Biro ng versatile Viva actress na si Rhen Escaño during the Karma media conference, gusto umano niyang magpa-pansin sa press at sa publiko kaya niya tinanggap magbida sa nasabing female-centric action film.
"Gusto kong maging honest, gusto ko pong magpa-pansin sa inyong lahat. Haha! Gusto ko pong mapansin n'yo ako kaya ko po tinanggap itong proyektong ito kasi napakahirap po, e. Napakahirap."
"At nakita n'yo naman po ako...kung napanood n'yo po 'yong mga ginawa ko before, parang hindi n'yo makikita sa akin ever at sa pagkatao ko na gagawa ako ng mga ganitong klaseng project," patuloy niya. "So, kapag napanood n'yo po ito, malay n'yo po mapansin n'yo po ako na kaya ko din pala."
Nakilala si Rhen sa mga sexy thriller projects gaya ng Adan, Untrue, The Other Wife, and Secrets of a Nympho. Pero unti-unti siyang kumakawala sa sexy genre by accepting various acting challenges.
Nag-romcom siya sa GL series na Lulu, nag-drama sa Kung Hindi Lang Tayo Sumuko, nag-horror sa Rooftop, Spellbound, at Marita; nag-semi kontrabida sa Can't Buy Me Love, nag-dramedy role sa Lumuhod Ka sa Lupa. This time around, sumusubok siya sa action genre—although, technically, it's not her first dahil may mga naging action scenes din naman siya before sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN.
For Karma—where she is playing as an assassin with personal vendetta in mind—dumaan sa matinding preparation si Rhen to give justice to her action scenes.
"Mineky sure po ni Direk [Albert Langitan] na makapag-action training ako dahil iyon po ang kailangang unang-unang gawin. Kailangan po maging malakas ako physically kasi hindi rin po ako nagwo-workout. Kita n'yo naman siguro. Hindi po ako physically fit," pag-amin niya.
"So, ang haba no'ng naging process ng preparation. Nag-gun firing [training] ako...at first time ko rin po humawak ng baril na natakot ako no'ng time na 'yon kasi magkakasama kami ni Sid [Lucero] noon, nag-gun firing kami.
"Ang weird na unang gun fire ko palang, tinamaan ko 'yong sa gitnang part. Bulls eye, e. Sabi ko, 'I think para pala sa kin 'to.' Haha! Hindi, joke lang.
"So, nag-gun training kami, nag-acting workshop din po kami. Dalawa kami ni Ate Krista [Miller]. Halos araw-araw. Umaga magte-training kami. Sa gabi mag-a-acting workshop. Ilang weeks kaming nag-workshop.
"And of course, lagi pong kasama sa process ko is manood nang manood ng mga pelikula dahil hindi naman po tayo mauubusan ng matututunan doon and mineyk sure ko na araling mabuti 'yong character ko. As in sinabuhay ko talaga siya. Kasi gaya nga po ng sabi ni Direk, napakalaking project niya po ang ayaw ko po siyang sayangin."
Pagbabalik-tanaw pa ni Rhen, nag-skip a beat daw ang puso niya nang matanggap niya ang offer to lead an action movie na ginastusan ng mga bagong producers na Happy Infinite Productions. As for Direk Albert, na naka-trabaho na ni Rhenj sa Ang Pobinsyano noon at sa Lumuhod ka Sa Lupa ng TV5/Viva ngayon, noon pa aw niya nakikitaan ng kakaibang aura si Rhen at feel niyang kaya nitong mag-action. Kaya si Rhen daw ang agad niyang sinadgest sa mga producers, who honestly didn't know Rhen prior. Pero nang mapanood daw nila ang mga trabaho ni Rhen, they gave Direk Albert the thumbs up.
"Kinabahan ako," lahad ni Rhen. "Ako, kilala ko ang sarili ko. Once na kinabahan ako, once na natakot ako, the more na feeling ko hindi ko kaya, mas gagawin ko siya.
'Kasi gustong-gusto ko palagi 'yong nagda-doubt sa akin 'yong mga tao, 'yong pag nakikita nila ako, 'Hindi niya kaya yan.' So, the more na napi-feel ko na di makikita ng mga tao na kaya ko siyang gawin, mas gagawin ko siya.
"Kaya tinatanggap ko lagi 'yong mga projects na kita n'yo naman po, na parang hindi ko siya kayang gawin pero so far, napu-pull off ko naman po. Hanggang ngayon nabibigyan po tayo ng projects. Thankful po ako. Tapos katrabaho ko po si Sid Lucero na sobrang laking bagay po sa akin. Ang laki po ng natulong niya sa akin sa pelikulang ito. Ang s'werte ko."
But while doing the film, ilang beses daw muntik mag-give up ni Rhen dahil sa magkaka-halong pressure at pagod.
"Especially may scene kami sa Baguio na ang lamig-lamig that time, tapos may mahabang monologue si Tito Roi [Vinzon] tapos nakatutok ako ng baril sa kanya. Hindi po siya toy gun, ha. As in mabigat siya. Nanginginig na ako, naiiyak na ko. Hindi ko p'wedeng ibaba ang baril."
Isa daw 'yon sa mga point na sinabi n'yang ayaw na niya. But Direk Albert put the sense back into her head.
"Kinausap ako ni Direk, sabi niya, Bat ka nandito? Bat ikaw pinili namin? Ibig sabihin, alam naming kaya mo.'
"In my mind, sabi ko, 'Oo nga. Ano ganda-gandahan nalang ba ako forever? Pa-tweetum, pa-sexy nalang ba ako forever?' After that, parang magic. Hind ko rin po alam kung paano ko nagawa lahat 'yon.
"Iyon nga, sabi niya [Direk], ilang beses ko iniyakan, ilang beses ako nag-give up pero naniwala pa rin siya sa akin na kaya ko. I think sinimulan ko po itong pelikulang ito na kahit mukang di ko kaya, prepared po ako. And sana po makita ng mga tao yon."
Karma opens in cinemas nationwide beginning June 19.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber