Dahil sa birthday prank sa GF na si Barbie Forteza, pocket camera ni Jak Roberto, malapit na raw itapon ni Barbie

PHOTOS: @jakroberto on Instagram, Jak Roberto on YouTube

PHOTOS: @jakroberto on Instagram, Jak Roberto on YouTube

Muli na namang nabiktima si Kapuso actress Barbie Forteza ng pampa-prank ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto na itinaon mismo ng huli sa kanyang karaawan. 

Successful na naman si Jak sa kanyang in-effort na prank dahil napaiyak niya talaga ang kanyang si “Madam.”

Ang nakakaloko-pero-sweet na birthday prank niya kay Barbie ang latest entry niya sa kanyang YouTube vlog na in-upload lamang ngayong araw, August 6.

It was last July 31 when the Anak ni Waray vs Anak ni Biday lead actress celebrated her 23rd birthday. At noon ikinasa ni Jak ang kanyang latest prank.

Ang gimik ni Jak, kunwari ay nakaligtaan niya ang birthday ni Barbie. Kung dati kasi nasa bahay na siya ni Madam sa bisperas ng birthday at nagpapa-abot ng alas dose para personal niyang mabati, ngayon ay sinadya ni Jak na hindi magpakita the day prior kahit wala ng lockdown.

Wala rin siyang text, tawag, o any social media post about Barbie’s birthday. Sinadya rin daw niyang hindi ma-“seen” ang mga messages ng kasintahan. In short, feeling neglected si Barbie sa mismong araw ng birthday niya.

Unknown to Barbie, s’yempre ay kakuntsaba ni Jak ang mga ka-anak at iba pa niyang kasama sa bahay. Kaya naman pagdating niya doon ay agad niyang na-setup ng hidden camera para ma-capture ang reaction ni “Madam.”

Tanghali na actually nang magpakita si Jak sa bahay nina Barbie at umastang parang normal day visit lang niya iyon. Naka-pambahay lang ito with matching the required face mask.

Halatang expectant si Barbie pero halatang sinubukan nitong maging kalmado at normal lalo na noong magsimulang mag-open ng kung anu-anong topic si Jak gaya ng pag-eedit ng videos, COVID-19 cases, at paglilinis ng kotse. 

Maya-maya pa ay nagpaalam din si Jak na magpapa-car wash lang sandali na lalong ikinairita ng Kapuso Primetime actress. 

Aalis ka ulit? Bakit dumaan ka pa dito?” sarkastikong hirit ni  Madam. 

Pagka-car wash mo kaya umuwi ka na lang,” sabi pa n’ya kay Jak nang magsimula itong magsuot ng face mask malapit sa pinto. “Para ma-cover-an mo ’yong kotse mo kasi uulan na.

Hindi alam ni Barbie, lumabas lang ang Walang Tulugan alumnus para kunin sa kotse nito ang regalo para sa kanya.   
At nang muling bumalik sa loob ng bahay nila Barbie si Jak ay dala na nito ang bouquet of red roses at ang birthday gift sa kasintahan.

Lumalabas ng banyo noon si Barbie nang makita si Jak na hawak ang regalo at bouquet habang kumakanta ng traditional “Happy Birthday Song” habang hawak ang camera phone para ma-capture pa rin ang reaction nito.

Akala mo nakalimutan ko, ’no?” pa-sweet na tanong ni Jak kay Barbie. 

Walang imik namang tinanggap ni Barbie ang birthday present ng aktor.

Ang ganda mo naman po,” patuloy na lambing ni Jak nang maupo na sila ni Barbie sa sofa. “Happy Birthday.” 

Nangingiti pero masama pa rin ang tingin ni Barbie sa prankster na kasintahan at pagkatapos ay tuluyan na itong napa-iyak.

Bakit ka umiiyak? Mabubura ang make-up mo,” natatawang tukso ni Jak sa kanya. 

Umiiyak, Tita,” masayang sumbong pa ni Jak sa mommy ni Barbie na tila ipinapahiwatig na “success” ang pangso-sorpresa niya dito. 

Mahinahon namang sumagot ang nanay ni Barbie at sinabing: “Lagi mo na lang 'yang pinaiiyak...”

“Sorry, Tita,” natatawang tugon ng binata.

However, halata namang jubilant si Jak dahil naging effective ang kanyang ginawang prank.

“Okay ba hindi ako nagbihis para hindi ka makahalata?” tila nanghihingi ng feedback na tanong ni Jak sa dyowa. “Para kaswal na kaswal lang ’yong pagpunta ko kunwari dito?

