Dasal ni Kakai Bautista matapos magka-COVID-19: "Lord, hindi pa ako p'wede mamatay. Mababawasan ang maganda sa mundo."

PHOTO: @ilovekaye on Instagram

PHOTO: @ilovekaye on Instagram

Nagpositibo pala sa COVID-19 ang singer-comedienne na si Kakai Bautista. 

Sa latest vlog entry kasi ng 42-year-old actress entitled "Negative Na Ako!!! Part 1”—na kinunan last September 4 at in-upload nitong September 12—idinetalye ni Kakai ang kanyang naging COVID-19 experience. 

"Earlier today, like mga 1 AM, my result from my swab test ay lumabas na," panimula n'ya sa kanyang YouTube video.  "Nagpa-swab test ako nu'ng August 28 sa GMA because I was supposed to have an event today. And I got my result earlier today. And I'm tested positive."

Maluwag daw sa loob n'yang tinanggap ang resulta at hindi na nag-drama at nagpaka-stress pa para daw hindi s'ya lalong magkasakit.

"So 'yong reaksyon ko, 'Okay.' Ganu'n lang. Normal," paglalahad n'ya. "Unang-una siguro, nakaprograma na sa utak ko na I need to be strong. Kasi once na masyado kong dinamdam o masyado kong drinamatize 'yong pagkakaroon ng COVID, e, masyado akong masasaktan at lalo akong magkakasakit."

Ipinaalam din daw nya kaagad sa kanyang mga kaibigan ang kanyang lagay para makahingi ng moral support.  

"S'yempre kailangan mo ng support. Kailangan mo ng words of encouragement."

Iba rin daw ang naging tama ng COVID-19 kay Kakai. Hindi daw kasi s'ya nilalagnat na isa sa karaniwang sintomas ng sakit.

"Wala naman akong masyadong nararamdaman na masakit or whatever. I just feel tired. I don't have difficulty in breathing," paglalahad pa ni Kakai.

Pagpapatuloy n'ya: "Kahapon medyo lumabas na 'yong symptoms like, medyo pabalik-balik na ako sa banyo. Siguro mga three times lang, not the usual na ginagawa ko everyday.  Grabe lang 'yong acid reflux ko at grabe 'yong allergy ko. Makati ang ilong ko. Sobrang kati ng lalamunan ko. Light headed ako na medyo may kasamang headache. Ang weird lang."

Nagpa-schedule na din s'ya ng panibagong swab test after seven days para malaman kung may changes ba sa lagay n'ya. 

Pinayuhan din daw ng aktres ang kanyang pamilya na mag-quarantine muna lalo na't dinalaw n'ya ang mga ito noong umuwi s'ya sa Laguna para tingnan ang pinapagawa n'yang bahay.

Sey pa ni Kakai sa kanyang vlog, maliban sa mga dati na n'yang allergy ay wala naman daw s'yang nararamdamang kakaiba maliban sa lagi s'yang inaantok.

"Inaantok ako, guys. Inaantok ako. Iba ata ang positive ko. Buntis ata ako. Charot," pagbibirong sabi n'ya.

Kahit asymptomatic ay nagpapakatatag daw ang komedyana at tiwalang malalagpasan ang pagsubok na ito.  

"Hindi ka pwedeng magpatinag, e," pahayag ng aktres. "Kasi once na bumigay ka at ma-stress ka, ayan na... Ang pinag-pray ko lang talaga, 'Lord, hindi pa ako p'wede mamatay. Mababawasan ang maganda sa mundo. Unang-una 'yon. 

"Para pag pinalabas ko to [vlog, sana], it's over. I don't want you to panic 'pag pinalabas ko habang meron ako," dagdag pa n'ya. 

Suspetsa pa ni Kakai, marahil ay nakuha n'ya ang virus through delivery services dahil hindi naman daw s'ya naglalalabas ng bahay.

"Ang suspect ko [ay] delivery [service] kasi I rarely go out," k'wento pa ng aktres. "And when I go out sobrang ingat ko. And grabe 'yong load up ng vitamins ko. Naka-gloves pa ako and all. Lagi akong naghuhugas ng kamay, the proper way of handwashing. 

At nakuha na naman n'yang magbiro.

"Lahat ginawa ko. Malinis ako dito sa bahay. Malinis ako sa katawan. Kulang yata ako ng dumi. Hindi pa ba sapat 'yong dumi ng budhi ko? Charot!

"Hindi natin alam kung sino ang kalaban natin. Kung sarili ba natin na hindi tayo nag-iingat and hindi tayo sumusunod or 'yong COVID na kahit anong pag-iingat natin nand'yan s'ya? 

"D'yos ko po. Sobrang ingat ko na. 

"Siguro ang mali ko lang, hindi pa lumalabas 'yong swab test, lumabas pa ako at dinamay ko 'yong friends ko."

Habang naka-quarantine, naging abala si Kakai sa pagsusuob o 'yong paglanghap ng steam mula sa warm water na may asin, gayun din sa pagmumumog ng lukewarm water with salt and vinegar.

Sa ngayon, ayon sa TV host-comedienne ay negatibo na s'ya sa sakit.

PANOORIN ang kabuuan ng vlog ni Kakai Bautista kung saan ibinahagi n'ya na nag-positive s'ya sa COVID-19 dito:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

COVID-19 survivor Michael V, may alay na fan art sa mga medical frontliners; nakikiusap sa publiko na “huwag natin sila hayaang matalo.”

Dahil sa panic, Pokwang, sinermunan ang PBB housemate-turned-vlogger na si Baninay Bautista dahil sa umano’y “clickbait” na titulo ng vlog nito; nobyo ni Baninay, dumipensa

Iza Calzado recalls experience of being diagnosed with COVID-19; reveals having thoughts if it was “her time.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.