Derrick Monasterio, nilaglag ni Willie

Derrick Monasterio and Kelly Day were inseparable on the night of October 23.

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Derrick Monasterio and Kelly Day were inseparable on the night of October 23.

Sa special dinner na inihanda ni Willie Revillame para sa mga kandidata ng Miss Earth 2018 last October 23 ay imbitado rin ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio na minsang ding naging guest co-host ni Willie sa Wowowin. Ginanap ang nasabing dinner sa penthouse event place ni Willie sa Wil Tower sa Quezon City.

 

Sa gitna ng mga kasiyahan ay napansin ng pikapika.ph na tila nakababad si Derrick sa isa sa mga matatangkad na babae roon. Inakala muna naming nakiki-estima lang si Derrick sa kandidatang naroon pero tila buong gabi ay sa iisang babae lang siya naka-pokus.

 

Ang nasabing maganda at matangkad na dalaga pala ay isa sa mga bagong co-hosts ni Willie ngayon sa GMA-7 show niya na si Kelly Day, na tila enjoy naman sa pakikipagtsikahan kay Derrick.

 

Dating member ng GirlTrend si Kelly, ang all-female dance group na regular na napapanood sa It’s Showtime  ng ABS-CBN. At bagama’t nakalipat na siya sa GMA-7 ay patuloy pa ring naikakabit ang pangalan niya sa ex-boyfriend niyang si Iñigo Pascual.

 

Bukod sa pagiging co-host ng Wowowin, voice talent din ngayon si Kelly sa Barangay 143, isang anime television series that is currently airing sa GMA.

 

Derrick got a true-blue Willie Revillame ribbing that night.

 

Nakauwi na ang mga Miss Earth candidates ay naiwan pa rin si Derrick at si Kelly at sumali sa mga naiwan pang bisita. Sa maliit na umpukan na ’yon ay hindi na nakatiis si Willie na tuksu-tuksuhin si Derrick. Napansin din kasi ng TV host na binababaran nang husto ni Derrick si Kelly kahit pa napakaraming magagandang babae itong nakasama that night.

 

Pabirong nilaglag ni Willie si Derrick sa katabi nitong si Kelly at sinabing kamakailan lang ay sinabi nito sa kanyang mahal na nito ang newly-crowned na Miss Manila 2018 na si Kathleen Joy Paton, isang Filipina-Australian. Halos magkada-utal si Derrick kaka-reason out habang tawa naman nang tawa si Kelly sa tabi niya.

 

Here’s the full clip:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.