Dennis Trillo, hoping na matuloy na ang pagsasamahan sana nilang project ni John Lloyd Cruz bago nag-pandemya

PHOTOS: @dennistrillo.fp & @crownartistmgmt on Instagram

PHOTOS: @dennistrillo.fp & @crownartistmgmt on Instagram

Looking forward si Dennis Trillo na makatrabaho si John Lloyd Cruz (JLC) ngayong nagbabalik-showbiz na ito at ang pagbabalik na ito ay unang matutunghayan sa GMA Network.

Sa virtual interview sa kanya ni Nelson Canlas na ipinalabas noong June1 sa 24 Oras, ikinuwento n'yang magsasama daw dapat sila ni Lloydie [nickname ni John Lloyd] for the first time sa isang project pero hindi daw ‘yon natuloy dahil sa pandemic.

Hindi s’ya natuloy pero open pa rin ‘yong project na ‘yon,” saad ni Dennis. “Dapat makaka-trabaho ko s’ya ro’n and sobrang hoping ako.

At tila nabuhayan ng pag-asa ang tinguriang “Kapuso Drama King” na matuloy ang naudlot na project nila ni JLC.

Balik-showbiz na kasi si John Lloyd after an almost five-year hiatus at una s’yang mapapanood bilang special guest ni Willie Revillame sa 6-6 Shopee Super Mega Fiesta Special sa June 6 na naka-live broadcast naman sa Kapuso network.

Bukod pa rito, may bali-balita rin magkakaroon daw ng sitcom si John Lloyd katambal si Andrea Torres, na isa naman sa leading ladies ni Dennis sa upcoming cultural drama series na Legal Wives.

Pag nagkataon ay magtatagisan ng galing ang dalawa na kapwa kilala bilang mga consumate actors.

Sa ngayon ay kina-career ni Dennis ang pagganap sa kanyang character si Ishmael Macadato na isa daw sa pinaka-challenging na roles na ginampanan n’ya. 

Sa k’wento kasi ng nasabing TV series, isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranao si Ishmael na nakakapag-asawa ng tatlong babae, sina Amirah Alonto [Alice Dixson], Diane San Luis [Andrea Torres], at Farrah Balindong [Bianca Umali].

Grabe ‘yong stress na dinala sa kanya nu’ng sitwasyon na ‘yon,” lahad pa ni Dennis tungkol sa kanyang character. “At bumilib din ako, nu’ng binabasa ko ‘yong script, du’n sa character, kung papa’no n’ya nakayanan at nalagpasan ‘yong mga pagsubok na pinagdaanan n’ya.

At dahil medyo sensitibo ang tema ng palabas, inaral daw nila ang kani-kanilang character at ang kultura ng mga Maranaw para magampanan nila nang maayos ang mga ito. 

Siniguro rin daw ng kanilang produksyon na tama ang bawat detalye sa kanilang mga costumes. 

Napakaimportante kasi nu’ng look ng character para maniwala sila [viewers] doon sa character,”paliwanag ni Dennis kay Nelson.

Kapag hindi ka masyadong nag-effort du’n sa look mo, kapagka isang plain lang na Dennis Trillo tapos parang ‘yon lang ‘yong mapapanood nila na dinamitan mo lang ng ibang costume, parang kulang ‘yong ganu’n, e,” pagtatapos n’ya. 

Mapapanood ang Legal Wives simula June 21 sa GMA Telebabad.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: #DenJen couple (Dennis Trillo & Jennylyn Mercado) celebrate seven “strong” years of relationship

Pika’s Pick: New look ni John Lloyd Cruz, ikinatuwa ng kanyang mga fans

Bianca Umali, thankful na tawaging “Epik-serye Princess” ng Netizens

Pika’s Pick: Maja Salvador’s Crown Artist Management Inc. announces John Lloyd Cruz’s new and legit Facebook and Instagram accounts

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.