Daniel Padilla, plantito na pala; kaibigan daw ang turing sa kanyang mga alagang halaman

PHOTOS: @imdanielpadillaofc on Instagram & Magandang Buhay

PHOTOS: @imdanielpadillaofc on Instagram & Magandang Buhay

Mga kaibigan daw kung ituring ng aktor at proud plantito na si Daniel Padilla ang kanyang mga alagang halaman. 

Ibinahagi n’ya ito sa tsikahan nila ng “King of Talk” na si Boy Abunda kagabi, July 29, na naka-live sa YouTube channel ng TV host sa The Boy Abunda Talk Channel.

Dumayo kasi si Daniel sa bahay ni Tito Boy para mag-guest sa bagong online talk show nito na The Purple Chair Interview na ire-release din soon.

At bago nga naganap ang main interview ay nasali sa usapan nila ang halaman nang matanong ng TV host kung anong parte ba ng bahay nila ang pinakapaborito ni DJ [nickname ni Daniel].

Sagot ni Daniel,“Gusto ko malapit ako sa mga halaman.”

Dito na nausisa ni Tito Boy kung isa ba s’ya sa mga nagkahilig sa pag-aalaga ng halaman nang tumama ang pandemic sa bansa. 

“Before that [pandemic] pa mahilig na,” tugon ng Kapamilya actor. “Therapy sa akin ‘yan, e. Kapag may nakikita akong may buhay na… Wala. At tsaka ang sarap tumingin kapag ganito ‘yong pwesto mo.

Sunod na tanong ng veteran TV host and talent manager, “Kilala mo ang mga halaman? Marunong ka sa mga pangalan?

Hindi ko memorize ‘yong mga pangalan nila,” pag-amin ni Daniel. “Pero si Kathryn [Bernardo] memorize n’ya. ‘Yon ang naging plantita eventually nu’ng pandemic.”

Bagama’t mahilig na sa halaman noon pa, mas na-inspire daw s’ya ngayon na mag-alaga na rin mismo dahil sa close friends n’ya.

Basta ako binibili ko kunwari mga Monstera. ‘Yan, ‘yong malalaki [ang dahon]. Usong-uso. Binibili ko sila kasi I have a friend, my bestfriend din, nagbenta s’ya,” pagpapatuloy ni Daniel.

Talagang may green thumb s’ya, Tito Boy. Mga pinapatubo n’ya mga carnivorous plants. Ganu’n. So sabi ko, ‘Pa’no n’ya ginagawa ‘yon?’ Sabi n’ya, ‘Eto, bro. Simulan mo [sa] Baby Monstera.’

“And now pag nakikita mong lumalaki, ang galing… S’yempre, kasi hindi lahat nang nagpapatubo nabubuhay, e.

Pag-amin pa ng aktor, talagang kinakausap daw n’ya ang mga alaga n’yang halaman bilang parte ng pagpapalaki n’ya sa mga ito.

Ako, I talk to them [to plants]. I do. Kinakapa ko sila, kinakamusta ko sila. Kasi ano ‘yan… Nature is God for me. ‘Yan ang belief ko, e,” aniya.

Naintriga naman si Tito Boy at nagtanong kung ano namang conversation ang binubuksan ng aktor kapag kinakausap ang kanyang mga plant babies. 

Ano lang s’ya, Tito Boy... Hindi naman ako ‘yong… Para ko silang kaibigan,” lahad n’ya. 

Kinakamusta mo lang kasi they react. ‘Tsaka, hello? Mas matagal na ‘yan [kesa] sa atin dito sa mundong ito. Ganu’n lang, para ko silang mga kaibigan. 

At nakikita mo rin, kapag careful ka sa kanila, para silang hayop, e. It’s the same thing,” pagtatapos ni Daniel.

For sure, maraming makaka-relate na mga plantitos, plantitas, and plant parents kay Daniel.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pagtanggap ni Lovely Abella ng wedding gown mula kay Kathryn Bernardo, inulan ng pamba-bash mula sa ilang KathNiel fans

Daniel Padilla, may deadline na for Kathryn Bernardo tungkol sa kasal nila: “Minsan, ang dami mong gustong gawin, hindi mo napapansin napag-iwanan ka na.”

Rabiya Mateo, kinilig sa surprise video greeting sa kanya ni Kathryn Bernardo

Pika's Pick: Kathryn Bernardo preps a surprise intimate victory party for boyfriend Daniel Padilla after his successful Apollo virtual concert last night

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.