay lang. Talagang maraming reason as to why.”
Naintriga naman si Nelson at nag-follow up question kay Carla kung nag-reach out ba ang aktor sa kanya noong pumutok na ang isyu ng hiwalayan nila at nagsanga-sanga na ang isyu nilang dalawa.
“No, no. The last time na nakita ko s’ya was in February of this year. I believe he flew to the United States nu’ng March, nalaman ko sa manager namin because we have the same manager. But since then, no. No phone calls, no text messages, nothing,” lahad n’ya.
Kahit nga daw pamilya ni Tom ay hindi rin nag-reach out sa kanya o sa pamilya n’ya. Ganu’n din naman daw sa side n’ya, wala rin umano silang paramdam sa family members ni Tom.
“Since then, wala talaga ever since. So, it’s been what? More than six months na walang ganu’ng communication. Dahil hindi na rin naging maganda ’yong mga nangyari, e,” aniya.
“Seryoso na talaga, ibang usapan na. Lawyers are already involved. Umabot sa point na ’yong lawyers na lang ang nag-uusap.”
Aminado naman s’ya na hindi naging madali para sa kanya ang mag-move on lalo pa’t mahabang panahon din silang naging magkasintahan ni Tom. Biglaan pa ang kanilang paghihiwalay matapos ang kanilang pagpapakasal.
“Ang hirap. Ang abrupt, ’di ba? You don’t unlove someone overnight lalo na you’ve been with someone for years, many years. Ang tagal bago masanay ’yong katawan, masanay ’yong mind,” pag-amin n’ya kay Nelson.
“Imagine your habits, nag-form na ’yan around this person. Parte na 'yan ng buhay mo, ng everyday life mo. Ang hirap na may nangyayari sa body… Ewan ko ba, cellular, biological level… I don’t want to go to the technicals but yeah,” pagpapatuloy n’ya.
“Sa Psychology seryoso ’yon na talagang maninibago ’yong katawan, ’yong puso, even your brain, na magkakaroon talaga ng changes because hindi mo rin naman p’wede turuan ’yong katawan mo, mind, heart na, ‘Ops! Hindi mo na s’ya love,’ ’di ba? ‘Ops! Wala na, delete na.’ ’Yong ganu’n. Hindi mo s’ya matuturuan.”
Na-open din sa kanilang usapan ang divorce nila ni Tom na unang napabalita nitong June ng kasalukuyang taon. Nag-open up kasi si Tom sa social media kung saan isinapubliko n’yang divorced na sila ni Carla.
Pag-amin naman ni Carla sa podcast, hindi pa umano nagsi-sink in sa kanya na talagang divorced na sila ni Tom.
“Hindi pa. You know why? Because divorce doesn’t exist in the Philippines. Alam naman natin ’yan. Either legal separation lang ’yan or nullity ng marriage,” pagbabahagi ni Carla.
“Dahil ang foreign [concept] nu’ng divorce, wala kasi sa atin, hindi pina-practice dito, parang hindi pa s’ya fully nagsi-sink in.”
“Sa ibang bansa prinoseso, e," dagdag impormasyon niya. "It was processed in the United States, ’di ba, kung saan existing ang divorce. Pero dito kasi hindi,” sey pa n’ya.
Meaning, single na s’yang muli sa Amerika pero hindi pa n’ya sure dito sa Pilipinas.
“Of course, iba ’yong ating legal system dito. So technically… kumbaga, ’yong mind ko fully aware naman na, ‘Yes, divorced, technically. When I go to the United States, divorced ako doon, single ako ulit, I am free.’ ’Yong ganu’n ba,” paliwanag ni Carla.
“Pero parang dito hindi, e. So, I don’t know. Maybe sa akin lang ’yon, sa mind ko lang ’yon.”
At bagama’t malaya na s’ya sa bond ng marriage, mas mararamdaman n’ya daw ito kung fully recognized na ito dito sa bansa.
“Pero kasi iba pa din sa atin pag recognized ng mismong local court natin, ng legal system natin. Iba pa din ’yong, ‘Okey, divorced ka doon pero dito hindi.’ So, hindi pa s’ya nagsi-sink in,” saad ni Carla.
“Although, iba ’yong proseso dito sa Pilipinas. I just recently learned na nire-recognize naman ng Philippine court ’yong divorce decree from the US, may ibang proseso lang for that.
“Siguro mas doon pa s’ya magsi-sink in sa akin pag dito na na-proseso at dito na naasikaso at na-recognize na s’ya ng Philippine court,” pagtatapos ni Carla.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber