Darren Criss, ayaw na ng gay roles

PHOTOS: @darrencriss on Instagram

PHOTOS: @darrencriss on Instagram

Pagkatapos na manalo ng sunud-sunod na best actor awards para sa pagganap niya bilang si Andrew Cunanan sa mini-series na The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story, iyon na raw ang last gay character na gagampanan ng Fil-American Hollywood actor-singer na si Darren Criss.

Sa kanyang interview with Bustle, sinabi ng Emmy Award-winning actor na ayaw niyang agawan ng roles ang ibang actors who really identify themselves as gay.

"There are certain roles that I’ll see that are just wonderful. But I want to make sure I won’t be another straight boy taking a gay man’s role," diin ni Darren.

Nakailang gay roles na raw kasi si Darren ever since naging in-demand actor siya. Ginampanan niya ang role na Blaine Anderson, isang gay student sa TV series na Glee. Nagbida rin siya bilang transgender rock star on Broadway sa musical na Hedwig and the Angry Inch. 

Nagpapasalamat si Darren sa opportunities na gampanan ang roles na ito, pero dumating na raw sa punto na hindi na siya kumportable playing gay. Though tinatanaw niya ang malaking utang na loob sa kanyang career ang pagganap sa mga gay roles.

"The reason I say that is because getting to play those characters is inherently a wonderful dramatic experience. It has made for very, very compelling and interesting people. I am very blessed in my career with being allowed in the gay community.

"It’s been such a huge part of my life, even pre-Glee. I come from San Francisco doing theater, man. Like, I was raised by gay men. Not literally at home, but you know, as a young kid doing theater, my friends were these men and women in their 20s, driving me home and getting me dinner. 

"These were my adult figures in my life, so unconsciously I’ve always had such affection for the life, whatever that means. So I guess inhabiting a gay voice is important to me because it’s a voice that I find inspiring," diin pa niya.

Kasalukuyang tinatapos ni Darren ang pelikulang Midway at siya ang magboboses kay Raphael sa direct-to-video na Batman Vs. Teenage Mutant Ninja Turtles.

Nag-post kamakailan si Darren sa Instagram ng kanyang pagbakasyon sa Pilipinas kasama ang kanyang misis na si Mia Swier. 
  

Sa isang resort sa El Nido, Palawan sila nag-stay at gandang-ganda sila sa kanilang natatanaw mula sa kanilang cottage window.

"🎶 7500 miles I roamed. Just to make this dock my home... Sittin’ on Bacuit bay. Watchin’ the tides roll away... 🎶 Thanks so much @elnidoresorts for an unforgettable getaway in paradise. #ElNidoResorts #Miniloc #ElNido," caption pa ni Darren Criss.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Darren Criss honors Filipino mom in his Golden Globe speech

SPOTTED: Darren Criss wore a Francis Libiran barong to his wedding

High School Musical: The Series, sinisimulan na

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.