Dating Viva Hot Babe na si Rachel Villanueva, tinanggihan ang alok na mag-balik showbiz dahil hands-on sa kanyang mga negosyo

Expansion ang target ni former Viva Hot babe Rachel Villanueva sa kanyang beauty business at dahil demanding din ito sa oras kaya hindi na raw kakayanin ni Rachel na magbalik-showbiz kahit na may mga offers sa kanya ang Viva lately. “Recently may mga offers... kung kailan ako tumanda, di ba?” natatawang k’wento niya. “May mga lock-in tapings, e. Hindi na talaga. Mas ano na ako sa mga kids ko.” Right Photo: Rachel (center) with another Viva Hot Babe member-turned entrepreneur Ella V (left) and Rachel’s business partner, Dexter Co of Autoflare.

Photos: @rachelannvillanueva

Expansion ang target ni former Viva Hot babe Rachel Villanueva sa kanyang beauty business at dahil demanding din ito sa oras kaya hindi na raw kakayanin ni Rachel na magbalik-showbiz kahit na may mga offers sa kanya ang Viva lately. “Recently may mga offers... kung kailan ako tumanda, di ba?” natatawang k’wento niya. “May mga lock-in tapings, e. Hindi na talaga. Mas ano na ako sa mga kids ko.” Right Photo: Rachel (center) with another Viva Hot Babe member-turned entrepreneur Ella V (left) and Rachel’s business partner, Dexter Co of Autoflare.

Isa nang successful entrepreneur ang dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Rachel Villanueva na kabilang sa Batch 3, kung saan kasabayan niya sina Zara Lopez, Maricar dela Fuente, Briana Bianco, Sophie Garrucho, at iba pa.

Si Rachel ang owner at CEO ng Estetika Wellness and Beauty Clinic at kasosyo na rin siya sa Autoflare, distributor ng mga high-end cars, na parehong matatagpuan sa Spectrum District, Filinvest City, Festival Mall Alabang.

Sabay niyang ini-launch ang mga businesses niya noong Linggo, July 3. At kasama niyang humarap sa media ang business partner niyang si Dexter Co at ang dating ring Viva Hot Babe na si Ella V, na distributor naman sa bansa ng produktong Esthemax Europa Hydrating Jelly mask.

Sa panayam kay Rachel ng ilang miyembro ng media at vloggers, kabilang ang pikapika.ph, napa-throwback s’yempre ang lahat sa kanyang Viva Hot Babes days.

Aniya, naka-isang taon lang daw siya noon sa grupo dahil nagagalit ang tatay niyang may construction business sa ginagawa niyang pagpapa-sexy.

Hinding-hindi raw malilimutan ni Rachel kung paano ibinato sa kanya ng ama ang kopya ng isang men’s magazine, kung saan may larawan siyang naka-bra’ at panty lang. Tumama umano sa mukha niya ang magazine.

“That’s the reason why ’di ako lumalabas sa mga movies ng Hot Babes.”

Dahil doon, nagdesisyon siyang kumalas nalang sa grupo.

Pero bukod pa doon...

“And na-in love. Hahaha!” pag-amin niya.

“After that, I’m with my father so nandu’n lang po ako sa kanya. He supported me, ganu’n. Alam n’yo na, parang bum. Sobrang bait ng daddy ko po. Sadly, he passed away already. But he really loved me so much. Lahat ng failures ko in life, my dad was always there for me.”

Hindi natapos ng ex-Viva Hot Babe ang pag-aaral niya dahil nabuntis siya ng boyfriend niya noon. At dahil sa pangarap na maging businesswoman, kumuha siya ng crash course ng Business Administration sa Ateneo de Manila School of Business.

“I wasn’t able to finish college, kasi nga po nag-artista nga po. So, nu’ng ano, sabi ko, in the future I want to do business, e. So, I have to study, ’di ba? So, I took up that course in Ateneo.

Kahit may construction business ang tatay ni Rachel at sinabihan siyang patakbuhin ito, hindi naman ito ang type na business ng dating Viva Hot Babes.

Ang hilig niya kasi ay magbenta-benta ng kung anu-ano. Kaya nang kunin siya sa Autoflare para magbenta ng mga high-end cars ay tinanggap niya ang hamon. Pakiramdam niya ay nasa high-end cars ang kanyang suwerte. Doon, pawang mga kilalang negosyante ang kliyente niya.

“I was able to sell 30 units in three months,” balik-alaala ni Rachel na may halong pagmamalaki. “Minarketplace ko lang ’yon, ubos lahat. Kaya I’m so happy,”

At sa tuwa ng kasosyo niyang si Dexter ay ginawa siyang ka-partner sa Autoflare.

At dahil sa kinita sa nabentang 30 luxury cars ay naipatayo naman ni Rachel ang Estetika Wellness and Beauty Clinic. Pinag-combo niya, so to speak, ang dalawang negosyong ito.

“Ang nangyari, this showroom is from Botanica Residences. Nakatayo na siya. ’Pag nagnenegosyo ka, kailangan less cost, tama? When I saw the place, may mga model unit sa likod. Tama ba?

“Sayang ’yung space, hindi mapapakinabangan, tinayo ko ang Estetika. ’Yun naman po talagang hilig ko talaga.

“Mahilig akong [mag]-kikay-kikay. Ang Estetika, na-delay lang siya nang konti. Kasi, s’yempre, ako po kasi very hands on ako. Talagang down to the last detail, hanggang mga bato-bato ng kuko, ako po talaga ang bumibili lahat para po maganda po ang quality kasi Class A ang target market ko so dapat… okay naman, we’re doing good.”

In the future plano rin ni Rachel na magtayo ng branch ng Estetika Wellness and Beauty Clinic sa Quezon City para naman sa mga kliyenteng hindi makakadayo sa Alabang.

At dahil demanding din sa oras ang kanyang mga business, hindi na raw kakayanin ni Rachel na magbalik-showbiz kahit na may mga offers sa kanya ang Viva lately.

“Recently may mga offers... kung kailan ako tumanda, di ba?” natatawang k’wento niya. “May mga lock-in tapings, e. Hindi na talaga. Mas ano na ako sa mga kids ko.

“At mag-e-expand pa ’yan (Estetika), e. Magdadagdag pa ako ng Thermage. Tapos in the future magse-surgery na rin ako.”

Pero kahit malayo na ang narating ni Rachel ay forever grateful daw siya kay Boss Vid del Rosario ng Viva.

“Because of the exposure, I wouldn’t be where I am right now if not for them, Viva Hot Babes,” pahayag ng dating miyembro ng grupo na successful negosyante na ngayon.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.