Humakot ng pitong awards ang pelikulang Deleter sa naganap na 48th Metro Manila Film Festival Gabi Ng Parangal kagabi, December 27, sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao in Quezon City.
Ang naturang techno-horror na official entry ng Viva Films sa 2022 MMFF ang nag-uwi ng Best Picture, Best Director for Mikhail Red, Best Cinematography, Best Sound, Best Visual Effects, Best Editing at Best Actress para kay Nadine Lustre.
Bukod sa Best Actress award, nanalo rin si Nadine bilang Star of the Night. Suot ng aktres ay isang figure-hugging corseted caramel tone long gown with draped off-shoulder detail na gawa ng designer na si Mara Chua. Sa pagitan ng mga mata ay naka-spell ang title ng pelikula niya in tiny gold letters na ginawa ng kanyang make-up artist na si Jelly Eugenio.
Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan ni Nadine ang kanyang pamilya, mga kaibigan, ang Viva, at ang boyfriend na si Chris Bariou sa suporta na binigay sa kanya at sa kanyang career. Hindi raw kasi inaasahan ni Nadine na makakasama sa MMFF sa taong ito ang kanilang pelikula.
Ang suspense-thriller film na Nanahimik Ang Gabi ay nag-uwi naman ng limang awards: 3rd Best Picture, Best Production Design, Best Musical Score, Best Supporting Actor for Mon Confiado and Best Actor para kay Ian Veneracion.
Sa acceptance speech ni Ian, ito raw ang kauna-unahang best actor award niya sa 40 years niya bilang isang artista. Nagsimula kasing child actor si Ian sa 1982 TV sitcom ng RPN 9 na Joey & Son with Joey de Leon.
Si Mon naman ay ginulat ni Ian nang bigla siyang halikan nito sa pisngi habang nagpapasalamat sa entablado. Dedicated ni Mon ang kanyang tropeo sa lahat ng character actors na nangangarap na manalo ng acting award balang-araw.
Si Dimples Romana ang nanalong Best Supporting Actress para sa pelikulang My Father, Myself na nauwi rin ang awards for Best Child Performer para kay Shawn Niño Gabriel at Best Float.
Ang true-to-life action-drama film na Mamasapano: Now It Can Be Told ay nag-uwi ng apat na awards: 2nd Best Picture, Best Screenplay, Best Original Theme Song ("Ang Aking Mahal") at ang special award na FPJ Memorial Award.
Nakuha ng comedy na My Teacher ang Gender Sensitivity Award, samantalang ang family drama na Family Matters ay nauwi ang Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.
Ang Star For All Seasons na si Ms. Vilma Santos-Recto ay ginawaran ng Marichu Vera Perez Maceda Memorial Award. Sa kanyang emotional na acceptance speech, tinuring na pangalawang ina ni Ate Vi sa Manay Ichu na siyang nag-gabay sa kanya noong nagsisimula pa lang siya bilang artista.
Hangad din daw ni Ate Vi na muling makagawa ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival dahil na-miss daw niya ang gumawa ng pelikula.
May temang "Balik Saya" ang 2022 MMFF dahil sa muling pagbuhay ng saya ng mga moviegoers sa pagpanood sa mga sinehan pagkatapos ng dalawang taong pandemya.
Ang naging hosts ng Gabi Ng Parangal ay sina Giselle Sanchez, Cindy Miranda, at BB Gandanghari.
Heto ang complete list of winners:
Best Float
My Father, Myself
Best Child Performer
Shawn Niño Gabriel, My Father, Myself
Best Sound
Deleter
Best Musical Score
Greg Rodriguez III, Nanahimik Ang Gabi
Best Original Theme Song
"Ang Aking Mahal" from Mamasapano: Now It Can Be Told (written by Atty. Ferdie Topacio and Cristy Fermin)
Best Visual Effects
Gaspar Mangalin, Deleter
Best Production Design
Mariel Hizon, Nanahimik Ang Gabi
Best Editing
Nikolas Red, Deleter
Best Cinematography
Ian Guevarra, Deleter
Gender Sensitivity Award
My Teacher
Stars of the Night
Ian Veneracion and Nadine Lustre
Marichu Vera Perez Maceda Memorial Award
Vilma Santos
Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award
Family Matters
FPJ Memorial Award
Mamasapano: Now It Can Be Told
Best Screenplay
Eric Ramos, Mamasapano: Now It Can Be Told
Best Supporting Actress
Dimples Romana, My Father, Myself
Best Supporting Actor
Mon Confiado, Nanahimik Ang Gabi
Best Director
Mikhail Red, Deleter
Best Actor
Ian Veneracion, Nanahimik Ang Gabi
Best Actress
Nadine Lustre, Deleter
3rd Best Picture
Shugo Praico’s Nanahimik Ang Gabi
2nd Best Picture
Lester Dimaranan's Mamasapano: Now It Can Be Told’
Best Picture
Mikhail Red’s Deleter
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber