Dennis Trillo, napakanta na lang matapos mag-positive ang pamilya niya na Covid; “Gamutin na natin ito.”

Ipinaalam ni Dennis Trillo sa pamamagitan ng isang maikling kanta na nag-positive s’ya sa covid maging ang misis n’yang si Jennylyn Mercado at anak nilang si Dylan.

PHOTOS: @dennistrillo on Instagram

Ipinaalam ni Dennis Trillo sa pamamagitan ng isang maikling kanta na nag-positive s’ya sa covid maging ang misis n’yang si Jennylyn Mercado at anak nilang si Dylan.

Hindi raw inakala ni Dennis Trillo na may Covid pa rin hanggang ngayon dahil heto’t nag-positive daw s’ya sa sakit.

Sa latest video na ipinost n’ya sa Instagram, ipinalam ng aktor sa pamamagitan ng kantang “Gamutin na natin ‘to!” na tinamaan s’ya ng respiratory illness.

“COVID is back Guys!” pahayag n’ya sa inilagay n’yang caption.

Sa lyrics naman niya inilahad ang sitwasyon niya ngayon at ng kanyang pamilya.

“Oh ito na nga, tinamaan din ako. Akala ko’y hindi na tatablan nito. Ba’t nag-positive ako? Gamutin na natin ito,” panimulang kanta ni Dennis habang naggigitara.

Kasunod nito ay ang pagkumpirma n’ya na maging ang asawa niyang si Jennylyn Mercado pati na rin ang one-year-old daughter nilang si Dylan ay nagpositibo rin sa sakit.

May bago na ngang uso. Pati na ang misis ko. May covid kaming tatlo,” saad pa ng Kapuso Drama King.

https://www.instagram.com/p/C0s4nZ3r6W1/?hl=en

Tila paraan ito ni Dennis para ipaalam sa publiko na hindi pa rin nawawala ang Covid. Babala ito na kailangan pa rinv mag-ingat lalo na’t uso ang parties and gatherings ngayong Christmas season.

Sa report nga na inilabas ng Department of Health kahapon, December 12, merong 3,813 na active Covid cases sa bansa.

Nagpaabot naman ng well wishes kay Dennis si GMA reporter Nelson Canlas, news anchor Arnold Clavio, at aktor na si Rafael Rosell 

SCREENSHOT: @dennistrillo on Instagram

 Get well soon, Dennis, Jennylyn, and Dylan.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

“What if” in life ni Dennis Trillo, pinagtawanan

​​​​​Jennylyn Mercado sa naka-freeze na embryo nila ni Dennis Trillo: “P’wede pa po ’yon... Anytime na gusto naming magka-baby ulit.”

Dennis Trillo sa pag dating ni Baby Dylan sa buhay nila ni Jennylyn Mercado: “Feeling ko lalo akong nakumpleto.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.