Dahil sa showbiz na nagbinata, Kyle Echarri, hindi nakaranas ng normal high school life

"It's not like I'm really sad that I wasn't able to go to a real school na talagang kasama ko po 'yong classmates ko pero it's something that I always think of. 'Pa'no kaya kung nag-real school ako?'"

PHOTO: @kyleecharri on Instagram

"It's not like I'm really sad that I wasn't able to go to a real school na talagang kasama ko po 'yong classmates ko pero it's something that I always think of. 'Pa'no kaya kung nag-real school ako?'"

Muling binalikan ng young Kapamilya star na si Kyle Echarri ang kanyang first love, which is music.

It has been years na din kasi mula nang mag-release ang singer-actor ng kanyang single. 

At sa online blogcon nga na ginanap kahapon, September 22, ibinalita ni Kyle na magkakaroon s'ya ng new song entitled "I'm Serious" na isinulat daw n'ya based on his experience matapos s'yang ma-bash at maparatangang "chickboy."

Matatandaang bago pa sumabak at magkapangalan sa acting ang 17-year-old Filipino-American artist via the afternoon drama na Kadenang Ginto, nauna munang nagpabilib si Kyle sa The Voice Kids Season 2 noong 2015 kung saan napasama s'ya sa Top 6 finalists. 

Hindi man nanalo sa nasabing singing contest, thankful naman ang talented Cebuano singer-actor dahil nakapasok pa rin s'ya sa showbiz, both in music and acting, na talagang pinangarap daw n'ya. 

"It's been my dream po," pahayag ni Kyle sa blogcon. "It's been my dream since I was a kid na talagang maging artista po ako, maging singer at tsaka actor po ako. It's always been my dream. 

"And I'm honestly blessed to join the industry in such a young age and I've even more blessed that I'm still in the industry until now," dagdag n'ya.

Oo nga at natunghayan na ng kanyang fans and followers na sa showbiz na talaga nag-mature si Kyle mula nang sumali s'ya sa The Voice Kids at the age of 12.

"It's, honestly, a blessing that I'm still here," sey ng young singer-actor. "And I realized po I really matured fast in the industry. 'Yon po ang sinasabi sa amin ng mga beterano sa industriya. They always tell us na, 'As kids, you guys matured fast in the industry.' 

At 17, medyo iniiba na din daw ni Kyle ang kanyang style and image para ipakita na he has really grown so much with his craft.

"So, I’m kinda using that to my advantage where I'm doing my best to show the world na hindi na po ako 'yong batang taga-The Voice,” pahayag n'ya. 

At dahil nga na-occupy na ng showbiz projects and commitments ang kanyang mga oras at taon, natanong si Kyle ng press kung ano ang na-miss out n'ya sa kanyang buhay teenager.

"What I really missed out on was high school life. 'Yon talaga," pag-amin n'ya sa press. "I realize high school is a big turn in your life where you get to see your friends, spend time with your friends while you're going to school, and you get to experience how to be a teenager."

Hindi naman daw n'ya totally pinanghihinayangan na hindi n'ya naranasang makapag-aral sa normal high school dahil successful naman ang pagpasok n'ya sa showbiz. Pero sumasagi daw 'yon sa isip n'ya from time to time.  
  
"Ako po, I've been working all my teenage life," paglalahad pa ng Kadenang Ginto actor. "Hindi naman sa nanghihinayang ako. 

"It's not like I'm really sad that I wasn't able to go to a real school na talagang kasama ko po 'yong classmates ko pero it's something that I always think of. 'Pa'no kaya kung nag-real school ako?' I guess that's just one 

Sa ngayon ay out na ang single niyang “I'm Serious” na mala-Justin Bieber ang atake.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kyle Echarri, naranasan na raw "hindi seryosohin;" babaeng sasabihan ng "I'm serious" sa music video, ayaw pang i-reveal. (Si Francine Diaz kaya?)

Pika's Pick: The Gold Squad is set to have their first big-screen film together!

Pika's Pick: Zephanie Dimaranan teases collaboration with Kyle Echarri and Jason Dy

WATCH: Kyle Echarri, kinilig nang i-recall ang surprise ball proposal niya kay Francine Diaz!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.