Dennis Padilla, may tagubilin kay Gerald Anderson

PHOTOS: @dennisastig & @juliabarretto on Instagram

PHOTOS: @dennisastig & @juliabarretto on Instagram

Tanggap daw ng komedyanteng si Dennis Padilla si Gerald Anderson bilang nobyo ng anak n’yang si Julia Barretto kahit hindi pa daw pormal na ipinakikilala sa kanya ang nobyo.

Sinabi ito ni Dennis sa virtual interview sa kanya ni MJ Marfori na ipinalabas sa news program na Frontline Pilipinas last April 13.

Kinumusta kasi ng TV5 reporter ang 59-year-old comedian-TV host sa kalagayan nito matapos magka-COVID noong nakaraang buwan. 

Sey ni Dennis, nangulila daw s’ya sa kanyang pamilya habang naka-quarantine at nakikipaglaban sa COVID-19 nang mag-isa. 

Hanggang sa napasok nga sa usapan ang anak n’yang si Julia na lagi daw n’ya kausap sa phone noong kasagsagan ng kanyang pagkakasakit. 

Dito na naging sentro ng topic ang aktres at ang nobyo nito na si Gerald. 

Pag-amin ni Dennis, until now ay hindi pa ipinakikilala ni Julia sa kanya ang aktor bilang nobyo nito. Wala naman daw problema ‘yon sa kanya. Basta daw masaya ang anak n’ya ay happy na din s’ya.

Sa kanya naman ‘yon, e, kung masaya naman s’ya sa magiging buhay n’ya,” lahad pa ng celebrity dad. “Basta kung saan s’ya masaya e, doon ako masaya. Ang importante lang sa akin ‘wag lang sasaktan ang anak ko.

Matatandaan na simulang lumabas ang balitang nagkakamabutihan sina Gerald at Julia nang magtambal sila sa pelikulang “Between Maybes” noong 2019. 

Kahit tikom ang bibig ng dalawa sa estado ng kanilang relasyon ay inulan sila ng kontrobersya. That time daw kasi ay in a relationship pa si Gerald sa aktres na si Bea Alonzo habang kaka-break lang ni Julia sa dati nitong nobyo at ka-love team na si Joshua Garcia

Last March 5 naman nang aminin ni Gerald ang relasyon nila ni Julia sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto, gustong magkaroon ng apat hanggang limang anak

Gerald Anderson finally admits relationship with Julia Barretto, describes relationship with Bea Alonzo as ‘toxic’

Pika's Pick: Dennis Padilla posts a throwback graduation photo of daughter Julia Barretto

Bea Alonzo spills more details on break-up with Gerald Anderson, admits casually dating Dominic Roque

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.