Kasalukuyang nag-eedit daw ng Revirginized si Direk Darryl Yap nang dumating sa bahay niya ang isang package na naglalaman ng isang yellow box na may tatak na Louis Vuitton na natatalian ng personalized ribbon ni Megastar Sharon Cuneta.
Pansamatala daw niyang tinigil ang pag-eedit at ini-resked nalang para namnamin ang moment ng pag-a-unboxing ng regalo ni Mega.
May prior knowledge na siya sa laman ng box dahil ka-text niya si Sharon bago ito i-deliver. Pero iba pa rin daw ang pakiramdam habang hawak niya na ang box na ang laman ay isang black Louis Vuitton Steamer Backpack Monogram Eclipse na nang aming i-research ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang $5,000.
(Sa kasalukuyang exchange rate na 48.41 per US Dollar, lumalabas na almost P250,000.00 ang halaga ng bag).
Ito raw ang kauna-unahang designer bag ng writer-director.
Kaya naman kahit ni-request ni Mega na wag na sanang i-post ni Direk Darryl ang regalo niya ay hindi niya ito napigilan. Yon nga lang ay Facebook page ng Vincentiments niya ito inilapag at hindi sa kanyang personal page.
“Tang ‘nang SHARON CUNETA!
Nanahimik ako dis oras ng gabi manggaganito ng tao!!!” panimula ng kontrobersyal na direktor sa kanyang post sa Vincentiments page kagabi.
“Ano’ng karapatan mo SHARON CUNETA!!! Bakit mo naman ako ginaganito!
Kung iniisip mong magagantihan kita sa ginawa mong ‘to sakin! Nagkakamali ka! HAHAHA! hindi ko kaya to! Palalampasin ko na lang! HAHAHAHA!”
Sa tono ni Direk Darryl, halatang nakapalagayan na niya ng loob ang iconic actress kaya’t tila may “right” siyang ikarinyo-brutal ito.
Sa kasunod na paragraph ng kanyang post, sinabi ni Direk na alam niyang marami na namang magtataas ng kilay sa mga bagong ganap sa kanyang buhay at kabilang doon ang pagiging malapit sa Megastar.
Humingi din siya ng dispensa sa aktres dahil aniya, kailangan niyang i-post ang tungkol dito para maipagsigawan niya hindi lang ang pasasalamat niya but more so para ipaalam sa madla ang kabutihan ng puso nito.
“Pasensya na po kayo,
Alam kong maraming magtataas ng kilay, magkukulay-talong sa inggit at mababaog sa sama ng loob...
PERO KAILANGAN KONG IPOST ITO!
Bukod sa tiwala, pagmamahal, lambing at di natatapos na pag-alaga sa buong staff ng pelikulang #REVIRGINIZED, pinakamasarap sa pakiramdam yung kausap ka gabi-gabi, mabigyan mo ako ng payo at paalala, meron man o wala nito, HINDI AKO MAGSASAWANG IPAGSIGAWAN KUNG GAANO KABUTI ANG PUSO MO, GAANO KA HUSAY ANG UTAK MO AT GAANO KAYAMAN ANG BULSA MO. charot! GAANO KA KAYAMAN SA PAGMAMAHAL!
Bait na bait na ko sayo, wala pang ganito. ano na lang? himbis lagi kitang pinagdadasal, sayo na ko magdadasal! hahahaha! I LoVe you Sharon Cuneta
Salamat sa una kong designer bag, makakalimutan ko ang sarili ko, pero hindi ikaw.
your
Direk Dah.”
Tang ‘nang SHARON CUNETA! Nanahimik ako dis oras ng gabi manggaganito ng tao!!! Ano’ng karapatan mo SHARON CUNETA!!!...
Posted by VinCentiments on Saturday, March 27, 2021
Kasama sa mga photo posts ni Direk Darryl ang isang excerpt ng handwritten letter ni Mega na kalakip ng regalo.
It read:
“My Dearest Direk Darryl,
Please po...accept this gift...it truly makes me happy to know that what I’m giving you is something na nabuko kong matagal nyo nang gusto! =)”
Samantala, may isa pang notecard na naka-attach sa mismong box at narito naman ang laman noon:
“To My Dearest Direk Darryl,
Maraming salamat po uli for ‘Revirginized.’ More than that, for your love and friendship.
God Bless You always?
Love You!
Shawie.”
Bukod pa sa personal letters ni Mega, hindi rin nakapagpigil ang young director na i-post and dalawang pahina ng kanilang palitan ng text messages ng gabi ding iyon bago niya ma-receive ang LV bag. Nag-message si Mega na may ipapadala nga siya.
Sa text message exchanges, in-express ni Direk Darryl ang pagka-mangha niya sa mahal ng paparating na regalo ni Mega, na sinagot naman ni Sharon ng: “mas mahal kita direk walang presyo yun.”
Dagdag pa niya, worry lang daw siya na baka ang mabili ni Direk ay ’yong mga naka-post sa Facebook na “naibalibag na” at baka umano peke pa. Kaya minabuti na niyang siya ang bumili para dito.
Nagpalitan din sila ng banter kung saan, “minura” ni Direk Darryl si Mega, na ikatuwa naman nito.
“tang na ka SHARON CUNETA!!! Mahal na mahal kita!!! Nananahimik lang ako dito!!! GINAGANYAN MO KO”
Hagikgik naman ang sagot ni Mega dito:
“AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Ang saya saya mamura mo ako, Direk! Hahahahahahaha!
“Sowi na po di ko matiis eh!!!”
Sa isa pang pahina, sinabi ni Mega na masaya siyang malaman na ang first ever designer bag ng director ay sa kanya galing. Panigurado daw na kahit may 100 designer bags na ito ay hindi siya nito malilimutan.
Ani pa ni Mega, wag na raw ma-shock si Direk dahil p’wede na raw siyang stockholder ng Louis Vuitton dahil mula pa sa late mama niyang si Elaine Cuneta ay suki na sila ng brand. Sa part na ito na rin nakiusap si Mega na wag na sanang i-post ni Direk Darryl ang tungkol sa regalo niya dahil “di lahat ng direk ko binigyan ko ng ganyan baka magselos!”
Dagdag pa niya: “Chaka baka isipin ng ibang bugok sipsip ako sayo!!!”
Samantala, sa sobrang excitement ni Direk Darryl kagabi, pati kami ay pinadalhan niya ng mensahe ng kagalakan. Hindi raw kasi siya mapakali sa saya.
Nang nalaman niya ang presyo, nagbiro ito na: “di nalang PENERAAAA”
But knowing Direk Darryl, joke lang yon dahil alam naming itse-cherish niya ang wagas ang regalo na yon ni Mega.
Biro naman namin, ka-level na niya ang adopted AsPin ni Mega na si Pawiboy na naka-LV collar naman na ikinatawa naman niya.
In the end, we told him na masaya kami for him dahil nararanasan na rin niya ang klase ng pagmamahal na pili lang na ibinabahagi ng isang Sharon Cuneta.
YOU MAY ALSO LIKE:
Sharon Cuneta sa potential bashers ng collab nila ni controversial director Darryl Yap: “Who you?”
Sharon Cuneta, heartbroken now that Fanny Serrano is on life support
First ever kiss nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, taranta ang naging dahilan
Elijah Canlas, never daw naunahan sa set ang very punctual niyang idol na si late actor Eddie Garcia