Dating “angel” ni Coco Martin na si Ana Jalandoni, sexy goddess na ng Viva ngayon

Ana Jalandoni inked a contract with Viva Films last June 3.

Photos: Melo Balingit & @realanajalandoni

Ana Jalandoni inked a contract with Viva Films last June 3.

Biggest showbiz break ng model na si Ana Jalandoni ang brief appearance niya sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang isa sa Cardo’s Angels ni Coco Martin.

Prior to that, pa-extra-extra lang daw siya sa mga TV shows like Bitoy’s Funniest Videos at Wowowee. Naging part na rin siya ng indie film na Durugin ang Droga that starred Allen Dizon at dalawang beses na rin daw siyang na-invite para maging housemate sa Pinoy Big Brother pero lagi raw hindi natutuloy. 

Ana during her Ang Probinsyano days. She played as Police Lieutenant Gelyn Gomez, isa sa Cardo’s angels.

Parangap naman daw talaga niyang mag-artista pero uneasy palagi sa kung sino ang pagkakatiwalaang tao.

“May mga ano na inaalok po akong mag-artista kaya lang napupunta ako sa mga manager na parang hindi maayos,” paliwanag ni Ana na saglit naka-tsikahan ng pikapika.ph matapos niyang pumirma ng kontrata sa Viva last June 3.

“So, parang natatakot ako... minsan puro lalaki pa sila so hindi ako nagye-yes talaga.” 

Ana blesses her Instagram followers’ feed with gorgeous photos like these whenever she can. Karaniwang makikita sa mga posts niya ang mga katagang “Heaven on Earth” at ayon kay Ana, hindi rin ang mga lugar na pinagkuhanan ng litrato niya ang heaven on earth, kundi siya daw mismo.

The Probinsyano stint was just pure luck. Inirekomenda daw siya ng kaibigan kay Coco Martin at agad namang daw siyang na-approve.

“Kinontak po ako no’ng friend ko na nagta-trabaho doon ang sabi po niya sa akin na interested po si Direk Coco na makilala ako at makapasok doon sa series ng Probinsyano,” k’wento niya.

“So, ayon po no’ng nalaman ko ’yon natuwa po ako. And then, pumunta po ako taping nila and agad-agad po, diretso taping na po ako.”

Hindi na raw dumaan sa audition ang role niya bilang Police Lieutenant Gelyn Gomez. 

“Una, kinabahan po ako kasi wala po talaga akong experience and puro sikat na artista ’yong mga nando’n,” patuloy ni Ana. “Pero happy po ako kasi winelcome po nila ako nang maayos. At saka ayon po no’ng nag-start na po akong mag-taping, tinuturuan po nila akong umakting.”

However, maikli lang ang naging exposure niya doon dahil kinailangan raw niyang umalis pa-Amerika at that time. Na-torn daw siya kung pipiliin ba ang showbiz break niya o ang naka-schedule ng biyahe sa US. 

In the end, she chose the US tour.

“Ang nangyari, bago po nila ako kunin may flight na po ako talaga. As in naka-schedule na po ’yon. Sinabi ko naman po ’yon kay Direk Coco [Martin]. And then, sabi niya, ‘Matagal pa naman, may ilang weeks pa. Baka magbago ang isip mo.’

“Inisip ko naman po...kasi s’yempre gumastos na po kasi ako doon and naka-prepare na po lahat ng vacation ko. So, sabi nila kung aalis ako at magpapa-flight mawawala ako sa eksena.

“Inisip ko naman po ’yong gastos ko doon. Parang hindi ko naman ’yon makukuha agad sa [talent fee ko sa] taping kasi bago palang ako. So, parang nanghinayang ako sa gagastusin ko kung itatapon ko lang po ’yong pera. 

“And then, no’ng pagbalik ko po ng Manila, tinawagan po nila ako kong intresado pa akong bumalik. Nagulat po ako. Sabi ko, intresado po ako. Then sabi nila tatawagan nila ako. Pero inantay ko, hindi na sila tumawag. Siguro nagbago na ’yong mga eksena. Nawala na din po doon ’yong mga ka-batch ko...nawala na din po sila.”

Sorry, guys, she’s taken. And the lucky fellow is a Cebu-based entrepreneur na isang Half-British, half-Pinoy looker.

Pero mukang destined talagang mag-showbiz ang gandang-Ana J. This time, attention naman ng Viva executives ang nakalampag niya. Panay kasi ang Tiktok niya ngayong lockdown. At bukod sa maganda at sexy, may innate humor din kasi ang laking-Cavite’ng dalaga. 

Hindi na nagsayang ng oras ng Viva. Kaya naman pagka-declare ng GCQ sa Metro Manila ay agad na siyang ipinatawag ng mga Viva bosses for a meeting (with social distancing) at agad ay nagkapirmahan na ng kontrata. Kaya naman ang dating angel ni Cardo ay sexy goddess level naman sa Viva ngayon.

Naisip tuloy namin kung siya kaya ang ipantatapat kay Ivana Alawi na humahataw ngayon sa YouYube?

“It would be really great na bigyan ako ng opportunity na gano’n,” tila nahihiyang say ni Ana. “Gagawin ko po ’yong best ko para hindi po ako mapahiya sa kanila at gagawin ko po ’yong best ko para ma-prove ko po na tama ’yong desisyon nila [na i-sign-up ako].”

Matapos lang ang problema ng bansa sa Covid ay paniguradong agad masasabak sa mga nabimbing pelikula ng Viva itong si Ana Jalandoni.

At present ay very much in love daw ang beauty niya sa isang half-British guy na naka-base sa Cebu. Kaya LDR (long-distance relationship) daw sila at the moment.

Noong una daw ay naglambing sa kanya ang boyfriend na bawas-bawasan ang pagpapa-sexy at pagpapaka-daring sa social media. Pero napa-intindi na raw niya dito na yon ay part of who she is.

“No’ng first namin, s’yempre sabi niya kung p’ewde bawasan ko ’yong pagkaka-post ko ng sexy,” sagot niya. “Sabi ko, ‘Hindi mo p’wedeng sabihin sa akin ’yon kasi bago tayo magkakilala ayan na ako, e, diba?’”

Katwiran niya, proud lang naman siya sa katawang pinaghihirapan niyang mapanatiling sexy. 

“Hindi ko naman pino-post ’yong katawan ko na para lang mapansin ako, e. Sinasabi ko sa kanya, kaya ko pino-post ’yong katawan ko dahil pinaghirapan ko ’to, e. Nagwo-work out ako... Gusto kong makita ng tao kung ano ’yong na-achieve ko diba? Parang gusto ko rin ma-encourage sila na mag-work out, kumain ng healthy...’yon din naman ’yong gusto kong makita ng mga tao, e.” 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.