Dahil salisi ang lock-in schedules, Carla Abellana, iniiyakan ang pagka-miss kay Tom Rodriguez at sa kanyang mga fur babies

“This is the longest Tom and I have been apart. Four months... Nakakatawa kasi the day before he gets back ako naman itong umalis ng bahay for lock-in. One day difference na lang hindi pa talaga [kami] nagtagpo.”

PHOTOS: @carlaangeline on Instagram

“This is the longest Tom and I have been apart. Four months... Nakakatawa kasi the day before he gets back ako naman itong umalis ng bahay for lock-in. One day difference na lang hindi pa talaga [kami] nagtagpo.”

Hindi napigilang maiyak ni Carla Abellana sa unang araw ng kanyang quarantine para sa pagre-resume ng kanilang lock-in taping for the upcoming TV series na To Have and To Hold.

Pagbabahagi ni Carla sa kanyang vlog, na in-upload last August 6, na-miss daw kasi n’ya kaagad ang kanyang mga alagang aso dahil matagal s’yang mawawalay sa mga ito. 

“I miss my doggies. I miss my babies,” umiiyak na pahayag ng Kapuso actress. “I’m so near yet so far. My house is literally just a few streets away. 

“That’s why when were at this hotel for quarantine, I always look out the window because I miss them so much and I know they’re so near,” pagpapatuloy ng certified fur mama.

“I know they’re okay but of course I know that they’re sad that I’m gone. I know they’re wondering why pagbalik nu’ng kotse sa bahay wala ako sa loob, hindi ako nakasakay.

Makailang ulit nga daw s’yang naiyak noong araw na ’yon dahil sa pagka-miss sa mga alaga.

“I cried last night. I cried this morning because I was dreading every minute counting down to lock-in taping,” pag-amin pa ni Carla habang umiiyak. 

“Not that I am not grateful but because I’m gonna miss them so much. Hindi pa nga ako umaalis ng bahay miss na miss ko na sila,” lahad pa n’ya.

“And they’ve been extra clingy lately because they know I’m leaving. But I hate the thought that they don’t completely understand why I’m leaving, why they won’t be seeing me for the next six weeks.”

Paliwanag pa ng award-winning actress, aabutin daw ng isang buwan at dalawang linggo na malalayo s’ya sa kanyang mga alaga. 

“It’s very difficult to leave home especially if you know you’ll be gone for so long,” aniya. “And this time around we will be gone for six weeks so mahirap s’ya. Kung mahirap na noon, mas mahirap pa ngayon because it’s longer. 

“So, saying goodbyes to my doggies or ‘see you soon’ to my doggies was extra difficult most especially because they have no idea how long I’ll be away for.”

Isa pa sa ikalulungkot ni Carla ay ang hindi nila pagkikita ng fiancé na si Tom Rodriguez bago siya umalis. Noong pumasok kasi s’ya sa hotel para mag-quarantine ay s’ya namang uwi ni Tom mula sa lock-in taping ng The World Between Us. 

“This is the longest Tom and I have been apart. Four months,” k’wento ni Carla sa vlog. “Nakakatawa lang because he’s actually arriving back home tomorrow. 

Nakakatawa kasi the day before he gets back ako naman itong umalis ng bahay for lock-in. One day difference na lang hindi pa talaga [kami] nagtagpo.

Kahit na magiging matagal ang kanilang second and last lock-in taping sa Bataan, umaasa si Carla na mas magiging masaya ito lalo pa’t may bagong cast members daw silang makakasama. 

“It’s going to be a bit more difficult because it’s longer but hopefully it’s going to be just as fun,” ani Carla. 

“If not, mas fun pa because we will be at lock-in with, I think, two more new cast members. Abangan n’yo na lang kung sino ’yon. But yes, we’ve been waiting for them and finally, we have them on board so I can’t wait to work with the both of them,” pagtatapos n’ya.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tom Rodriguez, sigurado na kay Carla Abellana; in-love din daw sa leche flan ng aktres

Carla Abellana desperately calls for help to rescue dogs from dog-meat traders 

Tom Rodriguez, kina-career ang pag-aaral ng Mandarin Chinese

Tom Rodriguez shares allegedly being “possessed” on set

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.