Dating child wonder na si Matet, may payo sa mga bagong child stars

PHOTOS & VIDEO: Melo Balingit & @mslotlotdeleon

PHOTOS & VIDEO: Melo Balingit & @mslotlotdeleon

Dahil sa taglay na kakyutan at pagka-biba, automatic na naging child star si Matet de Leon at age 3, lalo pa’t nanay niya ang Superstar na si Nora Aunor at ang timeless leading man na si Christopher de Leon. At hindi lang siya basta child star, Matet was a child wonder dahil halos lahat nang pinagbidahan niyang pelikula from 1986 up until the early 90s—I Love You Mama, I Love You Papa; Inday-Inday Sa Balitaw; Bunsong Kerubin; Tatlong Ina, Isang Anak; Takbo Bilis Takboooo!; at Takot Ako Eh! to name a few—ay pawang naging patok sa takilya. And she was starring in two up to five films a year! Ganu’n kalakas ang naging karisma ni Matet sa masa.

Now 35 and mom to her tres Marias—Mishka, Mikaela, and Mia—hataw pa rin ang TV at movie career ni Matet. She’s also not affected by the so-called network war dahil she easily juggles off commitment between the two giant TV stations, GMA-7 and ABS-CBN.

But as far as ABS-CBN is concerned, she was last appeared in FPJ's Ang Probinsyano at ang pinaka-huling ginawa niya sa kapamilya network prior to that ay ang A Love To Last ni Bea Alonzo noong 2017.

These days, Matet is part of the new ABS-CBN afternoon drama show, Nang Ngumiti ang Langit, kung saan bida ang batang si Sophia Reola at ilan pang child stars gaya nina Heart Ramos, Miguel Vergara and Krystal Mejes. Maiipit ang mga bata sa mga gulong kasasangkutan ng mga adults sa istorya kabilang na sina Kaye Abad, RK Bagatsing at Cristine Reyes.

At dahil mga child stars ang involved sa show, nausisa tuloy si Matet kung, as a former child star, ay may pwede siyang maipayo sa mga bagong batang artista ngayon.

“Siguro wag tatanggalin ’yong pagiging bata nila,” Matet muses. “Kasi napapansin ko sa mga nag-i-start na no’ng maliit pa, ang bilis nila magsi-mature, ang bilis nila… you know, kasi s’yempre puro taping, puro ano, puro trabaho…ang laro nawawala. Importante yan e. Importante yan sa bata. So, siguro ‘yon. Ayon… ’yong pagiging bata nila siguro preserve natin diba? Wag sila mag-mature agad. Kumbaga… hindi ba? Kawawa naman.”

Matet, besides being an accomplished actress, is also happily married to former basketball player-turned-businessman Mickey Estrada since 2004.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Scarlet Snow Belo’s Instagram account saved after deletion attempts

LOOK: Jolina and Melai's kids are so cute in their sagala outfits

Doug Kramer receives a beautiful reminder from daughter Kendra

Solenn Heussaff paints with Jennylyn Mercado’s son Jazz

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.