Demi Moore, na-rape at 15 at pinuwersa daw makipag-threesome ni Ashton Kutcher?

Sa libro ng 56-year old actress na si Demi Moore, she opened up about her substance abuse and alcohol issues, rehab experiences, her marriage problems, and her mother's multiple suicide attempts.

Photos: @demimoore

Sa libro ng 56-year old actress na si Demi Moore, she opened up about her substance abuse and alcohol issues, rehab experiences, her marriage problems, and her mother's multiple suicide attempts.

Marami ang nagulat sa mga pasabog ng Hollywood actress na si Demi Moore sa nilabas nitong libro titled "Inside Out".

Nilalaman ng kanyang tell-all memoir ay mga experiences niya sa buhay at sana raw ay kapulutan ito ng aral ng ibang tao, lalo na sa mga babaeng dumanas din ng mga pinagdaanan niya.

Sa libro ng 56-year old actress, she opened up about her substance abuse and alcohol issues, rehab experiences, her marriage problems, and her mother's multiple suicide attempts.

"At age 12, I remember using my fingers, the small fingers of a child, to dig the pills my mother had tried to swallow out of her mouth," kuwento ni Demi sa Good Morning America.

Alcoholic ang ina ni Demi who passed away in 1998. Kinuwento ng aktres na dinadala raw siya ng kanyang ina sa mga bars noong teenager siya. Dito na raw naganap ang paggahasa kay Demi sa edad na 15.

Pakiramdam ni Demi ay binenta ng kanyang ina ang kanyang puri sa halagang $500.

“It was rape. And a devastating betrayal, revealed by the man’s cruel question: 'How does it feel to be whored by your mother for $500?'

"I think, in my deep heart no. I don’t think it was a straightforward transaction. But she still did give him the access, and put me in harm’s way.”

Kasama rin sa book's revelation ay ang naging dahilan kung bakit sila nag-divorce ng aktor na si Ashton Kutcher. 

Ayon kay Demi, twice daw niyang nahuling nambabae si Ashton. Ang names pa ng mga babaeng ito ay Brittney Jones at Sara Leal. 

Nakilala raw ni Ashton si Brittney sa birthday party ng anak ni Demi na si Rumer sa isang bowling alley in Los Angeles. Si Sara naman daw ay nalaman niya dahil na-Google Alert sa name ni Ashton. 

“He admitted it right away and I think my response was, ‘Are you f**king kidding me?’ That was it. And I think I could barely take a breath," sey ni Demi.

Pinuwersa rin daw ni Ashton si Demi na mag-threesome sex ito kasama ang dalawang babae.

Inamin ni Demi na pumayag siya sa hiling ni Ashton para masabi na isa siyang "cool wife". Pero pinagsisihan daw niya ang ginagawa niyang ito.

"I wanted to show him how great and fun I could be. Because we had brought a third party into our relationship, Ashton said, that blurred the lines and, to some extent, justified what he'd done."

Kinasal sina Demi at Ashton noong 2005 after two years of dating. 15 years ang age gap nila. Naghiwalay sila noong 2011 at na-finalize ang divorce nila in 2013.

Hindi nga nagkaroon ng sariling anak sina Demi at Ashton dahil nagka-miscarriage si Demi at six months.

“I lost me. I think the thing if I were to look back, I would say I blinded myself and I lost myself. You could see a combination of his dread. And it shifting then immediately into matter-of-fact, practical information — because it was unquestionable, because there was no heartbeat. I really lost sight of everything that was in front of me, which is the family I had."

Bago kinasal si Demi kay Ashton, she was married for 13 years sa aktor na si Bruce Willis kung kanino may tatlo siyang anak na babae na sina Rumer, Tallulah and Scout. Demi was also married to singer Freddy Moore from 1980 to 1985.

In the book, Demi also admitted that she cheated on her first husband, Freddy, one night before their wedding.

“The night before we got married, instead of working on my vows, I was calling a guy I’d met on a movie set. I snuck out of my own bachelorette party and went to his apartment. Why did I do that? Why didn’t I go and see the man I was committing to spend the rest of my life with to express my doubts? Because I couldn’t face the fact that I was getting married to distract myself from grieving the death of my father. Because I felt there was no room to question what I’d already put in motion. I couldn’t get out of the marriage, but I could sabotage it.”

Nakilala si Demi dahil naging part ito ng '80s Hollywood Brat Pack na kinabibilangan din nila Emilio Estevez, Anthony Michael Hall, Rob Lowe, Andrew McCarthy, Judd Nelson, Molly Ringwald, and Ally Sheedy. Lumabas si Demi sa mga '80s films na St. Elmo's Fire, About Last Night, Blame It On Rio, No Small Affair, The Seventh Sign, One Crazy Summer, Wisdom, and We're No Angels. 

Nagbida si Demi sa highest-grossing film of 1990 na Ghost kasama sina Whoopi Goldberg, Tony Goldwyn and the late Patrick Swayze. 

Ginawa rin niya ang mga critically-acclaimed films na A Few Good Men, Indecent Proposal and Disclosure.

Demi became the highest-paid Hollywood actress in 1996 ($12.5 million) to star in Striptease. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Megan Fox, na-trauma daw sa pagha-hypersexualize sa kanya ng Hollywood

Jennifer Lawrence at Cooke Maroney, kasal na?

Justin Bieber, pinatino ng asawang si Hailey Baldwin

Kendall Jenner, Bella Hadid atbp, dawit sa demanda ng pumalpak na music fest sa Bahamas

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.