Wala pa ring imik noon si Barbie na abala sa pagpapahid ng luha.

“Okay ka lang?” muling tanong ni Jak.

Imbes na sagutin ang pilyong boyfriend, humarap si Barbie sa kamerang hawak ni Jak at nagsumbong sa audience: “Hindi kasi n'ya ako binati.

At that point ay nagsimula na naman s’yang umiyak. 

“Sorry na,” pag-alo ni Jak sa kanya.

Mga kaaway ko nga binati na ako e,” patuloy na pagmamaktol pa ni Barbie sabay pihit ng tawa. “Tapos hindi mo ako binabati. Ang sama ng ugali mo.”

Agad-agad?” bwelta naman ni Jak. “Hindi p’wedeng nampa-prank lang? E, kasi lagi na lang ano...Di ba nagpo-post kaagad ako ’tsaka bumabati. E, kahapon naka-isip na naman [ako] ng kalokohan. Alam mo naman kapag quarantine, walang magawa. Sorry na.

Pero hindi mo nakalimutan?” pagsisiyasat ni Barbie na tila may duda pa rin. 

Ang muli ay ipinaliwanag ni Jak sa viewers na dati nga raw kasi ay nasa bahay na siya ni Barbie sa bisperas ng kaarawan nito at sabay nilang sinasalubong ng alas-dose. Kaya ang laki talaga ng pagbabago sa pagbati niya this year.

Kasi guys, [dati], hindi ako umaalis dito hangga't hindi nag-a-alas dose [ng hating-gabi], bago s’ya mag-birthday, nandito na ako. Tapos magluluto kami ng noodles.”

Ayaw namang tanggapin ni Barbie ang palusot ni Jak.  

Ning, ang laki-laki no’ng cake hindi mo pa napansin?” tanong niya kay Jak habang tinuturo ang kinalalagyan ng cake.

Padulas naman ng aktor: “Hindi nga ako pumupunta kunwari doon, e. Para 'di ko talaga alam, e. S’yempre kapag pumunta ako doon mao-obvious-an na nakita ko na ’yong cake mo. Saka ’yong handa mo.

Para muling makatiyak, muli na namang nagtanong si Barbie. 

“So, hindi ka magpapa-car wash?” pag-uusisa n’ya. 

Hindi,” malutong na sagot ni Jak. “Tag-ulan, e. Tara, kain na tayo.

Pero bago pa naka-kain ay napatili muna si Barbie nang mabuksyan n’ya ang regalo sa kanya ni Jak na pair of airpods.

“Yes! I love it. I need it so much,” masayang sabi ni Barbie. “Oo, kasi lahat na ngayon, sa Zoom, kailangan talaga ng ganito. E, ’yong ganito ko nasira. Kaya kailangan ko s'ya talaga. Thank you so much!” 

Ipinagmalaki naman ni Jak ang kanyang skills sa pampa-prank na lagi umanong effective. Ilang beses na kasing successful ang prank n’ya kay Barbie.

Naghahanap ako ng pagtataguan ng camera,” k'wento ni Jak sa viewers at kay Barbie. “E, ’yong [shoe rack] lang ’yong feeling ko na hindi mo makikita kasi may mga sapatos. Hinarangan ko.

Sa man bun mo [itago],” tuksong pangta-tabla sa kanya ni Barbie na aminadong wala talagang idea na prank pala ang lahat. 

Ang galing ko talaga,” dagdag na yabang ng tinaguriang “Pambansang Abs.”

“In fairness dito sa Osmo Pocket na ’to, talagang maganda pam-prank,” say pa ni Jak about his mini camera.

Oo, malapit ko nang itapon yan!” astang-pikon naman na sagot ni Barbie.

Nagtapos sa isang masarap na seafood lunch ang birthday prank ni Jak sa girlfriend na si Barbie. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Jak Roberto portrays controversial internet star, DJ Loonyo, in Magpakailanman

Pika's Pick: Dog lover Jak Roberto hosts a “1st Barkday” party for his four French Bulldog pups, litter of his Mommy pet, JMi

Pika's Pick: Barbie Forteza posts kissing photo with Jak Roberto to mark their third anniversary as couple

Barbie Forteza, engagement ring na may “ga-pisong” bato ang hiling sa boyfriend na si Jak Roberto; Jak, may anim na taon pa para mag-ipon

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.