David Licauco, aminadong seloso; kung si Jak Roberto may JRU, meron naman daw siyang DLSU

Inamin ni David Licauco na siya ’yong tipo ng boyfriend na seloso pero sinasarili lang daw ito kapag nakakaramdam n’ya. Hindi rin daw s’ya ’yong klase ng lalaking ginaguwardiyahan ang pagsusuot ng mga nobya nila nang masyadong sexy.

PHOTOS: GMA Network on YouTube

Inamin ni David Licauco na siya ’yong tipo ng boyfriend na seloso pero sinasarili lang daw ito kapag nakakaramdam n’ya. Hindi rin daw s’ya ’yong klase ng lalaking ginaguwardiyahan ang pagsusuot ng mga nobya nila nang masyadong sexy.

Naiintindihan daw ng actor-entrepreneur na si David Licauco ang nararamdaman ng mga fans na patuloy na nagshi-ship sa kanila ng on-screen partner niyang si Barbie Forteza.

Ito ay sa kabila ng fact na in a steady relationship na ang aktres sa real life boyfriend nitong si Jak Roberto.

Ako, personally, I think kailangan muna nating intindihin. In a fans’ perspective kasi humahanga sila sa amin, e,” lahad n’ya nang mahingi ni Boy Abunda ang reaksyon n’ya tungkol dito kahapon, August 29.

Sumalang kasi s’ya sa programa nitong Fast Talk With Boy Abunda kaya s’ya natanong about it.

“Because of Maria Clara at Ibarra, nagustuhan nila ’yon [team up namin] which is why gusto nilang ‘kami’ in real life,” pagpapatuloy ng aktor.

“Although may mga hates, we try our best to understand that kasi meron din naman silang feelings. Kasi for them, pag nakita nilang kasama [ni Barbie] si Jak and all that, nahu-hurt sila and kailangan namin ’yon intindihin,” dagdag pa n’ya.

At gaya ng nasabi n’ya sa previous interviews, inulit n’yang magkaibigan sila ni Jak at nag-uusap sila sa tuwing sila ay nagkikita.

Ang aktor din daw ang topic nila ni Barbie minsan kapag nagbo-bonding sila sa set ng bago nilang teleserye.

Partikular na nga raw dito ang pagte-trending ni Jak kamakailan dahil pagiging cool lang at hindi seloso sa love team nila ni girlfriend nito.

Matatandaang tinawag pa nga ito ng mga fans bilang professor at ginawan ng meme na JRU o Jak Roberto University na nag-o-offer daw ng “anti-silos” course. 

Kung si Jak ay may JRU, natanong ni Tito Boy si David kung may itatapat ba s’ya rito.

Sa akin, DLSU,” natatawang sagot n’ya. “David Licauco Seloso University. Hahaha!”

Aminado kasing seloso ang aktor na kabaliktaran ni Jak.

Palagay ko maraming mag-e-enroll d’yan,” natatawang komento ng King of Talk sa sinabi n’ya. 

Palagay ko rin, Tito Boy,” sakay naman ng chinito heartthrob. 

Nauisa pa s’ya ng TV host kung gaano ba s’ya katindi magselos bilang isang boyfriend.

Siguro, depende sa context or situation. S’yempre, kung lalabas naman talaga ’yong girlfriend mo with her friends, kailangan mong intindihin ’yon. Okey lang ’yon,” paliwanag n’ya.

Mararamdaman naman daw kasi n’ya kung hindi safe ang girlfriend sakaling may kasama itong guy friends. 

Pero minsan kasi may mga guys na iba ’yong pakay. I mean, as a guy, alam ko ano ’yong lalaking p’wede mong pagkatiwalaan at hindi mo pagkatiwalaan,” he added.

Natanong pa s’ya kung s’ya ’yong tipo ng nobyong nakikialam sa isusuot ng kanyang girlfriend. May mga lalaki kasing ginaguwardiyahan ang pagsusuot ng mga nobya nila ng masyadong sexy.

“Ay, hindi rin. No,” he answered.

Ang pagkaseloso naman daw kasi n’ya ay laging sinasarili lang umano n’ya.

Seloso ako in a way pero I don’t really say it na parang, ‘Uy, nagseselos ako.’ S’yempre, hindi naman maganda,” paliwanag n’ya.

S’yempre, meron din s’yang sariling buhay, may sarili akong buhay. Sa sarili ko lang, I just keep it to myself,” pagtatapos n’ya.

Samantala, bibida si David katambal si Barbie Forteza sa special limited Kapuso series na Maging Sino Ka Man na TV adaptation ng romantic comedy action movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla noong 1991.

Ookupahin ng Maging Sino Ka Man ang primetime slot ng Voltes V: Legacy sa GMA Telebabad na magwawakas this September 8. Magsisimula naman ang BarDa [Barbie and David] teleserye sa September 11.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

David Licauco, napaaming naisip niya kung what if naging sila nga ni Barbie Forteza in real life

David Licauco, itinurong dahilan ang showbiz sa hiwalayan nila ng kanyang non-showbiz girlfriend

David Licauco, worried sa mga kapilyuhan noon na p'wedeng mahalukay ng fans sa social media

David Licauco, masayang hindi na siya nasasabihang "bano" umarte at "maghubad ka nalang."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.