June 2021 nang magkatampuhang muli ang mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto na nag-ugat sa interview ni Dennis with comedian/vlogger na si Ogie Diaz.
Bukod sa pagsasaad niya doon ng paghahanap ng kalinga mula sa mga anak noong panahong nagdelikado ang buhay niya dahil sa Covid-19 ay naungkat ding muli ang naging sama ng loob niya noong araw sa anak na si Julia nang mabalitang ninanis umano nitong papalitan ang apelyido nito—from Baldivia to Barretto—sa mga legal documents nito.
Pero napag-alaman later on na hindi naman ito itinuloy ni Julia at Baldivia, na siyang legal last name ni Dennis, pa rin ang gamit nito up to now.
Naging tahimik naman ang magkabilang panig pagkatapos noon.
At sa nakaraang online press conference ng Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo 2 Aussie! Aussie! O Sige! (SSS2), nabanggit ni Dennis na okay naman daw silang mag-aama sa ngayon. Nakumusta kasi namin ang estado ng relasyon niya ngayon sa mga anak niya kay Marjorie Barretto.
Hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita-kita noong Kapaskuhan, pero nagpa-plano ito na ngayong January na sila magkikita-kita ng mga anak na sina Julia, Claudia at Leon.
Ayon kay Dennis, “Well, ano lang, tawagan lang, video call, batian lang. Kami nila Julia, after New Year na kami magdi-dinner kasi, they’re so busy rin at may mga business pa sila on the side.
“E, I’m busy rin dahil I’m campaigning ngayong November, December. So, sabi ko, after the Christmas season, ngayong January.”
(Dennis is running as a councilor in Caloocan City’s second district, kung saan dati na siyang nagsilbi in similar position in 1998 to 2007.)
At gusto rin daw niya na bago niya i-meet ang mga anak niya, mag-isolate muna siya ng isang araw at mag-swab test para raw siguradong safe silang lahat.
Ani Dennis, ang relasyon niya ngayon kina Julia ay made-describe niya as starting over again.
“Okay naman, although s’yempre, para kaming nagsisimulang muli,” very honest na lahad niya.
“Galing kami sa misunderstanding. So, ngayon, nagsisimula pa lang kami ulit.
“One at a time...building it up again. Kailangan lang talaga na open ang communication. Para lahat ng nararamdaman mo, nasasabi mo na kaagad, hindi na napupuno. So, gano’n din sa side nila.
”Kailangan lang ’yong communication n’yo, tuloy-tuloy para meron kayong magandang pag-uusapan, merong magandang kapupuntahan ’yong mga topics n’yo.”
At dahil sa balitang-balita ngayon na “pagwo-walk out” ni Janno Gibbs sa virtual press conference ng SSS2 dahil tila dinamdam nito ang biruan kung saan nabanggit ang asawa nitong si Bing Loyzaga, natanong din si Dennis kung dumarating din ba siya sa puntong nagiging sensitibo kapag napag-uusapan o nagagawang biruan ang mga past relationships niya.
“Actually, through the years, kapag dinaanan mo na ang pain...Galing ka sa separation, pain, ano na e, parang you can talk about it lightly. Light na lang ang pagsasalita mo, pagtanggap mo...” lahad ni Dennis.
“Mas seryoso ka na kapag ang topic, tungkol sa mga anak. Pero kapag tungkol sa past love, mga na-link sa’yo, parang tinatawanan mo na lang ngayon ’yon.
“Mas seryoso ka kapag ang pinag-uusapan, tungkol sa children.”
Bukod nga sa tatakbong konsehal sa Caloocan, active na active at present ang career ni Dennis Padilla sa Viva. In fact, streaming nang kasalukuyan sa Vivamax ang second installment ng hit 2019 movie nilang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo—ang Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo 2 Aussie! Aussie! O Sige!.
Bukod kina Janno Gibbs at Andrew E., kasama din nila sa pelikula sina Juliana Parizcova, Pepe Herrera, Rose van Ginkel, at nga baguhang sexy actresses na sina Ali Forbes, Stephanie Raz, Angela Morena.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber