Na-surprise nang bongga si Kathryn Bernardo sa regalo ng kanyang Mommy Min dahil ipinagpatayo pala s’ya nito ng sarili n’yang studio.
Sa latest vlog entry sa YouTube channel ni Kathryn na in-upload last June 6 ay kitang-kita na talagang nabigla ang aktres nang makita ang regalo na kanyang natanggap. Kinunan ang nasabing vlog noong May 22.
Makailang ulit pang napa-‘Oh my God!’ si Kath habang itinu-tour sa loob ng studio ng nobyo n’ya—at kasabwat sa paglilihim—na si Daniel Padilla. May pagkakataon pang napayakap s’ya nang mahigpit kay DJ [nickname ni Daniel].
Paliwanag ni Mommy Min sa vlog, talagang isinikreto daw nila ang pagpapagawa ng studio na dapat ay birthday gift n’ya para sa anak, who turned 25 last March 26.
“Matagal na kasi namin balak na magkaroon ng studio pero balak lang ‘yon,” pagsasalaysay ni Mommy Min.
“Akala ni Kathryn wala akong ginagawa for that. Pero since nu’ng October [2020] nakausap ko na ang kanyang architect, ang kanyang contractor para tulungan ako kung paano namin mapapagawa itong studio nang hindi nalalaman ni Kath,” lahad pa n’ya.
Ani pa ni Mommy Min, ang glam team ni Kath na kakuntsaba rin niya, ang pa-simpleng nakuhanan niya ng detalye sa look mg dream studio ng anak.
“‘Yong glam team n’ya [Kathryn] alam ang balak ko, alam ang pinapagawa ko,” sey pa ni Mommy Min. “Ang studio, parang typical lang tapos pipinturahan lang ng white.
“Sabi n’ya [John], ‘Naku, Mommy. Hindi na ganyan ang gusto ni Kath. Ang gusto n’ya ‘yong maraming bintana. May mga French window. ‘Yong mga natural light kailangan pumapasok.’”
(John is John Valle, ang hair stylist ni Kath.)
Dahil doon ay napilitan daw silang baguhin ang design ng studio at pinabaklas ang ilang bahagi ng dingding para gawing bintana.
“Supposed to be, ibibigay ko dapat ito [noong] last birthday n’ya [ni Kathryn] kasi 25th birthday n’ya. Hindi s’ya nakapag-enjoy kasi ito na naman, lockdown na naman,” paliwanag pa ni Mommy Min.
Nagpatulong din daw s’ya sa nobyo ni Kathryn na si Daniel Padilla na paminsan-minsang pumupunta sa studio noong under construction pa ito.
Dagdag pa ni Mommy Min, magagamit ng anak n’yang si Kath pati na rin ni Daniel ang studio para sa mga future events nila.
“Nag-decide na ako na gawin ‘to kasi para meron tayong space para sa mga small gatherings. So, p’wede na ‘to sa kanyang commercials, sa pictorials, and most especially, sa TGIS n’ya,” pagtatapos n’ya.
Na-appreciate naman nang husto ni Kath ang regalong studio ng kanyang mommy.
“It's June already but turns out my birthday celebration isn't over yet!” aniya sa social media. “Thank you so much mama and to everyone who took part in this sweet surprise.
“I can't believe I finally have my very own studio!!!” pagtatapos ni Kathryn.
YOU MAY ALSO LIKE:
Rabiya Mateo, kinilig sa surprise video greeting sa kanya ni Kathryn Bernardo
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber