Dating Senator Jinggoy Estrada, “inaresto” dahil sa pamimigay ng bangus?

“Huwag ako ang tutukan mo...hind po ako ang kalaban mo...ang kalaban natin, hindi natin nakikita. Iisa lang ang kalaban natin, ’yong virus.”—Estrada to Zamora   “Sumunod tayo sa batas, sumunod tayo sa patakaran lalong-lalo na’t dati siyang senador, dati siyang mambabatas, dapat siya po ang unang sumunod sa batas.”—Zamora to Estrada

Photos: Screengrab from Jeorge Corpus YouTube channel

“Huwag ako ang tutukan mo...hind po ako ang kalaban mo...ang kalaban natin, hindi natin nakikita. Iisa lang ang kalaban natin, ’yong virus.”—Estrada to Zamora “Sumunod tayo sa batas, sumunod tayo sa patakaran lalong-lalo na’t dati siyang senador, dati siyang mambabatas, dapat siya po ang unang sumunod sa batas.”—Zamora to Estrada

Kaninang hapon, May 3, habang namimigay ng relief goods in the form of fresh bangus mula umano sa Iba, Zambalez, si dating senador Jinggoy Estrada sa mga residente ng Barangay Salapan sa San Juan City, ay biglaang ipinatigil ng mga miyembro ng kapulisan—sa pangunguna reportedly ni San Juan Police Chief Jaime Santos —ang nasabing relief operations at kanilang inimbitahan ang dating pulitiko sa kanilang police station for interrogation.

Umano ay nilabag ng dating senador ang ilang ECQ protocols kabilang ang social distancing at proper handling of food. 

Ang nasabing pangyayari ay buong nakuhanan ng video ng isang nagngangalang Jeorge Corpus na kanyang ipinost sa YouTube.

 

 

Hindi naman tumanggi o nagmatigas ang dating senador at mahinahon itong sumama sa paimbita sa kanya sa police station. Kung saan matapos ang interrogation ay agad din siyang nagpa-unlak ng interview sa mga mediamen ng iba’t ibang news agency para linawin ang ilang bagay. Ang buong impromptu Q and A ay buong ipinost naman ng panganay na anak ni dating senador Jinggoy na si Janella sa kanyang Facebook page. (Incidentally, Janella is the former Vice Mayor of San Juan City).

Isa sa mga unang pinasinungalingan ng dating senador ang umano ay pagkukumpulan ng mga tao sa kanyang mga relief distribution. Ang mga videos at photos umano na nakarating sa mga pulis ay umano kuha sa kanyang relief distibutions at ang unang patunay raw ay ang pagkawala niya sa mga nasabing footage. 

Deretsahan din niyang pinaratangan ang kasalukuyang mayor ng San Juan na si Mayor Francis Zamora ng umano’y namumulitika.

“Unfortunately, this is all about politics,” tahasang sabi ni former senator Jinggoy sa mga kaharap na mediamen. “I think Mayor Zamora earlier held an interview or gave an interview in various networks and allegedly he told the media, that I was distributing bangus together with money...I deny it. Nagdi-distribute lang ako ng bangus. Wala po akong perang binibigay. Sinasabi niya meron daw akong perang pinamimigay...Assuming...assuming na totoo ang sinasabi niya, I think there’s nothing wrong with that. People are hungry, people have no work...he should understand that.”

Inalmahan din ni Estrada ang paratang na hindi na naman umano siya humingi ng permit sa local government unit para magsagawa ng kanyang relief drive. Aniya, hindi naman umano siya makakakuha ng fair share under the Zamora administration.

“Ang hinihingi niya sa akin, permit na naman...there are a lot of civic organizations, non-government organizations, private citizens, civilians like me who are distributing or donating relief goods here in the city of San Juan without any permit...why are they singling me out? Just because I’m an Estrada? Bawal na po ba kaming tumulong sa San Juan?”

