Dasal at suporta, bumuhos para sa na-pneumonia’ng si Iza Calzado

PHOTOS: @msizacalzado on Instagram

PHOTOS: @msizacalzado on Instagram

Dumagsa ang dasal at supporta para sa aktres na si Iza Calzado matapos n'yang ilantad sa publiko ang kasalukuyan niyang kondisyon.

Kagabi kasi, March 25, inamin ng award-winning actress na naka-confine s'ya ngayon sa ospital dahil sa sakit na pneumonia. 

Sa larawang ipinost ng 37-year-old actress, makikitang nakahiga s'ya sa hospital bed habang may suot na oxygen rebreather mask. 

"Hello, everyone," bungad ng GMA-turned-ABS-CBN star sa kanyang Instagram post. "It’s been a while but I thought I’d update you all. I'm currently hospitalized for pneumonia and so, I was tested for Covid-19 and i’ve been waiting for the results for several days now."

Ngunit sa kabila ng pagsubok na nararanasan, saludo diumano ang isa sa lead actress ng teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin sa mga medical frontliners na nangangalaga sa kanya. 

"It’s been a challenging time for me but it cannot compare to the frontliners who have cared for me and to whom I am so grateful. My heart goes out to everyone in these trying times, especially those who risk their lives every day to care for their loved ones."

Nanawagan din ng dasal ang multi-awarded actress hindi lamang para sa kanya kundi pati na rin sa lahat ng maysakit ngayon at sa kani-kanilang pamilya. 

"I am hoping you all can join me in prayer for those who are currently sick and their loved ones, for every person struggling to cope in these tough times. And most especially, for the medical workers who are doing their best despite the hurdles."

Positibo rin si Iza na malalampasan n'ya ang kinakaharap na pagsubok ganun din ang buong bansa sa banta ng coronavirus disease.

"I count this time as an opportunity to be kind. To be a source of love and light. With the grace of God, i can fight this and we all fight this together."

Dahil naka-disable ang comment section sa Instagram post ng aktres, sa IG account ng manunulat, producer, at talent manager ni Iza na si Noel Ferrer dumagsa ang dasal at suporta para sa aktres.  

"We’VE BEEN PRAYING FOR YOU & WE LOVE YOU @missizacalzado. LET’S PRAY FOR HER HEALING," sabi ni Noel sa kanyang post kasama ang photos at lengthy message ni Iza. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on

"Praying for your speedy recovery @missizacalzado," pahayag ng aktres na si Jackielou Blanco sa comment section.

Ganun din ang komento ng singer na si Dingdong Avanzado at sinabing: "Praying for you @missizacalzado Get well soon."

"Will pray for you @missizacalzado. In Jesus Name, you are healed," dagdag naman ng Viva-contract artist at comedianne na si Candy Pangilinan.

Kasama rin sa nagbigay ng dasal ay sina JC de Vera, Lani Misalucha at Rita Avila. 

Nagpost din si Noel ng screenshot photo mula sa Instagram Story ng WWF-Philippines, isang non-government organization na nangangalaga sa kalikasan, sa pahayag nito ng pagmamahal sa aktres. Si Iza kasi ay isa sa kanilang celebrity ambassadors.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on

 

Samantala, sa Twitter naman idinaan ni Matteo Guidicelli ang pakiusap sa publiko kalakip ng tweet ni ABS-CBN reporter MJ Felipe na tungkol sa balitang na-ospital nga si Iza Calzado.

"Breaks my heart," sabi ni Matteo sa kanyang tweet. "Praying extra extra hard Iza. Let’s all cooperate pls. Stay home guys."

We are praying for your fast recovery, Iza.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.