Hindi umano first time siyang ginipit ng incumbent San Juan mayor sa mga efforts niyang tumulong. Inihalimbawa niya ang rolling stores initiatives nila ang anak na si Janella noong mid-April. Umano ay nakatanggap agad siya ng tawag mula sa mga kapitan ng barangay na may directive umano si Mayor Zamora na huwag suportahan ang kanilang rolling stores na may mas murang presyo kumpara sa mga regular vendors.

Sa mga panayam naman noon kay Zamora, sinabi nitong hindi maituturing na charity ang rolling stores ng mga Estrada dahil may money transactions involved at hindi naman umano libre.

Samantala, wala naman umanong charges na ipinataw ang San Juan pulis sa dating senador. Bagkus ay winarningan lamang siya. Hindi raw niya sinisi ang mga pulis, bagama’t nananatili ang stand niya na wala umano siyang nilabag na ECQ regulations dahil maayos at ma-disiplina umano lagi ang kanilang mga operasyon. 

Sa huli, nag-iwan si former senator Estrada ng mensahe kay Mayor Zamora: “Huwag ako ang tutukan mo...hindi po ako ang kalaban mo...ang kalaban natin, hindi natin nakikita. Iisa lang ang kalaban natin, ’yong virus.”

 

 

Full interview of CitiSen Jee

Posted by Janella Ejercito Estrada on Sunday, May 3, 2020

 

Sa panayam naman ng TV Patrol kay Mayor Francis Zamora via phone patch, sinabi nitong initiative umano ng mga pulis ang nasabing pagpapatigil ng relief operations ng dating senador dahil umano walang permit .

“Alam n’yo kanina, nakatanggap ako ng tawag na ang NCRPO (National Capitol Region Police Office) ay gumalaw dito sa lungsod ng San Juan sapagkat itong si dating senador Jinggoy Estrada ay ilang araw na pong nag-ikot dito sa lungsod ng San Juan na walang authority kasi...sapagkat kasi tayo ay nasa enhanced community quarantine, kinakailangan niyan under DILG regulations, under IATF directive, and under PNP laws, kinakailangan ikaw ay merong authority or permit outside residence. So, unang-una, wala siya niyan. So, wala siyang dahilan para mag-ikot-ikot sa mga barangay. Pangalawa, kung gusto niyang tumulong sa ating mga mamamayan, ayon din DILG, any organization or any person who would like to conduct any relief operation ay kinakailangang kumuha po ng certification sa local government unit para siguraduhin na merong social distancing, para siguraduhin na hindi nagkakagulo...iyan po ang mga bagay na palagay ko ay nilabag niya at yan po ang dahilan siguro kung bakit inaresto po siya ng PNP...”

Wala umano siyang kinalaman sa pagkaka-aresto kay Estrada dahil may sarili naman umanong monitoring team ang DILG at IATF at hindi na rin daw lingid sa mga ito ang ginagawang pag-iikot ni Estrada sa San Juan na labag, hindi lamang sa mga patakaran ng San Juan kundi ng national government mismo.

Ani pa Mayor Zamora, wala naman daw problema kung magko-coordinate sa LGU ng San Juan ang dating senador. He cited na agad niyang in-aprubahan ang libreng-botika project ng anak nitong si Janella na nag-apply umano ng certification noong April 29. 

“Walang dahilan para hindi ma-approve. Iyan naman ay tulong para sa tao. Hindi naman natin sila pinipigilan” paglilinaw niya. Bagama’t dagdag niya: “Pero tandaan po natin, ang national government, ang DILG, ang IATF, meron pong national directives yan base dito sa enhanced community quarantine. Hindi po biro ang panahon ngayon, Hindi naman po tayo nasa normal operations kumbaga...The entire country is trying its best to bring down the number of positive patients.”

Sa huli, nagbigay din ng mensahe ang mayor para sa dating senador: “Kinakailangan, sumunod tayo sa batas, sumunod tayo sa patakaran lalong-lalo na’t dati siyang senador, dati siyang mambabatas, dapat siya po ang unang sumunod sa batas.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.